paalam na….

matsuzawa-san… sakauchi-san… sugoi!
o hindi ako nagpapaalam ha… nalulungkot lang kami at aalis na ang dalawa sa mababait na japanese friends namin… si sakauchi-san at si matsuzawa-san… parang kailan lang… pero ganun talaga ang buhay… darating… lilisan….. kakalungkot…
pero in fairness… magaganda ang mga boses nila… ewan ko ba.. pinakanta namin yung dalawa at yung dalawang boss namin… si munakata-san at si endo-san…. akalain mong magaganda lahat boses nila…. parang may training talaga sila sa pagkanta… eto yung sample ha…

o diva!

we will miss them…. on with the show… today, the japanese are celebrating the “spring equinox”, eto daw you phenomena na ang sun ay naka position sa equator…. kung gusto nyo pang malaman… i-wiki nyo..

sa pinas naman… “maundy thursday”… eto yung selebrasyon ng mga katoliko ng mahal na araw… namimiss ko na nga ang mga pasyon at senakulo tuwing mahal na araw… hay ang saya…

naalala ko kanina nung naliligo ako… nung maliit pa ako.. mahilig akong makiligo sa mga lolo at lola ko sa tondo… kasi dati…. masarap magswimming… hindi dahil may swimming pool sila… sa banyo kasi nila… may malaking tangke ng tubig…. hindi kasi uso ang mga orocan na malalaki noon, kaya ang lolo ko *lolo kunat ang tawag namin sa kanya.. kasi nga sobrang kunat nya… sumalangit nawa* gumawa sya ng parang semento… parang kural ng baboy pero lagayan ng tubig… kasya dalawang bata… kaya doon kami naliligo… ang saya! ngayon kasi.. may bath tub kasi kami dito sa apartment namin… syempre dahil taga bundok ako, ginagamit ko yun.. sosyal di ba…

isasama ko na dito sa blog ko yung mga pictures ko nung nasa dos pa ako… mga pictures ng mga artista at description kung paano ko napicturan na kasama ako… syempre sisimulan ko sa paborito ko sa lahat…. walang iba kundi si…


my love… cindy kurleto..

this was taken nung uso pa ang MTB (Magandang Tanghali Bayan) isa siya sa mga host at sa labas sila nag live… eh kakapasok ko pa lang ng office… eh nakita ko sya pabalik na ng dressing room… dahil super crush ko sya… kinapalan ko mukha ko… sabi ko.. “Excuse me Ms. Cindy… can I take a picture with you?” WOW diretso english ko… then narinig ko ang mga matatamis nyang sagot.. “Sure!” then ni-set ko na yung 6600 ko (uso kasi yan noon), then nung kukunan ko na sabi nya “I’m terribly sorry… I just had lunch and I’m afraid my breath smells bad..” WOW NAMAN! muntik na akong matunaw… sagot ko… “It’s ok” with matching smile yun… then pwesto! pero nagulat ako…. nilapit nya ang mukha niya sa akin.. di lang nilapit… yung kamay niya hinawakan ang mukha ko para idikit sa mukha nya! O DI BA! di ko makalimutan yan… abot hanggang tenga ngiti ko.. then bago pa ako makapag salita.. sabi nya… “Thank you!” wow naman! nangatog talaga ako.. pramis… di ko akalain… hay… sabay sabi ko naman.. “mmm will it be ok for another picture?” aba sumagot naman sya “SURE!” na may pag taas ng boses! hay grabe mahal ko na sya… ayan ang evidence o.. ehehehehehe

next update ko rin ay ipopost ko ang profiles ng mga kasama ko dito sa apartment.. dahil gusto daw nilang sumikat.. sabi ko.. “HELLOOOOO! DI NAMAN SIKAT BLOG KO AH?!?!” eh gusto pa rin nila kaya pasensyahan na ha… ehehehehe dahil kwentong barbero ito… madami akong maisusulat tungkol sa inyo… ABANGAN!

bago ako magpaalam… tanong ko lang sa inyo… napanood nyo ba yung “ring”? eto yung kay sadako na japanese version… well… kala ko lalabas sya sa laptop ko.. kakapanood ko ng movies… kung gusto nyong makita ang nakita ko… click nyo ito… not for the weak of heart… baka magulat kayo….

One thought on “paalam na….

  1. nakakalungkot tlaga ang paglisan ni sakauchi san at matsuzawa san.. pero sna hndi nlng cla ang umalis.. ung mga hndi kanais nais n tao sa paligid n wlng gnawa kungdi tanungin tyo ng “blah blah blah.. dekiru ka.” anak ng .. hmp!!!!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s