mabilisang update..

WOW grabe… i have to do this kaagad… it’s already january 8 and di ko pa nauupdate ang blog ko.. puro nung nagpunta kami ng disney ang inatupag ko… eniweys… let us recap some of the highlights of my journey after disney…

December 30, sunday… late na ako nagising.. paano ba naman.. pagod na pagod… i think it was 12:30 pm nung bumangon ako… then i have to cook kasi medyo kumakalam na tiyan ko kasi medyo bitin ang kinain kahapon… this day is not worth blogging but for the sake of continuity.. sa madaling salita… BORING ang araw ko… well the usual watching of videos ay hindi mawawala… sabagay.. january 4 pa pasok at mahaba habang bakasyon ito! ahahay!

31st of december… new years eve… ano ba ginagawa jan sa pinas?? eh di nagpapaputok.. pero kami dito sa japan.. wala kang paputok kaya nag celebrate kami sa “pad” ni jay-r, kumain, uminom at nanood ng mga nakakatuwang video na naghahang sa pc nya (yun yung countdown sa disneyland) natapos kami ng 3:30am ata kasi tawa kami ng tawa… alam mo na.. nagpapatanggal ng lungkot…

ang saya saya no?!?

ika-isa ng enero dalawang libo at walo… this is the day… bagong araw… bagong video na mapapanood… sarap talaga ng libre! nung bandang hapon, medyo na-depress ako… kaya naglakad lakad ako… i went to daiso sa may oofuna to look at items na hindi ko bibilhin.. and to my surprise… si “crush” nakita ko uli… si kim chui! wow.. ganda nya talaga.. habang inaayos nya yung toilet paper at mga wooden chopsticks sa stante sa dulo ng shop… siguro 30 minutes din akong pabalik balik kuno.. kunwari may bibilhin pero di nya alam.. sya lang ang tinitignan ko… at syempre… picture moment.. pagkakatoon ko na to… kaso… naiwan ko ang camera ko *toink* so ikot-ikot muna uli ako then all of a sudden.. may pumalo ng binti ko… aba.. loko si mars pala… nag grocery sila ng syota nyang si ryan… at sabi “tara pre, samahan mo kami, bibili ako buto.. magbubulalo ako!” aba.. sige! pagkain ang narinig ko kaya sama naman ako… so i bid farewell to my “crush” at mega kaway pa kunwari ako na hoping na natanaw nya ako…. huhuhuhu…

january 2… january 3…. MOVIE MARATHON!

january 4…. OMG! may pasok na… buti na lang di ako na late ng gising.. ang sarap pa naman pag ka long vacation.. sana laging vacation na lang… we were given a small gift by Nakagawa-san.. kala namin bonus… nasa sobreng manipis…. at pag bukas.. bookmark.. ehehehehe…

after a long and tiring work… *chika*… mars suggested eating at MO’s Burger yung masarap na hamburgeran… o e di sige! payag kami! as usual… ang order ko ay yung “tawsan baga”…. basta yun yung pronounciation eh… at “aisu remon tee“… at alam ba ninyo.. ang cute ng coaster nila… made of rubber….

pagkatapos ang makabuluhang kainan… eh di syempre CR time… and what do i mean CR time… my CR documentaries… oo nga pala.. nagiisip ako ng magandang ipangalan dito sa segment ko.. kasi pag sinabi mong CR documentaries.. parang masyadong serious… give me a name that will suit my adventure.. ang makapagbibigay ng magandang sagot ay ililibre ko… sikwet kung ano.. basta… ehehehehehe so watch this!

mega project ever!

o di ba.. mega project ang beauty ko!! ahahahahaha

january 5, saturday… hay boring na naman after a day of work… 2 days of vacation uli… WALA NA KAMING SUSWELDUHIN NYAN! eniweys… nagyayang mag jogging si jay-r at ryan.. so sige sama ako jan… syempre dinala ko na camera ko at baka makita ko si “crush”… we went to the park kung saan kami dumadaan papasok at pauwi.. hayaan nyo pipiktyuran ko to balang araw… at pumunta kami dun sa statue head sa oofuna… picture picture!

with jay-r


with ryan

relax muna kami after that sa mister donut na kung saan napailing si jay-r kasi wala sa budget nya.. ehehehe pero no choice sya.. join in na lang sya.. ehehehehehe

sawap!

dumaan kami ng daiso.. at syempre hanap ko si “crush” pero sa kasamaang palad… wala sya,, huhuhuhu

sunday, 6th day of the 1st month… church day… mataimtim kaming nagpuntang simbahan sa may ishi…. isha… ishikawachoo… sana tama spelling ko… at maaga kami…. in attendance was jane, ako, ryan and mars…. after church.. gutom… saan kakain??? MO’s uli! ahahahahahaha as usual… ano pa nga ba…. at syempre may CR documentaries na naman ako….

ahit pogi!

hay buhay.. sarap talaga.. pramis update ko lagi ito.. paano ba naman everyday kakapagod.. saka sumakit ulo ko kagabi.. siguro sa lamig dito… and to end this blog entry… may letter sender ako sa e-mail… AKALAIN MO!!! may tangang nag email ng kanyang buhay para sa WHAT IF? ko! MY GOSH! so basahin natin mga kids… for authenticity reasons and privacy.. binura ko ang name nya at email address para naman di sya madiscover.. ehehehehe

click the pic for a better read…

hijo, di kita magagawan ng WHAT IF? di mo naman ni kwento ang short life mo na pwedeng gawan ng kwento… eh engot ka pala eh! ehehehe hindi joke lang… ano yun ahh auto response ko lang.. yung random typing words… yung sagot sa mga tanong mo, sa susunod na letter send mo na lang… para alam kong sasagot ka… that is it! sayonara minnasan!

2 thoughts on “mabilisang update..

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s