miss…


family pic namin.. ako yung sinasakyan ng anak ko…

kapag nasa pinas ka… yung mga maliliit na detalye hindi mo na napapansin… usually kapag pasko.. excited kang gumising… magsisimba… makikita mo mga inaanak mo… mga pamangkin mo… mga kamag-anak… yung feeling of satisfaction kapag nakikita mo sila… ngayon ko lang naramdaman yang feeling na yan.. kung kailan wala na ako sa pinas…

ang labo no… pero sometimes you have to lose something in order for you to know how important it is… kung baga ang mga sinasabi ng mga expert sa pag-ibig… “you will never realize how much you love the person until he/she is gone”

dati di ko pinapansin ang mga holidays… birthdays.. anniversaries.. kasi mahina akong mag memorize ng dates… nagalit nga sa akin si kumander dati… kasi nailagay ko dati sa credit card application ang september 21… kala ko yun yung birthday nya… mali pala ako.. engot ko no… engineering kinuha ko mahina ako sa numbers…

nakausap ko nanay ko kahapon through web chat (o diba nanay ko 62 na pa web chat web chat pa.. sosyal!) kung dating nasa pinas ako.. naiinis ako… kasi sermon lagi ang aming conversation… but now i realize…. the words coming out of her mouth ay hindi sermon kundi pag-aalala ng nagmamahal na ina…

we tend to neglect our parents and loved ones.. kasi alam mo nanjan sila…. “eh ok lang yan… nasa kabilang kanto lang naman sya.. pwedeng pwedeng puntahan” eh paano kung malayo ka sa kanya… you never notice the small details… or worse… kung wala na sila… hihintayn mo pa bang mawala sila? magsasabi ka ng mahal mo sila kapag nasa kabaong na.. samantalang nung buhay pa eh.. galit na galit ka at inis na inis dahil hindi ka pinayagang umattend ng party…

one thing i’ve learn… sa tanda kong ito…. you have to say it and make them feel how much you love them.. NOW.. kasi hindi mo alam kung kailan yung mga sinasabi mo ay di na nila maririnig at mararamdaman…

this is for my mom… i hope she reads this… “mommy… alam ko madami akong pagkakamali sa mga desisyon ko sa buhay… at alam kong sawang sawa ka na sa kakasermon sa akin… thank you sa lahat ng nagawa mo para sa akin, kay nikki at kay inigo… for me… you are the best mom a guy like me could ever have…. i love you very much! alagaan mo naman yung health mo… bili ka ng bili ng taba.. tama na please… i love you and i miss you!”

for my sister… alam ko na before lagi tayong nagaaway.. nagsasakitan… pero wala yung sakit na yun.. mas masakit yung malayo ka sa akin kapatid… you inspire me to be the best that i can be…. i love you kapatid and i miss you, kuya jay and the kids… miguel and dada… mahal na mahal ko kayo…. miguel and dada.. please study hard… when i come back… we’ll go to timezone…. i love you guys!


i love you mommy!

for my wife…. mommy… although we are venturing a rocky path… please hold my hand… and never let go… for i will draw strength from you and i will carry you all the way as best as i can… i love you very much…. you are everything to me…. i miss you! *kurot pisngi* taba taba na mommy ko.. ehehehehehe


pilyong pilyo…. magaling talaga akong pumili sa hospital!

for my son… alam ko anak di mo pa naiintindihan ito… you are the best gift God ever gave me… and i will strive harder and harder to give you the best life possible… wag ka ng pasaway please… i love you anak! i draw light from you… for you hold the lantern that leads me to our goals… i love you very much anak! i miss you!

for all my friends… hmm for everbody pala…. alay ko ang kanta ng eraserheads sa inyo… ang kantang “MINSAN”… we have met… became friends… have our ups and downs…. then part ways…. but all of you are in my heart…. hope all of you do to… i miss all of you…. gusto kong mag i love you kaso maraming lalaki.. baka sabihin nila.. *ehem* ingat kayo lagi… balitaan nyo naman ako! shemay!

hay naku… enough senti for one day… alam ba ninyo na mas nakakapagod ang walang ginagawa kesa sa may ginagawa? o di ba… kahapon kasi maghapon lang ako dito sa bahay… surfing lang sa internet at nood ng videos.. hay naku.. naka apat ata akong palabas kahapon.. kaya medyo duling na ako… bale ang pinanood ko… Rush Hour 3, Bourne Ultimatum, Bubble Gang ( di ko alam kung anong episode), at mga selected youtube videos… syempre updating ng multiply account ko.. kasi inaalikabok na… at naghahanap ako ng tips and tricks to improve my writing and layout…. nung gabi sumakit ulo ko… pramis… saka exhausted ako.. sobra… ganun pala.. ehehehehehe pero kumain ako chocolates… addict na ata ako.. (masisira diet ko nito!)

eto video ng anak ko nung bago pa sya mag 2 years old.. trip ko lang ilagay… sana magustuhan nyo…


cute cute!

bago ako magpaalam.. iwan ko kayo ng munting larawan… eto kasi nadadaanan namin sa pag uwi kung galing kaming palengke…. basahin nyo ha.. kay ona bahalang mag gets ng logic kung bakit sya nakakatawa… MERRY CHRISTMAS TO ALL! hayaan nyo babati rin uli ako bukas… ehehehehe… paalam!


alin.. alin.. alin ang naiba…

4 thoughts on “miss…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s