ISHDATMI?

HUWAW!

noon
noon
ngayon
ngayon

pag gising ko kaninang umaga, medyo pupungas-pungas pa ako ng muta at nagpapahid ng panis na laway na ginagawa kong gel sa buhok, ng mapaharap ako sa salamin, may nakita akong tao “shet.. sino tong medyo payat na lalaking ito… PUTAKTE! AKO ITO AH!” YES! medyo pumapayat na ako, at nagkakaroon na ng korte katawan ko, compared before na bilugan talaga ako, maski ako nagugulat, although marami ng nagsasabi na pumayat na nga ako pero hindi pa rin ito yung ideal weight at size ko, gusto ko yung magkaroon ako ng kaunting muscle sa braso at tiyan.

hindi ko ginagawang magpapayat dahil gusto kong magyabang, kasi for how many months na, nahihirapan na yung system ko sa mga simpleng bagay na dapat kaya ko pa, tulad ng paglalakad, pag-akyat ng hagdanan, pagbuhat ng mga mabibigat na bagay. kaya nga napagdesisyunan ko na kailangan ko na ngang magpapayat, at as an added bonus, malay nyo at maging commercial model ako… ng sukang paumbong.. di naman masamang mangarap di ba…

sabi ko nga.. pagbalik ko ng pinas, dapat “yummy” na ako.. hindi na ako papayag na tawaging Mr. Sebo, Boy Taba, Tabachingching, Bilbil Boy, Super Pig, Boy Baboy, at kung ano-ano pang mga fat jokes, hindi na, ang gusto ko ng marinig ay.. WOW! ASTIG! MACHO! FAFA! ayos di ba… at syempre.. dadami na naman ang mga fafables na lalapit! ahahay!

kung paano ko nagawang magtrim down… 2 months na akong hindi nagkakanin, mahirap siya kasi ako yung tao na mahinang mag-ulam pero malakas magkanin, pero na surpass ko na yun, kapag nakain sa labas, as much as possible walang rice, kung may rice man, 1 cup lang and then binabagalan kong kumain.. effective siya..

push-ups, leg raise and crunches – dahil wala namang akong weights sa bahay, yung mga exercise na pwede mong gawin sa bahay ang ginagawa ko… simple lang naman at di na kailangang magbuhat buhat… pero minsan dumadalaw ako sa bahay nila Mars para magbuhat ng weights…

jogging – kasama ko si Jay-r mag jogging sa gabi, ang schedule dapat ay tuesdays and fridays at minsan sundays pero kung di talaga ma accomodate ng schedule, at least twice a week, sobrang sarap ng feeling ng pinagpapawisan ka, thanks Jay-r, madami kasi siyang inspirational words na lalo akong ginaganahang magpaganda ng katawan…

steamed chicken, fish and vegetables – alam kong walang lasa, pero lagyan nyo lang ng kaunting asin or toyo, pwede na.. at siguraduhin ninyong nguyain ninyong maigi hanggang maging lugaw sa bibig ninyo…

walking and biking – kapag pumapasok ako, nagbibike ako papuntang train station at pag baba ko naman ng train station, lakad naman ako hanggang office, siguro isang factor din ito kaya natagtag ang katawan ko, pero healthy siya, hindi ko pa ginagawa yung maglalakad ako sa hagdanan, saka na siguro yun.. ehehehehehe

nung unang buwan mahirap ang dinanas ko, laging sumasakit ulo ko at bugnutin lagi, pero ngayon ibang feeling ang nararamdaman ko, medyo mahina na akong kumain at nagbabago na ang metabolism ko sa katawan, sana nga magtuloy-tuloy, para masaya di ba?

6 thoughts on “ISHDATMI?

  1. uy galing mo naman! congrats ha, napaka inspiring ha. sana ako rin para next time naman na kamustahan ala pinoy eh sabihin sa kin payat ko at laging taba ko.😉

    ——-

    hi pokwang! naku.. kayang kaya mo yan.. basta ang sinasabi sa akin ng friend ko dito.. “motivate yourself” o di ba…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s