this is the moment…


pwedeng model… RDL for men… 3 tablespoons a day keeps the “kulugos” away…

MERRY CHRISTMAS!! sorry kung na late ang pag post ko dito.. late na rin kasi ako nagising… mga bandang 11 am…. paano ba naman.. natulog na ata ako mga 6am.. alam nyo ba kung bakit… eh paano ba naman.. nagkaroon kami ng munting salo salo sa “pad” ni jay-r… ang saya sobra… first time kong mag christmas na malayo sa family ko… kaya kahit malungkot… masaya pa rin… hindi ko ma upload yung videos ko dito… masyado kasing malaki yung output file nung sa akin.. icoconvert ko muna… pero yung kay jane na camera.. pwede… yun nga lang inupload ko sya sa youtube account ko.. dun nyo na lang i view para magkaroon ako ng hits.. eheheheheh eto yung link… first video

eto naman sa cam ni jane.. pwede kasi dito kasi maliit lang.. saka malinaw… oo na jane.. mas maganda na camera mo! *pwe*


machos bruhas..

bago nangyari yan.. eto muna yung events prior to the party… bandang 2pm, umalis kami ng dalawa kong kaibigan.. si ryan at mars… nagpunta kaming oofuna para bumili ng makakain at ng malaking lutuan para sa ihahandang bulalo ni mars… nakabili naman kami then nag grocery at bumili ng mga gamit… may nakita kaming nagbigay ngiti sa aming araw.. eto yun..


merry… hmmmmm

pagbalik sa bahay umalis uli kami, ibinaba muna namin yung mga gamit na pinamili tapos punta kami sa bagong gorcery store at liquor store malapit sa amin… pwede.. mura na marumi pa.. eheheh joke.. ok ang price nila.. madami rin akong naipamili for the whole week… eto yung mga pinamili ko….


chocolate para sa altanghap, smirnoff para sa inumin, pringles pang meryenda at chocolates uli pang dessert…

o di ba feel ne feel ehehehehehe, umuwi agad kami.. as usual.. nag iinternet ako.. surfing for pornogr…. educational materials.. ng tumawag sa akin si mars at ang sabi… “pare tara shot na tayo..” nireresist ng utak ko… sabi ng utak ko “calm down potpot… hindi ka iinom..” kaya sagot ko kay mars… “SIGE PARE PUNTA NA AKO JAN!” pag dating dun… nag pictorial muna kami kasama mga laruan ni mars…

autobots… transform… ay maling cartoons yata ako…

tapos nito kami naman ang nag si-pose…..


na recover na namin ang mga escapees ng mandaluyong.. lalo na yung nasa likod..

after ilang hours of senseless talking and watching pornogr… i mean educational materials.. dumating sina dingdong, evitha, and girlie….. di pa sila kumakain kaya kumain muna sila at ipinagpatuloy ang aming pinapanood…

nagkaroon ng konting inuman.. *tubig lang ininom ko* at nang dumating na ang takdang oras.. tinawag na kami ng aming kaibigang si jay-r at pumunta na sa kanyang “pad”.. di ko na ikukwento.. tignan na lang ninyo ang mga videos at picture na ibibigay ko.. sana mag enjoy kayo.. eheheheheh…


ang husay talaga ng tripod…


kumpleto second batch except ian… plus adopted first batch.. *join the dark side*


isa sa mga seryosong kuha… pramis…

for now eto muna…. for more pics, visit my multiply account… for videos, please visit my youtube account.. and for donations.. please deposit money to my bank account… paalam!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s