the heat is on.. anghit meron!

kagrabe ng init todits! pusang gala naman oo, gatulo na pawis mo, amoy baktol ka pa… buti na lang nasa bahay lang ako, kung hindi, naku! mahihimatay silang lahat!

feel na feel mo na nga ang summer dito sa japan, at kung bakit tuwing nag summer sa kanila, saka lang sila bumibili ng electric fan, siguro pag tapos ng summer season, itatapon na nila ang electric fan, bongga sila ha! ayy trivia lang, ang nihongo ng electric fan ay senpuuki, kaya nga legal sabihin dito na “gusto ko ng maraming senpuuki!” o kaya, “ang laki-laki ng senpuuki”, o di kaya naman ay “ang dumi naman ng senpuuki mo!”

pero sa tingin ko, mas maiinit pa rin sa pilipinas, kasi sa pinas, kahit bagong ligo ka, paglabas mo ng banyo, pinagpapawisan ka na. tapos kung galing kang loob ng mall, kahit naka aircon, pinagpapawisan ka pa rin. ako naman, laging basa ang kili-kili ko kahit naka deodorant ako, pero in fairness, wala akong tokpu sa pinas, not unless nagsuot ako ng hindi cotton na shirt or nakalimutan kong mag deo, anghit!

nakakatakot dito sa japan pag summer, kasi mainit di ba, tapos sa tren, siksikan, ay juice ko po! magpapalitan kayo ng baktol sa loob ng tren! 40 mins pa naman ang byahe ko kaya kawawa naman ako! huhuhu di na fresh paglabas ng tren. amoy ewan na ako!

grabe na to! o sya, dito muna ako, buksan ko lang ang aircon ko *sosyal ako!* ng magastos ko naman ang mga milyones ko! baboosh!

5 thoughts on “the heat is on.. anghit meron!

  1. hindi ko alam kung mababaw lang talaga ako, sadyang namromroblema, o walang magawa, pero tawa na naman ako ng tawa…..may nakakatawa kasi sa salitang baktol.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s