bagong bago…

AkoAko uliAko na naman

Ako ito2nd to the last akoWOW GWAPO KO!

Bago pa lang ako dito sa wordpress and kahit papaano, kaya namang imanage, medyo may mga ibang features lang akong nalilito pero saka ko na pag-aaralan… bago nga pala ang lahat, nagpapasalamat ako at kahit papaano ay sa loob ng isang araw ay may nagbabasa ng blog ko (sila yung mga walang magawa sa buhay), hayaan ninyo at pagagandahin ko pa lalo ito at padadamihin ang mga contents ng di kayo magsawa (pwe!).

Bagong araw bukas, June 1, this means, malapit na ang pasukan, and speaking of pasukan, papasok na ang pasaway kong anak sa school, juice ko po! tumataginting na 26 thousand pesosesoses ang halag ng tuition fee ng anak ko! At sa malamang ang ituturo ay yung alam na rin naman niya. Natatandaan ko pa nga dati ang alam kong kinder lang ay yung sa barangay (libre pa nga ito eh), yung pag recess iihi kami sa kanal na malapit dun sa barangay at yung sa school na talaga yung after mong mag-gradute ng high school may loyalty award ka (meron ako niyan!), aba ngayon.. may Nursery, Prep, Kinder 1, Kinder 2, at lahat yata yan ay pre-requisite para makatungtong ka ng Grade 1. HELLO!! Di naman uso dati yan ah, pero siguro nag-iiba na rin ang panahon ngayon at kailangang makibagay pero anak ng tinapay 26 taw?!?! Saan ako magnanakaw ng 26 taw?!?!? Bago ko kitain yan eh kailangan magbilang ako ng butil ng bigas at ihiwalay sila according to sizea nd color. Mahirap na rin ang buhay sa Pinas, kahit bagong graduate ka, makahanap ka man ng trabaho.. maliit ang sweldo, buhay nga naman oo! Kung di nga ako umalis ng Pinas, naka-asa pa rin siguro ako sa nanay ko. Nakatanghod lagi ang kamay ko at humihingi ng pera, buti na lang natapos na yung 5 years kong kahibangan! YAHOO!

Pero sa totoo lang, kahit mahirap ang buhay sa pinas, masarap pa rin ang nasa pinas.. madami na nga akong namimiss, wala naman akong magawa, kailangan kong magtrabaho para sa kinabukasan ng anak ko (o iyak na!). Totoo nga pala na kapag may pamilya ka na, yun na ang priority mo sa buhay.

Siyanga pala, binabati ko yung kumpare kong si Jhum, arabo na siya ngayon. At least pag na-ebs siya, tatapikin niya yung pwet niya para lumabas, o kaya pag nautot wala ng sound kundi parang dumighay lang siya…. ayy di pala yung isa ko palang kumpare ko yun, si Dex. Mga pare! Miss ko na kayo!! Jhum, Astig yung photoshop pic mo ah! Multiple man! Gagawin ko rin yan! Nainggit ako!

Who is who?

Eto nga pala, kapapanood ko lang kanina nung idol ko na si HG! Panalo! mahal ko na siya! ahahay! FUUUUUUUUUUUUU!!

Eto last na to pramis, picture ito, nakuha ko sa Fukuoka, sana magustuhan ninyo!

BASA!

2 thoughts on “bagong bago…

    1. san!! talagang suyurin ba ang lumang post.. ehehehehe… yung totoong pic ko diyan ay yung sa dulong kanan sa ibaba… yan na ang hitsura ko.. ehehehehe… marami pa akong mga pics jan na hindi ko na mababawi… ehehehehe.. san!!! *kaway kaway*

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s