titigan…

uyyy ikaw pala… nakita kita na tumitingin sa akin… i was minding my own business nung dumaan ka sa kaliwa ko at eksaktong pagtingin ko, nakatingin ka. na shock ako, o siguro napadaan ka lang at napasulyap ng wala lang, hindi ko pinansin yun…

nagtataka na lang ako, siguro every 30 mins, daan ka ng daan, alam kong eto lang talaga yung access papunta sa yosi room pero everytime na napapatingin ako, nakatingin ka.. crush mo ako?

kapal din ng mukha ko no, pero anong magagawa ko, ikaw naman yung unang tumitingin at ako napapatingin lang, hindi naman ako makapunta sa cubicle mo kasi wala naman akong business doon, so paano tayo mag-uusap niyan?

nung minsang tumayo ako at may kinukuha sa kabinet ng dumaan ka, nagulat ka nga kasi di mo akalaing makakasalubong mo ako, napangiti ka, napangiti rin ako, at nung dumaan ka, ang bango mo pala, naiiwan ang pabango mo pag dumaan ka.. ang sarap ng amoy…

araw-araw na kitang inaabangan at gusto kong mas matagal ang ating titigan, pero nahihiya ako, hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo, japanese ka, pilipino ako, hindi tayo magkakaintindihan, pero ok lang, ang mahalaga, nagkapalagayan tayo ng loob.. miss na nga kita agad eh..

pero gumuho lahat ng pantasya ko, nakita kitang may kausap sa telepono, hindi ko man maintindihan, pero ako ay nasasaktan, nakangiti ka, tumatawa at namumula, jowa mo ba ang nasa kabilang linya?

simula noon, di na kita tinitignan, masakit oo pero kailangan kong labanan, tutal di pa naman confirmed ang feelings nating for one another, kaya for now i will say goodbye…

lumipas ang mga araw, hindi ka na rin dumadaan, siguro di ka na nagyoyosi, buti naman, nag move on na ako, di na ako umasa, buti na lang di natuloy, ang walang sawaang titigan, kasi naman, pare, pareho tayong may “kuwan”.

4 thoughts on “titigan…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s