nagkulang…

araw-araw na lang ata na lagi kitang ginagamit… minsan naiisip ko na baka napapagod ka na dahil masyado akong “mahilig” pero isa itong adiksyon na mahirap tigilan…

sinubukan ko ngang magpigil dahil alam kong nahihirapan ka na, pero dahil sa katigasan ng aking ulo, pinilit ko pa rin ang gusto ko…

isang araw, nagalit ka ata sa akin, pinagsalitaan mo ako na “punong-puno” ka na at hindi mo na kaya… kaysa isipin ko ang kapakanan mo, isinaksak ko pa rin ang gusto ko at magdamag kitang “pauli-ulit” na ginamit…

pero siguro naging masaya ka nung “nagdagdag” ako ng makakasama mo sa bahay habang wala ako… at bilang pasasalamat sa iyo, pinayagan kong “magsalitan” kayo habang nakukuha ko ang gusto ko sa inyong dalawa…

hindi ka na pagod at nakakapag pahinga ka kung sakaling yung “isa” ang ginagamit ko at hindi ikaw…

pero matindi talaga ang pangangailangan ko… napagdesisyunan kong “pagsabayin” kayo para lang malaman kung kaya ba.. aba! kaya naman pala.. mas lalo akong naging “hayok”… araw-araw, oras-oras, minu-minuto.. walang pahinga… walang kasawaan…

hanggang sa dumating uli ang pagkakataon na pareho na kayong “dumadaing” sa kabigatan ng inyong saloobin… kahit “burahin” ninyo ang mga nakaraan, hindi pa rin sapat iyon para “punuan” ang aking matinding pangangailangan..
nagpasya ako na sa huling pagkakataon…

Posted in wala lang | 8 Comments

salamin…

hep hep! linawin ko lang na hindi ito yung salamin na ginagamit kapag nais nating magpaganda/pagwapo.. hindi rin ito yung ginagamit kapag nais mong makita ang mukha mo kung may muta ka, uhog o natutuyong tulo ng laway kagabi… eto yung salamin sa mata or glasses sa wikang inggles…

i-kwento ko lang sa inyo kung paano ako nagsimula sa pagsuot ng salamin, kailan ako nag suot ng salamin, saan ako tumatae, bakit ako nagsusuot ng salamin, o sa madaling salita, alamat ng pagsuot ng salamin ni potpot.. parang mahaba pa rin… amfpt…

noong musmos pa lang ako at medyo nagkakaroon na ng malisya sa aking pagkatao, inisip ko na napaka gwapo ko siguro kung nagsusuot ako ng salamin, magmumukha pa akong matalino at siguradong titingalain ako ng mga kaklase kong pandak.. ang problema ko lang ay hindi naman malabo ang mata ko noon… dahil likas akong pakialamero bibo, sinusubukan kong suotin ang salamin ng nanay at tatay ko, haharap ako sa mirror at kunwaring nagtatalumpati.. pakiramdam ko, kasing talino ko ang mga naging idolo kong scienist tulad nila dexter’s lab at ni professor utonium ng power puff girls…

at dahil sa aking kabibohan, napapansin kong kapag nagkaklase kami noong elementarya, hirap na hirap akong basahin ang mga nakasulat sa pisara… at kung dati rati ay kaya ko pang malaman ang character sa panty ng mga kaklase kong babae kapag binobosohan ko sila sa CR, ngayon ay parang blurred na lahat…

hindi kalaunan, dahil may grado ang sinusuot kong salamin ng aking mga magulang, idagdag mo pa ang pagbabasa ko ng xerex sa dilim at pakikipaghalikan ko sa TV kapag porn ang pinapanood ko, pinadala ako sa albularyo optometrist para magpatingin sa mata, at ayon sa pagsusuri, lumabo ang mata ko.. imbes na malungkot, napalundag pa ako ng 3 inches at napasigaw ng “YES!”

