pasensya na po…

marahil napapansin niyo na madaming sablay na salita sa blog ko, oo na tanga na ako, bobo sa spelling, di marunong mag english, etc. etc. kaya humihingi po ako ng pasensya..

pasensya na po dahil eto lang po ang nakayanan ng isang kamay ko dahil naputol na po ang isang kamay ko dahil naputukan ng watusi…

pasensya na po kung mali-mali spelling ko kasi po wala po akong tiyagang magbuklat ng dictionary o silipin man lang online ang mga salitang ginagamit ko dito, basta type lang ako ng type (di po ako marunong gumamit ng dictionary)…

pasensya na po at kung may kwento akong di ninyo maintindihan dahil hindi ninyo kilala ang mga bida (baka magalit sila pag pinakilala ko sila)…

pasensya na po at kulang lang ako sa pansin, na kung saan nagmamakaawa ako para basahin ninyo itong blog kong ito (please naman o)…

pasensya na rin po kung masyadong mahalay at madaming bad words dito sa blog ko na minsan di ko na naiisip na maraming batang maaaring magbasa dito (sorry mga bata… gago kasi ako eh.. tangina naman oo)…

pasensya na po kung may kakulangan talaga ako sa katinuan kasi ilang beses na po akong naiumpog sa pader ng nanay at tatay ko (pramis)…

pasensya na po kung may nailathala man akong katulad ninyo sa totoong buhay, pramis, puro kathang isip lamang ang nandito o kaya kwento ng buhay ko o buhay ng mga kaibigan kong patapon na rin ang life (oo tulad ni…)…

ipagpaumanhin po ninyo kung ako ay nag papaumanhin, kasi nga po ang paumanhin ay makakatulong upang ang paumanhin ay maipaumanhin (paumanhin po)…

ipinapangako ko na hindi na po mauulit ang mga pagkakamali ko… buti na lang, promises are made to be broken… =)

3 thoughts on “pasensya na po…

  1. tuloy lang ang pagsulat, ang mahalaga may naibabahagi ka para sa iba. grammar wasent mattersss, he-he. It is your idyas that kawnt. Spiling, no problym, at least nagkakaintindihan tayo. For as long as you are tapat sa ginagawa mo, kasama mo dito ang langit.

  2. ah, dahil sa post mong ito na-realize ko na kaya ko binabasa ang mga blog na tulad ng iyo ay dahil paminsan-minsan nagsasawa na akong mag-ingles at natutuwa akong magbasa ng barubal na tagalog, profanities included. ay english na naman yun—este kasama ang mga mura at ekspresyong pang-kalye.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s