salamat sa mga nag comment!

o eto na yung chapter 2, sana naibigan nyo yung chapter 1, mag comment kayo kapag nagustuhan nyo o kung di ninyo nagustuhan, thanks Lyssa! o eto na request mo!

Busy

Chapter 2

Pagbalik ko ng office, hinihingal pa ako, di ako makapaniwala sa mga narinig ko at nakita ko. Balik ako sa table ko, hinihimas ko ang binti ko kung saan hinawakan ni Leyla. Kumakabog pa dibdib ko.

“Michelle, what’s wrong? You look pale” si Tracy.

“Huh?!??! Oh, It’s nothing, it very hot in here….” Tulalang sagot ko.

“Hot?!?! It’s 8 degrees here. Do you have a fever or something?” pagtataka ni Tracy.

“I’m fine, sorry…” sagot ko naman.

Di ako makapag concentrate sa trabaho, iniisip ko pa rin yung kaninang lunch na kasama ko si Leyla. Bakit niya kaya nasabi yun, halata ba ako? Hindi naman siguro, nanghuhuli lang siya, hindi dapat ako matakot sa kanya, ako pa, gasmati yata ako!

“HOY! Gising! Day dreaming ka na naman pare ah! So ano sa tingin mo? Tingin ko type ako ni Leyla, halata naman diba, sorry pare ah, akin na siya.. bwahahahahahaha babagal bagal ka kasi eh!” pangaasar ni Bong.

“Tingin ko nga rin pare..” sabay sulyap ko sa table ni Leyla, puchat, nakatingin siya sa akin, inay! Galit ata sa akin! Patay na! First impression niya sa akin bokya agad ako!

5:10 na, hindi ko pa tapos yung trabaho ko, di bale, Friday naman ngayon, wala naman akong lakad, tatapusin ko na lang. Hindi ko namalayan 6:00 na, at mukhang ako na lang ang natira sa office, coffee muna ako para magising gising ng konti, konti na lang naman at matatapos na ako sa paper works.

Pagtayo ko sa table ko, napatingin ako sa table ni Leyla, di pa rin siya umuuwi, nakatitig siya sa akin… kinakabahan ako… nagmadali ako sa pantry para gumawa ng kape… pagsulyap ko sa likod ko… sinusundan ako ni Leyla… naku! Masasampal ako ng di oras nito, baka nagalit sya nung iniwan ko siya sa kainan kanina.

“Michelle, sandali…” tawag niya sa akin, “Marami ka pa bang gagawin? Gusto mong mag dinner after work?”

“HUH?!?” Gulat ako, bakit kaya di nagalit, inay! Sige na sasamahan ko na para di magalit, sira na nga diskarte ko baka lalo pang masira image ko. “Sure! Sige, treat kita uli, bawi ako kasi naiwan kita kanina.. ehehehehehe!” Pangiti kong sagot sa kanya.

“Good, we still have unfinished business to talk about.” Sagot niya.

6:30 nang matapos ako, so lumabas na kami ng office at sumakay ng elevator. 11th floor kami kaya medyo matagal ang babaan. Nagulat ako ng pinindot ni Leyla ang emergency button ng elevator.

“Natatakot ka ba Michelle? Don’t worry, I don’t bite.” Sabay tingin sa akin ng kakaiba.

Napalunok uli ako, hindi ko alam ang gagawin ko, sa videos ko lang napapanood ito, bakit nangyayari sa akin ito, juice ko po! “Bakit mo pinindot yung emergency button, paano tayo kakain ng dinner niyan? Malalate tayo.” Suave kong tanong.

“You are my dinner for tonight.” Sabay halik at yakap niya sa akin. Napakalambot ng mga labi niya, napakabango pa ng hininga, buti na lang at nakapag toothbrush ako bago umalis ng office, shit ang sarap, para siyang dentist, lahat na ata ng sulok ng bibig ko na explore niya, at ang dila nya, ang sarap!

Napayakap na rin ako sa kanya, di ko napigilan sarili ko, lalake din naman ako no, sa totoo lang, siya ang first kiss ko, well syempre yung aso namin dati ang unang humalik sa akin, pero aso yun kaya wala lang, hindi counted.