First year high school ng suot-suot ko ang kauna-unahan kong bagong new glasses.. at dahil mukha akong matalino, sa akin lumalapit ang mga kaklase ko para mangopya ng assignment, at dahil mayabang ako, hinahayaan ko lang silang mangopya, pero natigil din ang ganoong sistema hindi dahil nakokonsensya ang mga kaklase ko sa pangongopya, kundi dahil mali-mali ang mga sagot na pinapakopya ko sa kanila.. nakakapressure din pala ang nakasalamin, kaya nga inisip ko na “with great glasses comes great responsibility”, kaya siguro nagpursigi ako noon para naman ma-justify ang pagsuot ko ng salamin…

problema ko din ang ilong ko.. hindi nakikibagay sa salamin na sinusuot ko at dahil jan ay lagi na lang nasa playground ang salamin ko.. laging nagsa-slide.. kulang na lang ay sisihin ko ang mga magulang ko kung bakit ako pinanganak na pango may kapansanan.. pero hindi bale, ginagamit ko itong advantage dahil nung natuto naman akong humalik, ay hindi naging sagabal ang ilong ako…

isa pang naging problema ko ay ang pagiging miyembro ko ng mutant team ng x-men.. ang aking powers, naglalabas ako ng asido mula sa aking pawis… kaya halos lahat ng salamin ko ay nasisira dahil tinutubuan ng lumot at nagko-corrode.. mula first year hanggang 4th year ay humigit kumulang na 10 salamin na ang nasuot ko… kung masira man ang salamin ko at nanghihinayang naman akong magpabili pa sa nanay ko, ginagamitan ko ng kaunting scotch tape, masking tape, goma ng intsik, elmers glue, mighty bond, pinatuyong laway ng butiki, at ihi ng palaka para madikit ang mga piyesang nagkandahulog…

hindi ko rin ikinakahiyang tanga ako dahil may mga salamin na rin akong naupuan, nahigaan, naiwan sa LRT, natapakan, nasagasaan, nahulog sa semento, nahulog sa inidoro na may laman, at mga ilan-ilang minor accidents na talaga namang hindi sinasadya noong mga panahon na iyon..

pero sa totoo lang, kung alam ko lang na mahirap ang nakasalamin, nakinig sana ako sa mga magulang ko noong sinasabihan akong kumain ng gulay, huwag magbasa ng bastos na babasahin kapag madilim at huwag manood ng tv ng malapitan.. marahil siguro 20/20 pa rin ang vision ko… nakakapangsisi pero hindi ko na kayang balikan ang nakaraan..

kayo ba? namboboso nagsasalamin ba kayo?

Posted in back to the past, katas utak, wala lang | Tagged , , | 26 Comments

kapal muks…

matagal ng makapal ang mukha ko, simula pa lang ng mangudngod ang pagmumukha ko sa semento ng forest hardin namin… kaya nga busalsal ang nguso ko… pero sa totoo lang, matatawag bang makapal ang mukha kung logical naman ang ginagawa mo? pwede bang sabihing na ang kakapalan ng mukha ay depende sa sitwasyon?

medyo malabo akong kausap no, pagpasensyahan na ninyo dahil sa kakulangan ko sa nutrisyon sa utak, pero ang sinasabi ko lang, kung kakapalan ko na rin lang ang pagmumukha ko, sisiguraduhin ko munang kaya kong panindigan ang mga pwedeng maibato sa aking batikos dahil alam naman natin na tayo ay nabubuhay sa mundo na puno ng kaplastikan…

kaya sasagutin ko lang ang ibang mga paratang sa akin noon to make myself clear… hindi ako nagpapaliwanag sa mga gawain ko, pero para maintindihan ng mga hindi nakakaintindi… mahirap na, nakakahawa na kasi ang pagiging tanga…

- Hindi kakapalan ng mukha ang kumuha ng ilang pakete ng lipton tea kung nagbayad naman ako ng drink all you can sa restaurant na kinainan ko… ine-exercise ko lang ang karapatan ko bilang customer na nagbayad para sa kinain o ininom ko… TEA PACKET COLLECTOR

- Hindi kakapalan ng mukha ang ubusin ang pagkain sa isang party kung nagbayad naman ako ng higit pa sa presyo ng kinakain ko… isinasabuhay ko lang ang paniniwala ko na marami ang nagugutom sa mundong ibabaw at kailangan walang itira para hindi masayang ang palay na itinanim/inani ng mga magsasaka at karne na galing sa baboy/baka na inalagaan ng mga maghahayop.. COCERN CONSUMER

