lindol…

sa darating na march 11 ang anniversary ng isa sa malakas na lindol na yumugyog sa amin dito sa bansang hapon.. at dahil anniversary nga.. nagpaparamdam na naman ang loko… siguro sabi niya “oi, kala ninyo nakalimutan ko kayo ha.. i’m back!” PTL.. parang tanga lang…

at naisip ko na pwede ko ng ihalintulad ang lindol sa isang masugid na manliligaw.. ang kulit eh… tarantado rin, hindi na kami tinatantanan…

bilang paggunita sa nangyaring trahedya, hayaan ninyong maglabas ako ng kaunting tips na natutunan ko sa aking mga nuno, mga kaibigan, mga kainuman sa kalsada, mga kakulutan sa parlor, mga barbero at magtataho patungkol sa lindol at kung paano makakaiwas sa sakuna kung sakaling maulit, ay nakahanda tayo..

1. Huwag magtago sa ilalim ng mesa – nakasanayan o laging napag-uusapan na kung sakali daw lumindol, safe daw ang magtago sa ilalim ng mesa pero sa totoo lang, delikado ang ilalim ng mesa dahil maaari kayong ma ipit kung sakaling mabagsakan kayo ng kisami. minumungkahi na kung sakaling malakas ang lindol ay pumusisyon sa gilid ng mesa at hawakan ng dalawang kamay ang ulo.

2. Huwag magpanic – dapat kasi na ito ang unang-unang gawin, pero karamihan kasi ay instinct na magpunta sa ilalim ng mesa kaya pangalawa lang ito sa mga tips… walang magagawa ang taong nagpapanic kundi ang magbigay pa ng panic sa ibang hindi naman nagpapanic.. manatili lamang sa pwesto at obserbahan ang mga nangyayari ng sa gayon ay makapag desisyon ka ng ayon sa sitwasyon at para makaiwas sa sakuna…

3. Umakyat patungo sa pinaka taas na palapag – sabi ng asawa ko, mas safe ang umakyat kaysa pababa kasi maaaring maipit ka kung ikaw ay nasa may bandang ibaba na bahagi ng gusali… maaari ka ring ma-rescue ng helicopter kung sakaling makita ka sa may itaas… pero kung nasa 1st floor ka na, wag ka ng umakyat.. dumeretso ka na sa exit.. pero kung ayaw mo.. sa entrance ka na lang lumabas…

4. Huwag tatakbo – kadalasan, marami ng tao ang nagpupumilit makalabas ng gusali at lahat yan ay nagmamadali at nagtutulakan.. wag mo ng tangkain pang tumakbo dahil maaaring magbigay ito ng hudyat sa ibang mga tao na tumakbo rin… ayaw mo naman siguro magpauso ng stampede sa gusali, kaya kung maaari ay paki-iwasan ito…

5. Dalhin ang dapat dalhin – kung sa palagay mo ay matatagalan pa ang pagyugyug ng gusali, kuhain na ang mga importanteng bagay katulad ng cellphone, wallet, susi ng bahay, susi ng sasakyan, make-up, sanitary pad, deodorant at kung ano pa ang sa tingin mong kailangan mo para hindi ka mag-aalala kung may naiwan ka na kailangan mo pala…

6. Sumunod sa mga marshalls – kada gusali ay may itinalagang mga marshalls para i-assist kayo kung saan lalabas kung sakaling may lindol.. huwag magmarunong at mag shortcut gamit ang elevator o bintana sa 9th floor.. kung iniisip mong mabilis kang makabababa, mali ka dahil posibleng¬† huminto ang elevator at maipit ka pa ng ilang oras o kung sakaling tumalon ka man sa 9th floor eh diretso ka na sa morgue…

7. Agad tawagan o i-txt ang mga mahal sa buhay – guilty ako dito dahil hindi ako nakapag message sa asawa ko noon.. kaya lahat ng mga kakilala ko sa facebook ay ni-message niya kung nakauwi na ako at naireport na ako bilang missing person sa aming baranggay sa pinas, kahit nandito ako sa japan… i-kontak agad ang mga mahal sa buhay ng sa gayon ay hindi nag-aalala… ipaalam kung nasaan ka ng sa gayon kung hanapin ka nila ay madali nilang matutunton ang bangkay mo…