Conscious ako kasi hindi ako marunong, hanggang video lang ako nakakapanood ng mga naghahalikan, grabe, iba pala ang feeling, nangangalog ang tuhod ko, napaka aggressive nya, ganito ba lahat humalik ang mga babae? Sana dati ko pa ginawa ito!

Tinulak niya ako, tumama sa likod ko sa pindutan ng elevator, sakto namang natamaan ko ang emergency button at umandar na uli ang elevator. Nag ayos ng sarili si Leyla sabay kindat.

“Shall we?” aya niya sa akin.

Bumukas ang elevator, ground floor, hinawakan niya ang braso ko, sabay alis papunta sa restaurant. Sa Gerry’s grill kami nagpunta, 2nd time ko pa lang dito, yung una eh nung nanlibre ako nung birthday ko 2 years ago.

“Don’t worry Michelle, my treat.” Aba! Swerte! Malilibre ata ako ngayon ah… Pero hindi! Nakakahiya, ano iisipin nya, poor ako? NO WAY!

“Ahh, Leyla, sige ako ng bahala, may atraso pa ako sa iyo eh” tanggi kong sagot.

“If you insist.” Sagot niya.

Nakaorder na kami, umorder din ako ng beer para lumamig ng konti, kanina pa ako nag iinit, nag kwento ako tungkol sa office, yung buhay namin doon, kinuwento ko si Tracy at si Bong, nag kwentong barbero ako, kunwari madami na akong naging gf at hindi ako virgin tulad ng sinabi niya kanina. Tawanan ba naman ako!

“You’re really funny Michelle, I can tell you’re lying.” Sabat niya.

“Hahahahahaha! Paano mo naman nasabing nagsisinungaling ako? Di mo pa ako gaanong kakilala?” Resbak ko sa kanya.

“Your eyes don’t lie, that’s why I love them.” Sagot niya.

Huminto ang oras para sa akin, nasa hot seat ako, hindi ko alam ang gagawin ko, parang di ko kayang lumaban ng bluff sa babaeng ito. Inubos ko yung isang basong beer. “Maiba naman tayo, tell me more about yourself?”

“Me? Hmmmm… I graduated from an exclusive school in quezon city, my parents are now staying in the States, I have no siblings, I have a condo here in Ortigas, and I like guys with beautiful eyes.” Kwento niya.

Nagduling dulingan ako, para mawala yung tension, “So hindi na ako kasama sa sinasabi mo?” pagbibiro ko.

“Hahahahaha! Cute mo talaga!” tawa niya na walang halong ka plastikan.

Maganda ang gabing yun, nalaman ko rin na nag graduate siya with honors, inay! Matalino rin pala siya, ano bang panama ko? Graduate lang ako ng Business Management sa isang University sa Manila, anong laban ko? Ni sa panaginip di ko inisip na makadate ang isang tulad niya. Naka apat na bote na ata ako ng beer, medyo lasing na din ako. Siya naman wine ang iniinom, ¾ na ang nauubos niya.

“Do I scare you Michelle?” tanong niya.

“You, not really, I find you attractive and very down to earth.” Sagot ko naman.

“I can go down as low as I can for you Michelle.” Sabay gapang ng paa nya sa binti ko.

“Ahhh… wait, I need to go the men’s room” excuse ko.

Butil butil ang pawis ko papuntang CR. Sinampal ko ang sarili ko at baka nananaginip ako, hindi naman. Nag weewee muna ako tapos naghilamos, nagpatanggal ng kaba. Huminga ako ng malalim, sabay labas ng CR.

Nasa labas siya ng CR, hinihintay niya ako. “Kala ko iniwan mo na ako..” mangiyak ngiyak niyang sabi sa akin. “Di mo ba ako mahal? Ano bang ginaw ko sa iyo? Bakit mo ako iniwan?” pagsumbat niya sa akin.

“Leyla, are you OK? Hatid na kita at lasing ka na.” pakiusap ko sa kanya.

“FUCK YOU JOHN! BAKIT MO AKO NILOKO!” Sabay sampal sa akin! Masakit ah!

“Leyla stop it! Let’s go home!” mataas na boses kong sinabi.

Nagtaxi na kami, tulala si Leyla sa kabilang side ng upuan, habang hinihimas ko pa yung sampal niya sa akin, namula yung pisngi ko, “Sorry Michelle, I know I was out of line, I’m drunk and never had done that.” Sambit niya.

