minsan…

may nakikita ba kayo?
may nakikita ba kayo?

nung medyo bata-bata pa ako, mga college ata yun, naaddict ako sa PC game na “ULTIMA 8”. ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko siya, kahit naghihikahos noon ang pc namin kasi 486 pa yata siya o pentium 1 na di ko na matandaan. ang laro kasi ay tungkol kay Avatar.. at ang first words na narinig ko sa larong iyon ay.. “You have been a thorn in my sight, for far too long Avatar.” iyan yung makatindig balahibong opening remarks ni.. ano bang pangalan nung kulapung iyon, ah basta yan na yun…

naliligaw ata ako...
naliligaw ata ako...

pauwi ako galing school, ng hinarang ako ng mga kababata ko, si Onse, dahil labing isa daliri niya at mahilig siyang mang-onse (indyan), at si Panot, dahil napapanot na siya, yun lang yun…

si ombey, ako, si lonlon at si japs, wala si onse eh...
si ombey, ako, si lonlon at si japs, wala si onse eh...

“Potpot, sali ka sa amin, laro tayo ng Magic the Gathering, masaya to!” sabi ni Panot.

“Ano ba yan, para bang Ultima 8 yan?” tanong ko.

“Oo parang Ultimate yan!” sabi ni Onse.

“Gago, Ultima 8!” sagot ko.

“Yun nga yun!” hirit ni Onse.

sino na titira?
sino na titira?

Binentahan nila ako ng deck, blue deck counter, ako naman si tongek, pumayag naman sa kanila, yun pala kinuwartahan lang pala ako, pero pasalamat ako dahil naging curious ako sa paglalaro ng MTG, at kahit papaano, nakabonding ko ang mga mokong kong pinsan at kababata. hanggang ngayon buo pa rin ang deck na ginawa ko, black winnie, ang maipagmamalaki ko sa deck ko, hindi naman siya kamahalan, pero napatumba ko ang isang mayamang chinoy sa greenhills dahil naglabas siya ng 3 deck na puro mamahalin ang laman at kinarne lang siya ng deck ko.. panis sya! that was my glory day!

my fafa sengir...
my fafa sengir...

Halos gabi-gabi kaming naglalaro, sa likod bahay nila Lonlon ang tambayan kasi para siyang veranda sa tabi ng malaking estero. ang laging pagkain namin, either chippy, kropek, indo chips, o kung ano mang available na chichiriya sa tindahan ni lola, tapos isang litro na coke kung saan hati hati kami sa pagtagay (pasahan ng laway).

yung isa jan si tonton, bale cousin in law ko siya..
yung isa jan si tonton, bale cousin in law ko siya..

minsan naman may jam session kami, naglalabas lang ng gitara at nagkukwentuhan ng kabastusan at katarantaduhan sa buhay. dito ako natutong uminom ng alak. late bloomer kasi ako pagdating sa inuman, hindi talaga ako nainom noon kasi nga mapait ang beer at ayoko ng lasa ng hard, pero dahil nga masaya ang kulitan, natuto akong maging hayok sa alak… ang pulutan nga namin noon century tuna with sky flakes.. panalo! o kaya corned beef.. pwede na! straight from the can ha…

masaya ang mga panahon na yun kasi dun ko nakilala ang dalawa ko pang pinsang baliw, si Ombey at si Lonlon, lahat kasi ng trippings sa buhay kaya nilang sakyan at sa puntong ito na magkakalayo kami, miss ko silang lahat, kasi sa kanila lang ako nakaranas ng freedom, freedom as in worry free, taking life one step at a time, not being uptight and just being yourself…

si Onse ang alam ko magbabahrain…

si Panot nasa States na…

si Ombey graduate na ng Architecture…

si Lonlon naman sa barko nagtatrabaho…

ako naman, nadito sa japan bilang hosto engineer…

peek a boo
peek a boo

malayo na narating namin, pero minsan di ko pa rin sila makalimutan dahil minsan sa buhay ko.. kayo ang kasangga ko… *apir*

38 thoughts on “minsan…

  1. ahhh, di ba pag sa babae, japayuki, sa lalake, hosto… pero ang sabi nila, galing daw iyon sa salitang “HOST” di ba.. sa babae naman “HOSTESS” parang ganyan…

  2. asus, madami ka pa palang di alam ng salitang kalye, iba na talaga ang lumaking spokening dollar.. kung may katanungan ka tungkol sa mga salitang kanto, don’t hesitate to ask.. madami tayo niyan… may tanong ako, ilan ang estudyante mo sa isang araw?

  3. 23. At halos lahat ay beginner. Mabenta ako sa mga bata ngayon kaya hindi na ako binibigyan ng advanced students. And pinakabata ay 5 years old. Ang pinakamatanda ay 45 years old na ang level ay pang-5-years old.

  4. ahhh grabe pala… dami mo na ring students, pero ano yan one on one sa phone? or naka video conference kayo? tapos ilang hours sa isang araw ang lessons? tapos hanggang 12 siya ng gabi?

  5. phone lang sa kanila, ako naman ay naka VOIP. 10, 20 or 30 minutes lang ang klase. hanggang 11pm phil.time,12am korean time.

  6. nagsisimula ang mga estudyante na minsan ay zero english at kailangan marunong ang teacher ng konting korean. kala mo saglit lang yun ang tagal kayang matapos nun lalo na pag ang hirap ng estudyante…..

  7. ehehehe kaya mo yan.. kaw pa.. supergirl… baka di matuloy ang chikahan natin mamayang gabi, may inuman dito sa office at “required” akong umattend para daw mahasa ako sa nihonggo.. huhuhu dudugo na naman utak ko nito dahil hindi ko sila maiintindihan… eh di habang gumagawa ka ng blog, may kausap kang student? ikaw ba tumatawag sa kanila o sila tumatawag sa iyo?