- Hindi kakapalan ng mukha ang humingi ng kechup sa mcdo para ipangsawsaw sa french fries ko na binili ko gamit ang perang pinaghirapan ko… hindi rin naman kakapalan ng mukha na humingi ulit ng dagdag kechup para naman ilagay sa burger na binili ko rin sa mcdo… SAUCE ENTHUSIAST

- Hindi kakapalan ng mukha ang makisagap ng wi-fi sa kapitbahay, lalo na kung wala itong security pass, hindi ko kasalanang hindi marunong magset-up ng wi-fi connection ang kapitbahay namin… TECHNOLOGY BUFF

- Hindi kakapalan ng mukha ang mang-arkila ng pelikula sa video city at kopyahin ito, nagandahan lang naman ako sa palabas kaya gusto ko itong ulit-ulitin… MOVIE FANATIC

- Hindi kakapalan ng mukha kung makipag-inuman ako at malakas akong mamulutan… kaya nga hinanda yang pagkain para ubusin tapos gusto ninyo yung mga langaw pa ang magpyesta sa tuna-skyflakes na hinanda ninyo? DISH LOVER

- Hindi kakapalan ng mukha ang iuwi ko ang mga aluminum cans na wala ng laman sa ginanap na christmas party ng kumpanya namin noon… sa katunayan, tinulungan ko pa ang mga janitor na mabawasan ang load nila at the same time kumita pa ako ng mahigit 500 sa pagbenta ko ng lata ng softdrink sa junk shop… HUMANITARIAN / ENVIRONMENTALIST / ENTREPRENEUR

- Hindi kakapalan ng mukha ang maglagay maki-usap sa trafic enforcer/pulis kung mahuli ako na nag-left turn sa isang kalsada na hindi ko naman makita ang no left turn sign… iniisip ko na lang na ito yung mga bagong sign na inspired sa “where’s wally” na palabas… SMOOTH TALKER

Sana nagkaroon kayo ng idea na ang kakapalan ng mukha ay depende sa sitwasyon… alam ko naman ang ibig sabihin ng mga salitang yan.. kayo ba.. feeling ba ninyo na kakapalan ng mukha ang ginagawa ninyo.. mag-isip ka muna, malay mo, feeling lang yun ng iba…

Posted in katas utak, kups session, wala lang | Tagged , | 21 Comments

buhok…

ang isa sa pinakaimportanteng bagay para sa isang lalake ay hindi ang kanyang virginity, hindi rin ang kanyang kakisigan, lalong-lalong hindi ang kanyang kagwapuhan, kundi ang kanyang buhok… oo, tama kayo ng basa, ang buhok…

may sikat ngang sinasabi si rene requestas sa isang pelikula.. “guluhin mo na ang lahat, huwag lang ang buhok ko..”kung baga sa pamantayan ng tunay na lalake… ang pagkakaroon ng maayos at malagong buhok ay isa sa mga patunay ng pagkalalake kahilera ang pagsuot ng pink na polo at pagpapamanicure/pedicure na may kyutiks…

ang lalaking nakakalbo/napapanot ay maihahalintulad din sa babaeng wala o maliit ang boobs… pwede mo rin itong ihalintulad sa matandang kumakain ng kropek ng walang pustiso… sa madaling salita.. ang buhok ay necessity para sa mga lalake…

pero may mga taong tanggap ang kanilang kapalaran pag dating sa kanilang buhok… kadalasan ay maihahalintulad natin sila sa mga pasyenteng may sakit na cancer dahil parang ilang ulit silang nagpa chemo sa kintab ng anit nila… dapat ay sanay ka rin na matawag na may HIV or may AIDS (Hair Is Vanishing at Anit Is Definitely Showing)…

saan ba patungo ang kwento ko? well.. sa totoo lang… matagal na akong umaasa na makalbo… bakit? dahil yun ang mindset na itinatak ng mga magulang ko sa akin noong kumakain pa ako ng kulangot…

simula ng magkamalay ako sa mundong ibabaw, kinundisyon na ako ng mga magulang ko na balang araw ay mapapaso sa sinag ng araw ang bumbunan ko… at kahit takot ako sa magiging kapalaran ng aking buhok, unti-unti ko itong tinanggap at pinagdasal na lang na kung kukunin man sila ni Lord, eh dalhin sila sa salon…

ngayong nasa edad na ako na dapat ay wala ng wind resistance ang anit ko, eh masaya ako’t tumutubo pa rin kahit papaano ang aking buhok, wavvy nga lang… pero kitang-kita na ang receding hairline na hindi na maitatago ng bangs ko na iilang hibla na lang din ang natitira.. pero in-fairness.. pwede pa akong magpahaba ng buhok hanggang balikat, para lang marinig ko ang mga katagang.. “mahangin ba sa labas?”