Hindi ako umimik, napaisip ako, laruan ba ako? Na pagkatapos paglaruan itatabi na lang? Mas masakit pa ang narinig ko kaysa sa sampal na natamo ko. Tawagin ba naman akong John, ay sus!

“Goodnight.” Paalam ko sa kanya paghatid sa harapan ng pinto ng condo niya. Palakad na ako palayo ng tawagin niya ako. “Michelle, will you keep me company?” request niya. “Look, Leyla…” napatingin ako sa kanya, umiiyak siya, weakness ko ang babaeng umiiyak, lumalambot agad ang puso ko pag nakakakita ako ng babaeng umiiyak. “Please, I need someone to talk to..” sabi niya.

Hindi ako tumanggi, lumapit ako at niyakap siya. Pinasok ko siya sa condo niya, at sinara ko ang pinto.

END OF CHAPTER 2

6 thoughts on “salamat sa mga nag comment!

  1. hello, Pot… ikaw na ang magandang magkwento. like!🙂 nakakatuwa, ganito pala talaga ang point of view ng lalaki. ahehe, i should say, iba ang point of view ng babae sa ganyang sitwasyon. but then, your story brilliantly captured both p.o.v.

    ayon lang, medyo may himig ‘tong kahawig ng porn stories, ahaha. (oo, naman, boss, nakabasa na lola mo ng mga gano’n) kayo talagang mga lalaki, foremost sa utak nyo agad lagi n- sex, ba’t gano’n? sa babae, hindi ganoon agad. it’s more like, intimacy muna, matagal… saka pa ang mga iniisip nyo, hihihi.

    hello, kumusta po? walandyo, sisilip-silip ka sa amin na walang bakas. hala pa… kaway-kaway!😉

    1. san!!!! pasensya na at naging abala sa trabaho.. kaya mahirap mag basa ng blogs sa office.. ehehehehe… nahagilap mo pala ang naunsyameng erotic story… hindi ko na siya tinuloy dahil sa totoo lang, on the spot kong sinulat yan… as in parang sumanib sa akin ang espirito ni xerex at nag type na lang ako.. and then.. poof… wala na.. nawala yung pag sulat.. kaya tinigilan ko na rin..

      napansin ko lang na ang mga babae kasi ay emotional, ang lalake ata ay sexual.. pero kung iisipin mo, mas malikot ang utak ng mga lalake at kung ano ano ang naiisip.. samantalang ang mga babae eh ay medyo ng natutulog sa pansitan kapag sex na ang napg-uusapan.. pero yun nga ang maganda dahil iba iba ang pag-iisip ng bawat isa…

      at hindi ako naniniwalang nakapag buklat ka na porn mag.. parang ikaw yung tipong.. hmmm.. nanonood.. ehehehe joke lang!! hihihi

      hello san!! have a great weekend… *kaway kaway*

      1. hello, how’s Saturday? a, kaya pala maganda ang flow kasi spontaneous nga ang pagsanib, ahaha. mahanap nga ang naunang parts, interesting siguro, hihi.

        btw, may tatlo akong brothers, ano ka… thru them, nakabasa me ng tiktik (haha) at xerex (hihi). btw, alam mo naman yata, the guy behind xerex was jim libiran, yong chubby reporter dati sa ch. 2? yon. he was to direct the award-winnning indie film, “tribu” about rappers sa Tondo. magaling…

        ahaha, mas visual ang guys,’ata… sabi ng friends and kasamahan kong lalaki, ambilis daw nyong ma-distract sa plunging necklines, sa pwet at sa legs, hihi. sa babae, sexual din, i suppose but hindi agad. it takes a long while, tiwala and openness muna bago magawi banda ro’n. before seriously thinking of such kumbaga.

        pwede talagang kasama ng isang babae ang isang lalaki ng three years na walang sexual na naiisip, haha. samantalang the guys, within three minutes yata, na-size up na – hips, boobs and anupamang interesting body parts. haha, kayo talaga, sama nyo…😉

        ahaha, occasional lang ako nanood ng sexual videos, pag may family or friends na naaaya to watch with. hindi ko nakahiligan, kumbaga. sayang yata, hihihi. joke. have a fun weekend, kapatid. regards sa iyo…🙂

        btw, may sister akong andyan this week, sa osaka? la lang…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s