time after time…

bakit ganoon, kapag marami kang ginagawa, ang bilis-bilis ng oras, pag wala ka namang magawa, parang slow motion ang orasan… hindi ba pwedeng kapag ‘di mo trip ang ginagawa mo, mag fast forward ka na lang para hindi na mag accumulate ang pawis sa upuaan mo sa office. minsan, sa tagal kong nakaupo, pag tayo ko, may marka ng basa sa silya ko… di bale sana kung black siya, hindi halata, eh lintik, kulay green, kitang-kita! para tuloy naebak ako sa silya ko.. kakahiya to the max!

ilang araw na lang at lilipat na ako sa bagong apartment ko, buti naman at ng mabago ang routine ko sa buhay, maganda kasi yung lilipatan ko, bachelor’s pad talaga, pero dapat may pang bachelorette’s pad din, paano kung girl ang lilipat? (tulad ko!)

magagawa ko na ang mga dating hindi ko nagagawa, tulad ng naglalakad ng nakahubo, kumakanta ng mga kanta ni April Boy, at mag-master… facial wash habang nagluluto… matagal ko ng di nagagawa ito…

dito sa japan, mahalaga ang oras, actually lahat may oras, may oras ang tren, ang bus, ang mga programa sa tv… kaya hindi ka pwedeng ma late, malalaman ng mga boss mo kasi naka monitor sila. hindi ito tulad ng pinas na pwede kang magsinungaling pag na late ka.. “Eh sir traffic po sa EDSA..”, “Sir, nasira po LRT kanina..”, “Sir, nakalimutan ko pong magpantalon, eh nasa pintuan na po ako ng office, bumalik pa po ako ng bahay kasi nakakahiya naman pong humarap sa inyo na nakikita ang hello kitty brief ko…”.

ang mga hapon, kapag oras ng trabaho, trabaho talaga… hindi mo sila makitang patulog-tulog o nagchichikahan, at para silang mga energizer bunny, galaw ng galaw, marahil siguro sa binibili nilang kape sa mga vendo machines… eh ako nga eh… pagkaupong pagkaupo ko sa desk ko, pumupungay na agad mga mata ko… ewan ko ba… umaga naman ako natutulog, bakit kaya ako inaantok? (batet?!?!).

pero sa totoo lang, kung ako tatanungin.. ibabalik ko ang oras na kung saan isang taon akong nagbakasyon pagkatapos kong magresign sa una kong trabaho, syempre, wala kang ginagawa at pinapalamon lang ako ng mga magulang ko.. those were the days! Hindi ako worried na may exam kinabukasan, ang ginagawa lang ay magfill up ng mga forms para mag-apply ng trabaho, yun lang… ayos di ba?

kailan kaya darating ang panahon na hindi ko na kailangang magtrabaho, pero tumatabo ako ng limpak limpak na salapi? alam ko na…. siguro sasabihin ko sa asawa ko ng pag patay na ako.. isang taon akong iburol, then mangolekta ng abuloy.. tatabo kami ng milyones nun! yahoo!


Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s