pero dahil handa ako sa nalalapit na katapusan, inuunahan ko ang tadhana at talagang pinipilit kong magpakalbo sa barberya.. kung baga kailangan ng mental conditioning para hindi na ako mabibigla at matatanggap ko ang masaklap na kapalaran na inihain sa akin…

pero may sinasabi sila na kapag masamang damo, hindi basta-basta namamatay.. malakas talaga siguro ang fighting spirit ng mga buhok ko kaya kahit anong paggamit ng labaha sa anit ko, ay tumutubo at tumutubo ito…

sa ngayon, hahayaan ko na lang siyang tumubo at siguro napapanahon na rin na matuto akong mag ayos ng buhok.. kung sa bagay, kung nakatirintas naman ang buhok ko sa kili-kili, bakit di ko magawa sa buhok ko sa ulo… o di ba?!?

Posted in katas utak, kups session, wala lang | Tagged , , , , , , | 10 Comments

bawal ang merry christmas…

kahapon, pumunta ako sa embahada ng Pilipinas dito sa Japan para kumuha ng OEC o Overseas Exit Clearance dahil uuwi ako para magbakasyon… ang kapirasong papel na ito ay ang magbibigay sa mga OFW ng kapangyarihan upang sugpuin ang mga aswang ng ating bayan o di kaya ay ginagamit ito kapag babalik ka na sa bansang pinagtatrabahuhan mo at para hindi ka na maglagay magbayad pa ng additional na terminal fee at chuvaness fee…

mabilis naman akong nakakuha dahil hindi naman gaanong mahaba ang pila.. sa katunayan, nag fill up lang ako ng form ng aking pangalan, address, lagda at suking tindahan at nag-ipit ng isang tide wrapper at inihulog ko sa drop box sa labas ng embahada… that was it…

pero, nung nakuha ko na ang OEC ko, at dahil masaya ako, binati ko ang nagasikaso sa akin ng “thank you po at merry christmas”… siyempre bilang Pilipino, ugali na nating bumati sa mga taong nag-aasikaso sa atin.. pero nagulat ako na kaysa magpasalamat si ateng, eh sinabihan pa ako na bawal daw bumati ng merry christmas sa immigration sa pinas… nagtanong ako kung bakit, ang sinabi lang niyang dahilan ay basta, bawal siyang banggitin sa immigration… nagtanong ako kung happy new year ba ay pwede.. pwede naman daw…

habang palabas ako ng kwarto ng labor office, iniisip ko na baka kasi malungkot ang mga nagtatrabaho sa mga araw ng pasko at para hindi sila lalong malungkot ay hindi na lang sila babatiin… pero nagtaka ako kung bakit ang happy new year ay pwede.. ahhh, naisip ko rin na baka iba-iba ang relihiyon ng mga Pilipino at para hindi ako maka-offend kung sakaling yung mabati ko ay hindi naman nagpapasko…

isinantabi ko na lang ang pag-iisip dahil marahil yun ang dahilan kung bakit pinagbawal ang pagbati ng merry christmas sa immigration sa pinas…

pagka-uwi ko ng bahay, naikwento ko sa nanay ko ang nangyari at natawa siya.. dahil ang ibig palang sabihin ng merry christmas sa wikang tagalog ay “pahingi ng lagay”… opo.. associated na rin sa corruption ang pagbati ng merry christmas… ipinaliwanag din ng nanay ko na hindi ito applicable sa mga uuwi at aalis ng bansa kundi para lang sa mga empleyado ng airport at immigration lang dahil lantaran nga ang pangongotong nila kapag sasapit na ang holiday season at para daw maiwasan ang impresyon na iyon, ipinagbawal ito… binasa ko rin ang article na ito

