videokeking!

a beautiful queen..

umattend ako last saturday ng coronation night ni ms. rachel mcadams ng timog forum, mostly filipinos based in japan chat here… and i am blessed to have meet such wonderful people.. and i’m glad i attended the occasion.. it was very fun…

mahal pala ang karaoke dito sa japan… kaya siguro pag dating ng mga japanese sa pinas eh kuntodo sawa sila sa pag videoke dahil mura sa pinas… dito ginto… pero hi-tech ah.. yung remote control nila.. touch screen… astig!

ginabi ako ng uwi kasi medyo nag extend pa ng konti… it was an honor to meet sir g33k… magkikita pa kami kapag ipapa custom firmware ko na yung PSP ko. bibili na kasi ako dahil may adjustment sa sweldo namin… SALAMAT!

reyna ng kajologans….

sunday was a mass day so for the first time.. nakumpleto kami going to church… siguro kasi may magpapaalam na sa grupo namin.. walang iba kundi si girlie…

i will survive!

“girlie… sa maiksing panahaon na nagkasama tayo sa trabaho… di lang kaibigan ang natagpuan ko… isang katiwala at isang kapatid… alam ko na isang pagsubok lang ito sa iyong buhay.. well that is life… i will pray for you and your husband to be… hayaan mo… may ibibigay si Lord sa iyo na mas maganda at mas deserving na path para sa iyo… you can do it tink… lab yah!”

naiiyak na naman ako… pero hindi eh… totoong kaibigan talaga si girlie… pramis… mamimiss kita pre…

jay-r… sayaw pa!

bilang pag gunita sa kanyang pag laya… nakahanap kami sa kannai area ng filipino “tabehodai”. it is equivalent to the “eat all you can” sa pinas… for 1000 yen… pwede na.. at libre karaoke pa kaya kanta na!

naaalala ko tuloy nung college pa ako… sa may intramuros.. merong “wall” doon maraming kainang pang student meal talaga… ang pinaka paborito ko dun ay ang “eat all you kanin” kung saan ang babayaran mo lang ay ang ulam… sa halagang 35 pesos… patok na… ang lagi kong inoorder ay ang “porkchop”.. matipid kasi ak osa ulam.. malakas ako sa kanin… kaya nga sulit na sulit yun… sogbu!

medyo iba ang time stamp na ito kasi dapat magagawa ko na sya.. kaso nag karoon lang ng konting aksidente… update ko kayo sa mga susunod kong blog.. bye guys! thanks for viewing! mwah!

11 thoughts on “videokeking!

  1. grabeeehhh!!! im touched. ngayon ko lang nabasa itong bago mong blog. di na kasi ako madalas makapagonline eh. sobrang busy na kasi ako, lam mo pag may pamilya na. iba na ang nagiging priority. di tulad dyan na wala halos tayong magawa kaya laging nakatutok sa laptop at internet.🙂 at meron pala akong portion dito ha. i truly missed you guys at lalo na ikaw pete! sobra sobra talaga! sana magkita ulit tayo. sabihan mo ako pag nandito ka na sa pinas ha. baka by that time eh mataba na ako, hehehehe… basta leave ka lang ng message sa kin sa ym. miss you a lot my friend! mwah! hope to see you soon! at ititreat mo ako ha. hehehe… ingat. godbless!

  2. ahaha, alam ko ang mga kainan sa ilalim ng elevated bridge sa Intramuros, kapatid. yaong metal plate na pansisig ang pinggan, ahaha. noong last century, may years na tambay ako ro’n, overlooking the golf course, whehe.😉

      1. yiheee!!!! ~too many walls have been built in-between us.. tama ba lyrics ko? ampft…

        bata ka pa rin naman ah… walang tumatanda no.. lahat bata.. hihihi

        ang lalim nung marahuyo… muntik na dumugo ang ilong ko… ako naman ay kaladkarin… hihihi good pm san! *kaway kaway*

      2. heh, nagpa-pic ako kanina at paglabas ng pic, di ko makilala ang matandang mukha staring back at me, pambira… tutulog ako earlier tonite at magpupulbo ng maigi bukas para pag inulit ang letseng pic, mukhang tao na…

        haha, wala namang walls sa amin noon except after a year, ipinagpalit nya ako. ni hindi mas maganda sa akin ang girl, akalain mo ‘yon? mas maputi lang at long hair, kainis…😉

      3. picture lang yan… ma;ay mo sira yung camera.. ehehehehe…

        at talagang maputi lang at longhair… o baka naman yung buhk eh nakatakip sa mukha na parang si sadako? hihihi… hello sab!!

      4. hindi. ang problema ng camera, di marunong magsinungaling. anyway, better na ang sumunod na batch ng pics. sya ko nang isinubmit para sa nire-renew na ID… powtek, kailangan kong magpaganda, hahaha.

        basta, hindi maganda ‘yong girl, naalala ko lang. powgi ang papa kong ‘yon. pero yon lang, flawed pala ang kanyang taste, hehe😉

      5. baka naman ang papa mo dati ay mahilig sa mga “exotic” or “rare” species.. <– ang salbahe ko.. sorry naman.. ehehehehe.. pero ang sabi nga nila.. beauty is a virtue.. ayy mali.. patience is in the eye of the the tiger… hmm.. tama ba? hi san!! *kaway kaway*

      6. indi nga mukhang rare ang girl, mukhang commoner (haha, mas salbahe). feeling ko, dinaan nya lang sa pasandal-sandal ng buhok si papa pogi engot ko, haha. tsura nya😉

        kaway-kaway, Pot.;) maulan dito. summer pa ryan?

      7. buhok pala ang weakness ng dati mong papa.. baka pinakitaan siya ng buhok sa kili-kili.. hihihi.. malamig na dito.. autumn na.. kaya medyo makapal na ang mga kasuotan… brrr… ingat jan san ha!! *kaway kaway*

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s