akihabara.. *nyaw*

~pagmulat ng mata, diretso sa kubeta’t mag… batibot…

pag gising pa lang medyo tanghali na… walang pasok… parang bata na nakikinig ng radyo sa AM tuner para malaman kung may pasok o wala… 7 ng umaga…. bangon… tingin sa relo… higa uli…. 7:30 bangon… kamot sa…. higa uli…. 7:45.. kailangan ng bumangon… sulat ng blog… ayun.. ligo…. kaskas libag… wow sarap… poopoo… ligo uli… lagay lotion.. suklay buhok… lagay deo… bihis…. kain… doorbell.. si ryan.. pasok…. doorbell.. si jane…. pasok….. toothbrush.. alis…

sarap maglakad sa umaga… yan ang di ko nagagawa sa pinas… paano ba naman… di ka lang mamamatay sa init… langhap mo lahat usok ng metro manila…. hay naku…

itay bili mo ko isa nito!

first time naming makasakay sa harapan ng eki.. kaya picture picture… sana nga lang di bawal tong pinag gagawa namin…. si jane kasi eh… tapos nagtataka ako.. kada 30 seconds ata… yung mamang driver tumuturo… parang “that’s my boy” ewan ko kung nagpapacute lang siya pero di ko gets…
ayan o turo sya dun turo sya jan… di ko naman alam kung ano tinuturo nya.. baka gusto nyang manuno.. ehehehe pero enjoy… galing ng transport system nila.. mabilis, safe at bagay sa mga nag susuicide… joke lang….

pagbaba pa lang ng eki (tren) eh diretso kami sa bandang kaliwa (wow labo diretso tapos kaliwa) tapos umakyat kami sa yamada.. dito sinilip lang namin kung ano pwedeng mabili.. pero di kami bumili… eto yung pagkakataong mangolekta ng mga flyers na di naman magagamit kundi pampabigat lang ng bag….. naakyat namin hanggang 5th floor sabay baba ng basement at nandun nang mga digicam… WOW… nakita ko ang dream cam ko na Nikon D40X… bibili ako nito pramis.. next year… gaganda mga pics ko… <- ang landi… syempre kuha flyers… tapos sabay alis…. goal namin is makabili si jane ng digicam, sony yung 12.1 megapixels ba? basta yun yun.. kaso mahal at mahirap tumawad.. waribiki (discount)… makakabili na sana sya kaso walang stock at ang ibinibigay yung display… ayy wag na.. losyang na yun no… so libot pa kami… hanggang wala na talagang pag asa.. pero hindi… may hope pa… yung second choice nyang cam… na di ko alam kung anong model.. ay sinales talk kami… ang husay.. maski ako bibili na sa galing nyang mangumbinsi.. pero ok naman talaga ang specs nya…. made in japan tapos english pa.. 4gig memory 3x optical zoom.. 4 colors to choose from… reminds me of chinese businessmen in the philippines.. ika nga.. kulang na lang ibenta sariling pustiso at arinola… nagutom kami… syempre kain muna… di ko na nga mapigilan sarili ko… pati stante gusto ko ng patusin…

kasya siguro to…

eto inorder ko… panalo!

balik kami dun sa unang pinuntahan namin yung sa may out of stock kasi matatawaran pa namin… kaya ayun… besides that… bumili na rin ako ng sony walkman… ayos! now.. saan ang punta… syempre saan pa… sa divisoria este “UENO” pala….
~ibon mang may layang lumipad…

ayy grabe… dalawang sapatos nabili ko… di lang yan nakabili pa ako ng pabango.. “BULGARI” <– tama ba spelling ko? grabe kapagod… medyo yung trip ngayon ay fruitful pero bukas meron pa ako kwento… the aftermath…

here’s my last two pics for today… my loving and super gwapo son na pinili ko pa sa hospital… dahil napalitan…. at isa sa mga pinagpapantasyahan kong lalaki.. este idolo pala.. si kenshin…

anak nagiging hapon ka na din ah… gwapo! (yun yung anak ko sa kaliwa)
manash ahitan kita gusto mo?

2 thoughts on “akihabara.. *nyaw*

  1. pre..comment ko lang to ah…ayos naman yong blog site mo…lagyan mo naman ng laman sa mga gilid ng blog mo…..hindi puro gitna lang….kung pepwede yong mga pic mo sa gilid na lang….hehhehehehhe…..ur lagyan mo ng link na lang yong pic..para iclick nila yong link tapos magaappear yong pic mo….yon lang..hehehhehe..suggestion na rin yon….hehehehehe…

  2. ahahahaha.. natatawa ako sa mga captions ng pics…. hmmm nadiscover mo ba kung anong tinuturo ni manong driver?cheers;p-glesy the great

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s