pero sabi dito ay “A warm and friendly smile is enough”… eh parang wala pa akong nakitang empleyado ng airport, lalo na sa immigration, ang nakangiti.. para nga laging araw ng patay dahil mukha silang nagluluksa…

sana ay mawala na sa mga ahensya ng gobyerno ang lagayan system.. bukod sa nakakahiya ito, eh nakakakonsensya na ipinapakain nila sa pamilya nila ay galing sa bulsa ng mga taong naghihirap sa ibang bansa… pwede naman tayong magbago ‘di ba? *que mangarap ka song here*

Posted in katas utak, kups session, wala lang | Tagged , , , | 13 Comments

paglaki ko…

habang papasok kanina sa opisina, may nakasabay akong magandang babae na malaki ang boobs,  at bigla kong naisip noong bata-bata pa ako kung anu-ano ba ang mga gusto kong trabaho paglaki ko… marahil magtatanong kayo kung ano koneksyon nung babaeng nakasabay ko sa tren kanina… wala lang.. naikwento ko lang…

1. Beterinaryo – maawain kasi ako sa mga hayop, lalo na sa mga kuting.. sa lugar kasi namin, nakikita ko kung paano ma-torture ang mga kuting… walang sinabi ang mga ginagawang pag-hazing sa mga frat… mas malupit ang mga bata sa amin kung maltratuhin ang mga kuting sa lugar namin… naaawa ako, kaya ipinangako ko sa sarili ko na paglaki ko, magiging beterinaryo ako… FAILED…

2. Artista – marahil naipaliwanag ko na sa inyo ito dito kaya di ko na ito uulitin pa… http://potsquared.wordpress.com/2011/02/09/propesyon/

3. Pari – sa maniwala kayo o hinde.. pero sa malamang hinde, eh ninais kong mag-pari noong 4th year high school ako…sa katunayan, kumuha ako ng exam sa pag-papari at sa maniwala kayo o hindi, at siguradong hindi, eh pumasa ako ng bonggang-bongga… sa totoo lang, kung nagpari ako, sa malamang lang, nasa labas na ako ng seminaryo dahil napatalsik nila ako… ang dahilan? masyado akong gwapo.. NAKS!

4. Sundalo – CAT officer ako noon at napakahusay ko sa drills… pinag-isipan kong mabuti kong magpi-PMA ako pero sa pagkakatanda ko, ayaw yata ng nanay ko.. natatakot daw siya… o ako ata yung takot? ayoko kasi ng hazing… napakakinis ng pwet ko para sa paddle…

5. Teacher – hanggang ngayon ay nais ko pa ring magturo.. hindi ng kalokohan, kundi ng kahit ano na akma para sa akin.. naniniwala ako na magiging epektibo akong guro dahil mahusay akong magpaliwanag at mabait ako sa estudyante.. at siguradong wala akong ibabagsak, dahil naniniwala ako ng ang estudyante ay hindi lamang sa mga exams natututo… *bow*

6. Negosyante – oo.. at sa tingin ko naipaliwanag ko na rin yan dito sa post na ito… http://potsquared.wordpress.com/2009/04/21/kumikitang-kabuhayan/

7. Kusinero – ilang taon din ang pinagsamahan namin ng kusina namin dahil dito ako natuto ng mga gourmet na pagkain tulad ng piniritong itlog at maling con kechup.. naisip ko na pwede akong mag enroll sa mga culinary school, pero kamusta namang ang presyo ng tuition fee.. hindi kami ganun kayaman para mapag-aral ako ng mga magulang ko sa ganoong klaseng paaralan.. kaya hindi ko na ito pinangarap pang muli…

8. Comedian – medyo pakiramdam ko naman na pwede ako sa comedy bar noon, yun nga lang hindi ako mahusay kumanta at mahirap magpanggap na pumipilantik ang daliri ko sa gabi… kaya nga kapag kasama ko na lang ang mga kaibigan ko, saka na lang ito pumipilantik.. para mapatawa ko sila…

