si paul…

hi blood!

akala ko mga matatanda lang ang nakakaranas ng high blood pressure or hypertension, mali pala ako. ayon sa pag-aaral, ang high blood ay maaring magsimula sa edad na 13 anyos depende sa kalagayan ng tao, sa kinakain niya at sa kapaligiran niya. kaya pala madami sa mga Pilipino ang high blood.

may kaibigan ako na hindi ko sasabihing Paul ang pangalan, ang may ganitong karamdaman. hindi naman siya mataba o matanda na, sadyang pinaglaruan lang siya ng tadhana. isipin ninyo, nung nag-aaral pa siya ng college, nag dorm siya para mapalapit sa paaralan na pinapasukan niya, nung unang dating niya sa maynila, solo niya ang kanyang tinutuluyan, may pagka-OC (Obsessive Compulsive) siya at halos araw-araw niyang nililinis at inaayos ang bahay niya, pero nakaraan ang 2 buwan, dumating na ang mga “roomies” niya, si Pong (Engot 1) si Julio (Engot 2) at si Tonton (Engot 3).

apartment style ang tinutuluyan nila kaya medyo malaki siya, sa pagkakataong iyun sumaya si Paul kasi madadagdagan ang kanyang mga kaibigan, pero sa kasamaang palad, dito nagsimula ang kalbaryo niya.

si Engot 1 ay hindi marunong maghugas ng pinggan, naiiwan ang mantika sa pinggan pagkatapos mahugasan. pagkatapos naman niyang maligo, daig pa ang basang sisiw na nag dive sa baha, puro tulo sa sahig na galing sa katawan ni Engot 1 ang makikita sa paligid.

si Engot 2, si laging tulala, laging wala sa sarili kapag kinakausap, kahit magbilin si Paul ng mga gagawin sa bahay, para siyang kinder na kailangan pang gumawa ng visual aids para maintindihan. minsan nagbilin si Paul na mamalangke at isinulat niya ang bibilhin, nung nakabalik galing pamamalengke si Engot 2, wala siyang nabili kasi naiwan niya ang listahan, hindi lang yun, nakalimutan rin niya ang papuntang palengke at naiwanan niya rin yung pera pambili ng pagkain. WTF!

si Engot 3 ang kakaiba sa lahat, ang mga gamit niya ay all around sa bahay, kahit saang sulok ay matatagpuan ang kanyang gamit. basang tuwalya, nagtututong na brief, mga malalaswang babasahin at mga ni-rape na tissue paper na kung saan naninilaw na siya dahil matagal ng nakatambak. pati ang mga gamit ni Paul ay di pinatawad ni Engot 3 kasi nga makikita na lang ni Paul ang kanyang underwear ay ginawang pamunas ng lamesa o kaya naman ang t-shirt niya ay ginawang kurtina.

ang dating malumanay at mapagpasensyang Paul ay naging isang demonyo! nagsasalita siyang mag-isa at nilalait patalikod ang mga kasama sa bahay, unti-unti siyang nalulon sa masamang bisyo ng pagmumura. hanggang sa di niya nakayanan… sumabog ang nasa dibdib niya at siya ay… na high blood.

sabi ng demonyong kunsensiya niya “Bawian mo! Kung ano ginagawa sa iyo, gawin mo rin! Lugi ka!” sabi naman ng anghel na kunsensya niya “Wag mong patulan! Alam mo namang ikaw ang mas nakakaintindi!”

pero matinding sakit ang nararamdaman ni Paul sa kanyang batok. matigas at nakakairita… hindi na nakapagtimpi si Paul, nakaisip siya ng isang napakahusay na plano… alam niyang magagalit ang mga kasama niya pero ginawa pa rin niya dahil sa tingin niya, eto ang nararapat… kinuha niya ang kutsilyo… unti-unti siyang lumapit sa 3 kasama at sinabing… “Lipat na ako ng bahay, sasamahan ko kapatid ko eh.. ipagluluto ko kayo ng adobo bago ako umalis.” =)

nabalitaan kong nag-ibang bansa na si Paul, sana magkita kami para mabatukan ko, miss ko na siya eh!

4 thoughts on “si paul…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s