let it snow…. let it snow… let it show!

masarap ba ang snow?

YES! pangarap kong makakita ng snow noong bata pa ako… ngayon nagkatotoo na ang pangarap ko kasi nagsnow na dito sa japan! YAHOO!! ang sarap ng feeling… para akong tungek… pagkakatok ni jay-r sa bintana namin nagsisisigaw… kala ko sunog.. eh nagbibihis pa lang ako kasi nga may pasok… aba.. may snow na!!! WOW!! ANG GALING! ibang iba sya compared dati na naliligo ka sa ulan sa pinas… iniinom mo yung tubig galing sa alulod ng kapitbahay kung saan kaka ebs lang ng pusa… hindi maitim na baha nakikita mo sa daan kundi puting yebe! syete.. di pa pala ako nakakabili ng damit pang-lamig… bahala na si batman… ASTIG!

click to enlarge

ASTIG at natapos ko yung “the melancholy of haruhi suzumiya” ok sa story.. medyo mabibitin ka lang sa love story nila kasi sa huli lang nag blossom… at di pa sigurado kung love nga yun kasi sa panaginip lang nila naranasan… may halong fantasy pero overall.. di na masama… abangan ang season 2.. GRABE!

click to enlarge

GRABE! pinagdownload ako ni evitha ng “windstruck” eto daw yung prequel nung “my sassy girl” sinilip ko at mukhang ok naman… sakto kong na view yung binatukan sya nung teacher nya… grabe kung makabatok ang mga koreans… ANG SAKIT!

PNE!

SOLID! yan yung nadownload kong bagong album ng “parokya ni edgar” ok ang mga kanta nila.. ang husay talaga nila… sana di sila magsawa sa pag-gawa ng mga kanta… na antig ako dun sa “amats” kung saan nasasabi ng taong iniibig mo ang nararamdaman sa iyo kapag lasing lang sya….. at ang kantang “akala” na nagsasabing “at least nagbakasakali” at ang “anti-matter” na kung saan… basta pakinggan na lang ninyo… ANG SAYA!

ANG SAYA na ng laptop ko kasi ifoformat ko na sya this weekend.. tapos na yung mga dinadownload kong mga movies para bumilis bilis naman ng kaunti… kawawa naman sya… iiyak na ata tong pc ko.. di ko pa sya gaanong nalilinis… sorry ha… ano ba magandang ipangalan sa iyo? kasi mula ng nagkacomputer ako… gusto kong bigyan ng pangalan PC ko… kasi kinakausap ko minsan sila kapag yung may projects ako.. para di sila toyoin….PWEDE!


click this to go to danny choo, click pic to enlarge

PWEDENG i-recommended na site ngayong update kong ito…. hmmm meron ba… ayy meron! a little tid bits on life here in japan.. super cool ang site nya.. medyo nga lang may konting censored pero for otaku and non-otaku’s… the site of mr. danny choo…

naaalala ko pa nung time na nakikinig ako sa mga music ni “andrew e” idol ko dati yun nung grade 6 ako… lalo na yung humanap ka pa ng pangit… nagpabili pa ako sa nanay ko ng “walkman” para ma enjoy ko ang tugtugan.. at nakabisado ko sya dahil sa paulit ulit na pagkanta…

merong dalawang klaseng manyak… ang SM at talamak… ang SM = Simpleng Manyak… jan karamihan nag fafall ang mga kalalakihan.. kasama na ako dun.. pero i call it.. “Beauty Appreciation” di naman masamang tumingin sa mga magaganda at sexy na babae.. as long as na hanggang dun na lang yun.. kasalanan ba naming magaganda sila? na sexy ang mga kasuotan nila? hindi naman di ba? ang talamak naman ay ang harapang pag puri na may kasamang pagnanasang pisikal.. yung kulang na lang at tumulo ang laway habang nakatitig sa dibdib ng nasa harapang babae… WHATEVER!

3 thoughts on “let it snow…. let it snow… let it show!

  1. Hi Potpot! Sa wakas, nag-update ka😉 Congratulations on your first snow. Ikaw ha, baka marinig ko na lang sa news ikaw na papalit kay HappySlip. TC!

  2. ahahahaha asa pa ako! magaling kumanta yun.. ano naman maooffer ko.. katawan ko.. ahahahaha thanks for the comment… may utang pa ako sa iyo.. ehehehehe

  3. shet men…mag canada ka, tignan natin kung ndi ka magsawa ng snow dito taena…alalahanin mo yung mga bagyo sa pinas…pero palitan mo ng snow na hinahampas yung mukha mo😄

    dito ka na lipat ha papsi!!!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s