9. News Reporter – ilang beses na akong nagtangka na madiscover noong nagtatrabaho pa ako sa isang broadcasting network na maliit magpasweldo… pero siguro yung beauty ko ay matatalbugan si marc logan kung sakaling matanggap ako… threatened siya kaya hindi siguro ako na discover…

10. Pornstar – noong kabibinata ko pa lang, napaisip ako kung maging isang pronstar ako.. makakatira ka ng iba’t ibang babae/lalake at higit sa lahat libre ang sakit mo kung di ka mag-iingat.. pero hindi ko tinuloy kasi maliit… maliit yung kikitain ko dahil bibihira naman ang gumagawa ng pron sa pilipinas… at saka hindi gaanong mahaba… ang pasensya ko… at saka mabilis akong labasan.. ng pawis sa palad dahil pasmado ako kapag kinakabahan.. atsaka… ang tawag sa buhok sa pagitan ng bigote at balbas….

kayo ba? may ninais ba kayong trabaho bukod sa kinalalagyan innyo ngayon… SAGOT!

Posted in katas utak, wala lang | Tagged | 14 Comments

nuknukan ng tipid…

sa panahon ngayon, hindi na uso ang pala-gastos.. kesyo mayaman ka sa utang o mahirap kang pakisamahan, lahat tayo ay kinakailangang magtipid.. eto lang ang mga tips na pwede nating gawin para maging MAS matipid tayo sa pang araw-araw…

- pagtitipid sa tubig

1. imbes na idura ang huling mumog sa pagsisipilyo, siguraduhing lunikin ito.. mayaman ito sa flouride na nakakabuti sa katawan.. at minty flavor pa ito…

2. ang pinagbanlawan ng medyas ay maaaring gawing pansabaw sa tinola o sinigang… ang karagdagang asim at alat na galing sa medyas ang magpapasarap sa lutuin…

3. kapag naliligo, gumamit ng batya para masalo ang tubig na pinangbuhos sa katawan.. pagkatapos ay ibalik sa drum para magamit ng susunod na maliligo…

4. sabi nga ng matatanda.. conserve water, take a bath together…

5. ang pinagsabunan sa labahan ay pwedeng ipunin para pwedeng pangbuhos sa inodoro… ‘wag lang kalimutang ikula ang inodoro pagkatapos gamitin ang tubig na pinaghugasan ng damit…

- patitipid sa kuryente

1. maghanap ng kapitbahay na marunong magkabit ng “jumper”…

2. makipag-kaibigan sa mayamang kapitbahay ng sa gayon ay pwede kang makinood sa malaki nilang flat sceen TV…

3. matutong gumawa ng mahabang extension cord na aabot sa outlet ng kapitbahay.. isaksak at gamitin ng walang humpay..

4. puluputan ng kadena at ikandado ang ref.. siguraduhing every week lang ang pagbukas nito at maglagay ng log sheet kung sino man ang mapangahas na magbubukas ng wala sa araw.. ibitin patiwarik sa puno ng kalachuchi at lagyan ng efficascent oil ang kili-kili bilang parusa sa ginawang pagbukas ng ref…

5. magtunaw ng 1 kilo ng asukal sa 1 tasa ng tubig, palamigin at ipaligo sa metro ng kuryente.. siguraduhing pagpipyestahan ng mga langgam ang metro ng sagayon ay bumagal ang pagtakbo nito…

- pagtitipid sa pamasahe…

1. maghanap ng syotang may sasakyan at araw-araw magpasundo’t hatid…

2. matutong mag 1-2-3 sa jeep para libre ang pamasahe…

3. matutong mag-abot ng bayad sa jeep o FX at ‘wag sasabihin ang “mama, bayad DAW po”.. laging gamitin ang mga katagang “mama, bayad po”…

4. magnakaw ng uniporme ng mga tagalinis sa LRT at MRT.. magpagawa rin ng pekeng ID para hindi ka na bibili ng ticket bagkus ay gamitin ang “entrance” ng mga staff…

