lumipat na ako…

lumipat as in lumipat bahay, baka kasi isipin ninyo lumipat ako from GMA to ABS-CBN (how i wish!) di pang angel locsin ang beauty ko. eniweys, mas bongga ang kwarto ko ngayon, yun nga lang di ko pa naaayos ang mga gamit ko dahil binisita na naman ako ng katamaran.. as usual.. kung nasa pinas ako maririnig ko nanay kong sumisigaw “ANAK KA NG TATAY MO POTPOT! ANG TAMAD MO TALAGA!” pero miss ko na yun ah!

konting tweak lang ang gagawin ko dito para naman ma preserve ang sanctity ng lugar, pero sana ma mentain ko ang bahay, i will do my best wish me luck, eto yung ibang mga snapshot ng aking munting apartment..

the living room / bedroom / trash can
the living room / bedroom / trash can
closet / 2nd floor / door going to the kitchen
closet / 2nd floor / door going to the kitchen
washing area / kitchen / tirahan ng mga daga
washing area / kitchen / tirahan ng mga daga
the throne room...
the throne room...
the bath cave...
the bath cave...

sana magtuloy-tuloy ang pagiging OC ko para naman di ko mapabayaan ang bahay na ito…

10 thoughts on “lumipat na ako…

  1. i thought so. actually i kinda like the interior of apartments i have seen on TV in crowded countires ike japan or hongkong, or korea—the whole small space is maximized and there’s a lot of shelf space and closets in all the unusal places. for some reason, i kinda dig the cramped space.feel ko yatang matulog sa kabaong,

  2. hindi ko alam, pero nung makita ko yung picture mo medyo alam ko na na tulugan yun at naisip ko san kaya ako makakahanap ng apartment dito sa Makati na ganun ang tulugan dahil parang feel ko yun dahil naalala ko yata ang kabataan ko na pumapasok ako sa loob ng closet pag tinotopak ako dahil gusto ko ng kadiliman at ng masisikip na lugar at ang dami ko nang sinabi kaya titigil na ako.

  3. pareho ng dating apartment ko dyan. hehehe.. nice naman matulog sa taas, lalo na pag winter. at di ka pa mahirapan magtupi lagi ng futon mo kasi sa taas pwedeng nakalatag lang siya lagi. basta ba, linisan mo lang. hahaha.. kaya mong maging OC, if you want to. sige goodluck sa bagong apartment. mahal na ang babayaran mo. pero di bale malaki na naman ang suweldo mo eh. miss you kapatid!

  4. uyy thanks tink, miss na din kita! sobra! mababawasan na naman kabatak ko dito pero ok lang, kakayanin ko.. huhuhu.. pag malapit na winter saka ako lilipat sa taas, ok pa naman sa baba eh, saka nga pala sagot ko dun sa sinasabi mo dun sa unang comment mo, hindi ak oyun no.. friend k onga yun eh.. hihihi ingats ka lagi ha, wag pakapagod para sa baby mo ha…

  5. ngayon ko lang nakita yung vid, sobrang like ko yang apartment mo…at wag ka magagalit sakin kasi tawa pa rin ako ng tawa, mukha mo pa lang ang pinapakita tumatawa na ako, pero hindi ko naman sinasabing nakakatawa ang mukha mo basta natawa lang talaga ako pag-click ko ng play.peace!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s