san ka na naman nagpunta??

saan nga ba? syempre day off ko ngayon sa aking hosto job dito sa japan kaya shopping kasama ang mga tropables.

una, kami muna ay nagsimba, syempre bawas muna ng kasalanan, bago gumawa ng panibago. after that kumain kami sa yoshinoya, medyo budget lang para hindi mabulilyaso ang mga bibilhin mamaya. then nagpunta kami ng PNB sa tokyo at nagbukas ako ng remittance account para sa mag-ina ko dahil iba na ang employer ko kaya ako na mismo ang nagreremit ng pera papunta sa pinas. ang masaya dun, na meet ko si Ms. Graziel… panalo ang beauty niya, maputi, balbon at mabait, yun nga lang di kami talo, parehong mahaba pilikmata namin pero in fairness, cute siya, sa susunod kukunin ko cell number para magpa assist ako sa mga ibang banking matters.. ehem…

then nag mcdo muna kami at nakakuha ng mga coupons, di ko nga lang alam kung free burger ba ito, o sinasabi niya lang na ang hamburger ay may birthday, yun ang nabasa ko ha.. di ko alam kung paano nangyari yun.. may birthday pala ang hamburger… weird.. ilang taon na kaya siya?

happy birthday burger!
happy birthday burger!

then nagpunta kaming akihabara kasi bibili ng camera si Mars, pero sa kasawiang palad hindi kami nakabili dahil medyo mahal at second-hand lang yung mura kaya namili na lang sila ng mga souvenir para maiuwi sa pinas. eto ang nakakatawa, may vendo machine doon, siguro swerte lang akong makahanap ng mga babasahing tulad nito…

ano daw?
ano daw?

bumili din ako ng dr. pepper, pramis first time kong matikman ito, lasa siyang cherryball…. masarap!

cherryball flavor..
cherryball flavor..

after naming magshopping, aba, madaming nagkalat na mga kababaihan sa plaza ng akihabara at syempre yung iba may bayad pag nagpicture, yung iba, LIBRE! pero eto yung bago kong crush kasi super ganda niya! nakakainlove! yahoo!!

ang ganda! i love you na!
ang ganda! i love you na!
yung nasa kanan!
yung nasa kanan!

natapos kami ng bandang 8pm, tapos kain muna kami sa mamihan.. pramis ang sarap! ang diet ko!!

ichiroku!
ichiroku!

at kauuwi ko lang at syempre blog agad.. hope you enjoy.. i know i did.. bwehehehehehe

4 thoughts on “san ka na naman nagpunta??

  1. parang tuwang -tuwa ka pa rin sa ginagawa mong paglabas-labas. gaano katagal ka na ba sa Japan?….punta ka po sa blog ko ha?as in now na?

  2. aliw naman yan, next time post mo naman yung mga japanese girls na ala sailormoon ang dating. alam mo ba yon? kasi kita ko lang dito sa german tv aliw. eh kahit na nga mga aleman, ginagaya sila.

    tama ka aliwim mo na lang sarili mo. para masaya di ba? ang malungkot, talo!

    curious ako dyan sa hamburger ha, ano ba yan baka may libre, sayang rin. alamin mo naman.

    ——————–

    oo ba.. pag nagpunta ako sa akihabara.. hanap ako ng girls na naka costume.. sa october siguradong meron.. pramis post ko agad… ikaw pokwang ano ginagawa mong pag-aaliw jan sa alemanya?

    yung hamburger… sana nga libre… feeling ko nga libre siya… pero sisilipin ko sa mcdo.. hihihi

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s