5. magpagawa ng pekeng school ID para magkaroon ng discount sa mga sasakyan…

eto lang ang ibang tips na pwede nating gawin kung makapal ang mukha natin o di kaya ay hindi tayo tao… siguraduhin magkaroon ng bukas na isipan at ‘wag kalimutang lahat ng sinasabi ko dito ay 100% effective with 90% failure rate…

kayo ba, may alam ba kayong kalokohan paraan sa pagtitipid.. share naman ninyo…

Posted in katas utak, kups session, wala lang | Tagged , , | 11 Comments

parent…

kausap ko ang asawa ko kahapon ng binulungan siya ng panganay ko tungkol sa isang kaklase niya.. sinabihan daw siyang “bakla” pero dahil hindi maintindihan ng anak ko kung ano ibig sabihin noon, hindi niya ito pinansin, ipinaliwanag namin sa kanya ng sa gayon ay hindi siya maguluhan kung ano ba ang ibig sabihin noon…

pagkatapos mapaliwanagan ang panganay ko, agad ko naman kinausap ang asawa tungkol sa pag-uugali ng mga kakalase ng anak namin… hindi ako galit o takot sa salitang bakla, pero hindi kasi magandang pakinggan galing sa mga 8 taong gulang na bata na sabihan ang kapwa bata ng ganun…

ang totoo, hindi pa nila naiintindihan ang ibig sabihin nun… kung napapanood man nila ito sa telebisyon o naririnig sa kapaligiran natin, dapat naipapaliwanag ng mga magulang sa mga anak nila na hindi magandang asal na tawaging isang “bakla”, “tomboy”, “bading” o kahit ano pa ang kapwa nila kung di naman nila naiintindihan kung ano ba ang salitang iyon…

bilang magulang, responsibilidad natin ang gabayan ang paglaki ng mga anak natin… gusto ko sanang kausapin ang teacher, principal at magulang na paano nila maipapaliwanag ang mga bagay na hindi makakasakit ng damdamin ng iba… kesyo ang sinasabi ng mga guro ay wala na sila sa klase kaya hindi na daw ito sakop ng kanilang responsibilidad… syet.. the fact na tinatawag kayong pangalawang magulang ng mga estudyante ay dahil pinagkatiwala namin ang mga anak namin para maturuan ninyo ng tamang asal…

gusto ko ding sabihan ang mga magulang na maging sensitibo sa kapaligiran ng sa gayon ay lumaking tama at may responsibilidad sa lipunan ang aming mga anak…

tulad ng sinasabi ko sa asawa ko na palalakihin namin ang mga anak namin sa alam naming tama at makakabuti sa kanilang pagkatao.. pero kapag dumating ang panahon na makakapag desisyon na sila para sa sarili nila, hindi namin sila pipigilan…

bilang isang magulang na nagsusumikap para magapang ang edukasyon ng aking mga anak, ayaw na ayaw kong nakakarinig ng inaalipusta at inaaway ang aking mga anak… hindi ako papayag na tapak-tapakan ng kahit sino man ang kakayahan ng aking mga anak… at lalong hindi ako papayag na ipagsawalang kibo ang mga kaganapan sa kanilang paaralan, lalo na at mga anak ko ang apektado sa kawalang modo ng iba…

uminit lang ang dugo ko kagabi dahil hindi tama… maling-mali.. kung nandun siguro ako, nasabunutan ko na at nakurot sa singit ng pinong-pino yung maharot na batang yun… ‘tsura niya!

Posted in katas utak, wala lang | Tagged , , | 5 Comments

sweldo…

ang yabang ko pa dahil mahigit 20hrs ang overtime ko noong october, at expected ko na medyo mayaman ako ngayong sweldo.. pero sa kasamaang palad, isang araw lang ako mayaman, at balik dukha na naman ang beauty ko hanggang dumating uli ang susunod na sahod… hindi ko alam kung maliit ba ang sweldo ko o talagang malupit lang ang tadhana at pinamumukha niya sa akin na hindi ako deserving maging mayaman… bakit? kutis bayag naman ako at kahit papaano ay may alam akong 5 salita sa wikang inggles.. you know? yes? no? alright!

