counter-terrorist wins…

nakakatanggal talaga ng STRESS ang minsanang paglalaro ng games. first hand experience ko yan simula pa nung nag-aaral ako, siguro marahil hindi ako pala labas ng bahay kaya inuubos ko ang oras ko sa kwarto ko naglalaro ng mga pc games at video games…

noong nakaraang sabado, sobrang init ng panahon at hindi kami magkandaugaga kung ano gagawin, ayaw naman naming magbukas ng AC kasi mahal ang kuryente, so ano ang ginawa ng kaibigan kong si Mars, nakipagkwentuhan sa likod bahay para malibang habang tumatagaktak ang mga pawis namin, halos lahat kami ay lumabas, Ako, si Mars, si Rye, si Jay-R, si Abel, at si Mark naman ay nakasilip sa bintana dahil hindi mabitawan ang larong RAN…

sinabi ni Mark na darating daw ang mga kalaban at magkakaroon daw ng pagtutuos sa pamamagitan ng paglalaro ng luma pero masayang laro sa PC, ang COUNTER-STRIKE! alas dos ang usapan pero mag aalas tres na ay wala pa sila, kaya nagbabalak na kaming maginuman na lang kasi nga nakakabato at walang magawa… pero naudlot ang drinking session, dumating na sila…

james d flames
james d flames
reynan d man
reynan d man

The dark twins.. James d flames and Reynan d man.. sila ang magkakamping magkalaban.. kung di ninyo naintindihan ang sinabi ko, pwes ako din…

Aster Banaster
Aster Banaster

Aster Banaster… ang mamang ito ay di magpapahuli sa kanyang tactics.. mautak at matalas ang dila.. beware…

rommel the shooter
rommel the shooter

Rommel the Shooter… isang bala ka lang.. yan ang trademark niya…

xavier the shooter 2
xavier the shooter 2

Xavier the Shooter 2…. magkaiba ang tagline nila ni Rommel.. babangon ako at luluhuran kita…. yun ang sabi niya…

clint
clint

With special participation of Clint.. The monster Jumper! bakit monster jumper… dahil ang special technique niya sa badminton ay ang gorilla smash!

Habang kami ay naglalaro… saya ang namumutawi sa paligid dahil sa tawanang walang humpay sa mga kolokoy na ito… masaya ang asaran at makukulit ang patayan.. nagkaroon din ng konting salo-salo nung bandang gabi… natapos ang session ng 11 ng gabi pero bago natapos ay nagkaroon ng konting kantiyawan dahil kaarawan pala ng isa sa Dark Twins na si James… James… maligayang bati… mabuhay ka LorlLolic… sila ay namahinga sa kwarto nila Abel at Mark.. pinapanood ko sila ng video ng mga Pilipino na sumisikat na ngayon, MOYMOY PALABOY… nasa youtube sila.. i search nyo na lang…

bumalik ako ng kwarto na maluwag at magaan ang pakiramdam, dahil sa bawat pagbaril ko gamit ang MP5 at Arctic… nawawala ng kaunti ang inis ko sa buhay.. lalo na sa…. hmmmm basta…

4 thoughts on “counter-terrorist wins…

  1. ..ang kulet nyo!! hehe..may pgka-weird..pero kengkoy!!
    auz kau..hehe
    congratz kng cno man mana3lo sa next game.. ^_^

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s