malamig ang simoy ng hangin…


ice leaves..

december 23 na pala… akalain mo.. di ko naiisip na may paskong parating… eh jan sa pinas.. kaliwa’t kanan ang christmas party…. dito sa japan kaliwa’t kanan ang paper works at trabaho… but.. who’s complaining? sana nga sa 25 may pasok.. hindi sa ako’y pagano pero alam nyo yung lungkot na malayo ka sa pamilya mo… mahirap.. pero kailangan mag sacrifice….

nagising ako ngayon… 5:15 am, basta nagising lang ako… magsisimba pala kami mamaya… bakit kamo? eh di kami sigurado sa schedule ng simba sa 24 at 25 so ngayong araw na lang na to, and besides sunday ngayon… at kailangan maaga kami kasi gusto namin makaupo… sino sino kaya kami ngayong mag sisimba? hayaan nyo may roll call tayo pag nag update ako… at kung ano mga adventure na mangyayari.. kaya… ABANGAN!! ayy teka… BAKIT UMUULAN?!?!?!?! WAAAAAAHHHHHH!!!

let me tell you about yesterday.. saturday is a work day… pasok kami… as usual.. yung gising ganun pa rin pero pag alis namin ng bahay.. medyo walang tao…. sa kalsada.. konti lang tao.. sa eki.. konti lang din kaya medyo ok lang… pagdating office.. kala namin late na kami.. ehehehe sakto lang pala.. 9:00 am… walang japanese co workers.. team philippines lang ang nandun… syempre the usual round about na trabaho.. saya no…

nung natapos kami ni abel.. syempre.. “idle”… we took into liberty to study nihonggo… after one word.. napagod na kami… so ako.. na divert ko ang attention ko sa pag gawa na origami… yun yung pagtupi ng papel gamit ang mga paa to form abstract and unique figures… like the statue of liberty or the leaning tower of pisa… pero dahil ako’y baguhan lamang.. so nagtiyaga muna ako sa crane… eto ang unang origami art work ko… walang tatawa uupakan ko…


made from meiji chocolate wrapper… o di ba… halatang madami akong kinakaing chocolates…

so in celebration… picture picture kami ni abel.. kasi sya ang aking cheerer habang ginagawa ko itong obra maestra ko….


typical day at the office..

natapos ang araw… madami kaming nagawang trabaho… ewan ko ba… siguro masaya lang kami kasi malapit na ang pasko…. nung umuwi kami… dumaan kami sa kawasaki be uli para tumingin ng make up.. este gym equipment.. pero wala eh.. so we decided to go home at kumain sa kinainan namin last week… so decided na.. yung nasakyan naming densha (train) may CR.. eh konti lang naman tao.. so i decided na subukan ang CR.. wala namang mawawala.. ayy meron pala… so halika silipin ang aking CR adventure… (viewer discretion is advised)

wow.. parang kwarto!

natapos ang train ride.. nagpunta kami dun sa kainan.. at habang naglalakad.. sa bandang kaliwa ko.. may nakita akong babae… aba.. foreigner ata… so i tried my foreign accent para ma impress… “ate.. may binebenta ka bang payung?” <— eto yung mga boses sa quiapo sa may bilihan ng DVD… nyak! si girlie pala.. kala ko may nakatabi akong foreigner.. ehehehehehe ayun kain kain.. pero di ko na pinikchuran kasi same lang din naman order ko from last week… so eto na lang pinakunan ko…


konting perfect pa at magiging japanese girl na ako.. ehehehehe

after dinner.. sabi ko kay ryan “pare papapicture ako dun sa babae.. dali.. sama ka” ako nag bayad so nung pagkabayad sabi ko.. “sumimasen, pikacha… daijoubu desu ka?” (“Excuse me, ok lang ba papcture?”) aba…. nagulat sya at namula.. kitang kita namin ang redness ng face nya.. di ko alam kung natuwa sya o natakot.. kasi ang naaalala ko.. binambo ako sa ulo at hinagis papalabas ng restaurant…
eniweys.. masaya naman ang adventure… dami pa akong di nailalathala pero siguro uunti untiin ko.. i – iincorporate ko sya sa mga stories ko para kunwari wala lang…. o yung mga nagbabasa nitong blogs ko… MAGCOMMENT KAYO! kainis ni hindi ko alam kung nagugustuhan nyo ba pinaglalagay ko dito… pero may isang nag reply sa panawagan kong “WHAT IF” …

dear ガーりsan…
medyo malaki ang prizes kapag nailathala ang iyong nobela.. pero kailangan hulaan muna ang title para manalo… so ilathala muna natin then magpapacontest ako… who ever gets the correct title ay may prize.. pero bago yun.. MAG COMMENT PA KAYO!

nagmamahal…

kapamilya….

4 thoughts on “malamig ang simoy ng hangin…

  1. Ahehe, ang galing ng cr sa tren, multi-purpose.

    Madalas, dahilan sa kawalan ng mauupuan sa loob ng tren (especially during rush hours) yung iba po ay pumapasok sa tren para umupo na rin.

  2. sir ano po work nyo jan sa japan? papadala din kasi kami ng MIRSI jan eh

    IT po ba sya? programming? or purely paper works?

    salamat po ng madami

  3. una.. wag mo na akong tawaging sir… pangalawa… 3rd batch ka ba o fourth batch? pangatlo… programmer ang inaplayan kong work… pero hindi k osya linya.. pero ok lang.. ehehehehe.. pangapat…. handa ka na ba sa mga hamon na kayang ibigay sa iyo? ehehehe joke… madali lang ang work… kayang kaya mo yan… kung kaya ko.. mas kaya nyo… =)

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s