isa lang naman ang lagi kong sinasabi kapag kinakapos lagi ang sangkaperahan… TIIS…

mahirap din kasi ang nagtatrabaho sa ibang bansa, akala kasi ng mga nasa pinas eh naliligo kami ng salapi, pero ang totoo ay mas dobleng sakripisyo ang ginagawa namin dito…

hindi naman sa nagtitipid, pero dumating sa punto na pagbukas ko ng ref ay isang pitsel ng tubig at dalawang tray ng yelo ang sasalubong sa akin ng bonggang-gongga…

kadalasan, 2 beses lang ako nakakakain sa maghapon para medyo tipid… saka isang stick ng stik-o para merienda…

kung minsan naman, itlog at kanin o ‘di kaya’y noodles at tinapay ang hapunan… pwede ring patis at kanin…

TIIS…

mas masarap pa rin ang buhay sa pinas kung tutuusin, pero ginagawa ko ang lahat ng ito para sa mag-iina ko… oo, kahit mukha akong baklang maton… may pamilya ako na kailangan kong suportahan.. at handa akong magsakripisyo para mabigyan sila ng magandang buhay… kaya nga lahat na lang ng klase ng pagtitiis ay ginagawa ko para sa kanila… matinding pagtitiis… mas matindi pa kaysa sa pagkakaroon ng constipation habang nakaupo ako ng 30 minutos sa inidoro para lumabas ang ga-kamaong tubol na ayaw lumabas dahil virgin pa ang butas ng pwet ko… pero hindi ko pa naranasan yan.. hinalintulad ko lang…

TIIS…

pabor din naman sa akin ito.. para kahit papaano eh mabawasan ang 48 inches kong bewang… pinapangarap ko kasing magkaroon ng billboard sa kahabaan ng EDSA.. pagbigyan na ninyo ako.. pangarap lang naman…

kaya nga nung nag-withdraw ako ng pera sa ATM.. 5 minuto ko munang nilasap ang pagiging don potpot ko.. at pagkatapos nun, diretso remit papunta sa account ng asawa ko… alright… ako na ang mayaman.. for 5 minutes.. ako na… ako na…

Posted in katas utak, kups session, wala lang | Tagged , , , , | 14 Comments

akala mo ikaw lang ha…

mahirap para sa isang tulad ko na hindi gaanong hasa sa wikang nihonggo ang makipag talsikan ng laway sa mga sakang, kaya nga minsan dinadaan ko na lang sa 25% facial expression, 25% body movement, 25% pointing the finger, 20% audience impact at 5% star appeal para kunwaring naintindihan ko ang mga pinagsasabi nila kapag may pinagagawa sila sa akin…

walang problema kung sa email o kaya sa chat nila sasabihin ang request dahil madali namang i-google ang mga pinagsasabi nila, pero kapag may verbal encounter na, hindi maiwasang pagpawisan ang singit ko at kili-kili habang tumutulo ang dugo mula sa aking ilong.. sa katunayan, ilang beses na akong nagmukhang tanga inosente habang kinakausap nila dahil sa 10 sinabi nila, 12 ang hindi ko naintindihan…

pero kanina, hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil kahit papaano, ay naiganti ko ang lola ko kung sakali mang ginahasa siya noong panahon ng hapon sa pinas, ganito kasi ang nangyari… may ginagawa akong trabaho, at kadalasan, mag cha-chat ang dispatcher namin para magbigay ng mga additional instructions.. at dahil umiral ang aking katamaran sa pag translate, nag-english na lang ako.. eto ang sinabi ko..

Potpot : It’s ok not to shift the work at 11am on Friday. I will go to work on Friday at 9am.

simple lang diba, at kahit papaano ay maiintindihan niya yan.. eh ang problema ata ay hindi talaga marunong mag inggles ang dispatcher namin, at habang hinihintay ko ang tugon niya, naiisip ko na pinagpapawisan din ang tumbong niya sa kakaisip kung ano ang isasagot niya sa akin…

lumipas ang 20 minutes at sumagot din siya…

Dispatcher : OK

at dito ako napatawa ng malakas.. yun nga lang mabilis talaga ang karma, dahil sabay ng pagtawa ko ay naihampas ko ang ulo ko sa desk ko…

ang moral lesson ng kwento ko? when in rome, do what the romans do.. sa sususnod ay ita-translate ko na ang mga sinasabi ko para maintindihan niya… at laging magdadala ng band aid o napkin para sa mga biglaang pagdugo….

Posted in kups session, wala lang | Tagged , , , | 7 Comments