8. Magdasal – naniniwala ako na kahit wala kang relihiyon, ay marunong kang magdasal… pwede mo namang tawagin si batman kapag nagdadasal…

9. Huwag mag-isip ng masama – ang tipikal na ugali ng mga pinoy kapag may sakuna ay kung paano makakalamang sa kapwa.. aminin man natin o hindi, kapag may trahedya, maraming nagsusulputang mga magnanakaw… tigilan na po natin yan… wag na po ninyong tangkaing nakawin ang panty na nakasabit sa sampayan…

10. Kung magvivideo ka ng sakuna, siguraduhing nakapag ayos ka muna para kung sakaling maisama ang mukha mo sa video at na TV Patrol ka.. masasabi ng mga nanonood na gwapo/maganda ka… laging maghanda ng facepowder at lipstick sa oras ng sakuna…

yan lang ang iba sa mga tips na maaari kong maibahagi.. kayo ba? may tip ba kayo kung tamaan kayo ng sakuna, katulad ng pagkahulog sa imburnal o natuyuan ng pawis sa swimming pool.. share nyo naman..

About these ads

19 thoughts on “lindol…

  1. may nabasa din akong dating article tungkol sa triangle of life. mas okay nga daw magtago sa tabi ng matitibay na poste.

    importante ding magdala ng silbato (whistle) para mas madaling makatawag ng pansin sa rescue.

  2. i can so relate with this when earthquake hit our city..agree talaga ako sa tip mo na huwag mag panic kasi it will not give you the right mind kung ano ang gagawin. I remember noong may lindol dito sa amin, lahat ng tao nagpanic kasi they thought after the strong earthquake may tsunami na darating, kaya ayon windang silang lahat at nag-alsa balutan na kahit wala namang kadahilanan.

    One more thing, yung mga tao instead of texting or calling their love ones first, mas inuna pa ang mag tweet or mag status sa FB na may lindol! tsk tsk

  3. hmmm naalala ko tuloy yun lindol na malakas nung bata pa ako… lahat nag papanic empre sa school ba naman….

    ang ganda ng mga tips mo potski sang ayon ako dun sa mga maduruga na pinoy.. lumilindol na nga nakakaisip pang mang lamang …

    • yan ba yung 1991 ba yun.. nasa bahay ako noon at nakahiga.. parang hinehele lang.. ehehehehe

      hay naku.. ganyan na ganyan talaga sa pinas.. naglipana ang mga mapanglamang… sana magbago na tayo…

    • mahirap talaga! isipin mo nasa taas ka ng 9th floor tapos yung mga kasama mong hapon ay busy sa trabaho.. so parang kailangan cool ka lang din.. kahit nangangatog na ang tuhod sa takot..

    • kung napanood mo ako sa TV Patrol Linggo, yung mukha ko na lumabas ng 3 segundo.. ako yun!! pero nung sabado ng umaga, na-interview pa ako sa ANC ni Alvin Elchico…

      • Ang nakita ko lang ay yung 3 seconds fame mo. That time, Tumblr pa lang yata ang finafollow ko. Pero mas enjoy ako dito sa WP mo. Blog ‘n roll!

  4. “Kung magvivideo ka ng sakuna, siguraduhing nakapag ayos ka” HAHAHA! ‘Image first before anything else’ ang drama. XD Siguraduhin mo rin by next time na more than 5seconds ang self exposure, para HERO na HERO talaga! XD

    • oo nga.. kailangan talaga na mag invest sa image.. alam mo naman ang sangkatauhan, mahilig sa mga bagay na magaganda sa paningin.. kailan kaya ako gaganda.. ehehehehe

  5. Bakit nga kaya paborito ng lindol ang Japan… hindi kaya dahil andyan ka? hahaha joke! Pero pinakapaborito ko sa tips mo yung wag kakalimutan ang deodorant aba… mahirap na bumaho pag naipit ka sa nagibang building!
    Ingat ka dyan Potski :)

  6. oo nga bilis ng panahon , isang taon na nga pala ang nakakalipas.

    tama nga na kahit nag-aalala ka dapat inaalala mo rin ang mga taong nag-aalala sa iyo. in short mag-alalahanan kayo

    • yan kasi ang una kong nakalimutan.. ang ma contact ang pamilya ko.. kaya ginawa ng asawa ko ay nag online sa fb ko tapos nagmessage sa mga kasama ko dito sa japan…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s