  8. ehehehe kaya mo yan.. kaw pa.. supergirl… baka di matuloy ang chikahan natin mamayang gabi, may inuman dito sa office at “required” akong umattend para daw mahasa ako sa nihonggo.. huhuhu dudugo na naman utak ko nito dahil hindi ko sila maiintindihan… eh di habang gumagawa ka ng blog, may kausap kang student? ikaw ba tumatawag sa kanila o sila tumatawag sa iyo jan?

  9. ahh oo pag nasa office ako, hindi ako naglologin sa wordpress kasi bawal nga magpunta sa mga mga log in password na site mahuhuli ako.. hihihi kaya pag nasa bahay ako dun lang lalabas avatar ko… yung tanong ko kanina.. sila tumatawag sa iyo o ikaw tumatawag sa kanila…

  10. ahh oo pag nasa office ako, hindi ako naglologin sa wordpress kasi bawal nga magpunta sa mga may log in password na site mahuhuli ako.. hihihi kaya pag nasa bahay ako dun lang lalabas avatar ko… yung tanong ko kanina.. sila tumatawag sa iyo o ikaw tumatawag sa kanila…

  11. ayan pala ang tutorial ng trabaho mo.. ehehehehe, sensya na di ko pa nababasa lahat ng post mo… hayaan mo uunti-untiin ko yan… uyy baka mamaya di na ako umabot sa chikahan natin, gabi na kasi ako uuwi, may inuman kasi dito at required akong umattend…

  12. sure walang problema….di mo naman kailangan basahin lahat…..ang habaaaa ko pa naman magsulat minsan. o siya wag masyadong magpapakalasing at kalagitnaan pa lang ng week

  13. kaya nga eh, kakaiba ang mga hapon, hindi na lang ginawang friday.. para drink all you can.. pambihira oo… ganito talaga sa culture nila, kalagitnaan ng linggo sila nainom.. thanks thanks! kahit mahaba mga post mo nakakaaliw basahin.. nahahasa ako sa english.. nakana! o siya.. ingats na lang mamaya kung di tayo magkakaabutan.. baboosh!

  14. i remember hooked din ako sa magic cards nung kabataan ko. umaabot pa kmi sa likod ng ever recto para makitrade…gusto kong mag pa tattoo ng Worship-enchantment “Believe in the ideal, not the idol.” —Serra, at tska fallen angel-“One broken date and you’re one broken man!”,torn ako sa 2. ang ganda ganda kse..powerful deck!!kaya lng nung nag baha sa dorm namin sa p.campa. nabasa ung ibang cards konti lng na save… kasama c mini-jesters hat:)

  15. i remember hooked din ako sa magic cards nung kabataan ko. umaabot pa kmi sa likod ng ever recto para makitrade…gusto kong mag pa tattoo ng Worship-enchantment “Believe in the ideal, not the idol.” —Serra, at tska fallen angel-”One broken date and you’re one broken man!”,torn ako sa 2. ang ganda ganda kse..powerful deck!!kaya lng nung nag baha sa dorm namin sa p.campa. nabasa ung ibang cards konti lng na save… kasama c mini-jesters hat🙂

  16. ayyy sayang lush… pero grabe nga yang magic cards na yan… ka-adik! ang trip ko yung mga illustrations ni richard kane ferguson… ewan ko ba.. naaastigan lang ako…

  17. i second that…kaka adik tlga. ung kamay ko parang laging galing sa pag boto, kse ung ibang player ang lilinis ng card nila! hahaha.gusto ko rin artwork ni RKF – after ice age, pero di ko na nasundan eh. sarap din mag collect Weatherlight, (hay mamumulubi ako:) nasa wishlist ko rin ung black lotus (black border), kse mejo purple/pink ung kulay eh:)… sana me mag donate noh!:)

  18. wow black lotus… ehehehehe ginto yan no… ang experience ko naman sa mga kalaban ko, yung mga deck nila naka ultra pro na hard case… eh ako ordinaryong plastik lang.. tapos kapag ginagalaw nila yung cards nila, pinatutunog nila yung plastik.. ehehehe music to my ears… may deck ka pa bang naitabi?

  19. nag tagal ako nun sa White Weenie Deck, simple lang at straight forward, di naman kse ako masyadong magaling eh. konting konti nalang naiwan sakin, Angelic Page, Armageddon (love ko toh), White Knight (crush ko), Kirtar’s Desire, Dedicated Martyr. binubuild ko sana nun Permission Deck, hahahahaha, para nakakainis, kaya lng mejo mahal eh….pero pag me chance gusto kong mag build ng angel deck- for collection lng…

  20. wow angel deck.. ok yan… ako naman black winnie deck.. ginawa ko lang yun pang asar lang kasi lagi akong talo sa lahat ng malalakas na deck ko, aba akalain mong mga vampire bats ko kumukurot ng unti-unti.. then nung medyo nagkabudget, nilagyan ko ng black knight (crush ko din sya!) at si papa sengir… then nagagawa ko na yung first turn sengir cast.. asar na asar mga kalaban ko.. ehehehe serra angel meron ka din?

  21. opo!!meron akong serra angel!!(ako un!!panagarap ko tlga sa next life ko ako un!), The “classic” heavy white flyer from Alpha to Ninth, Serra Angel is an amazing card for its mana cost. Born with wings of light and a sword of faith, this heavenly incarnation embodies both fury and purity. Serra Angel is my favorite card without a doubt. The foil just adds to her beauty. This card destroys your opponents and is still there to block. Plus she’s a fier. ‘attacking untapped’ made it a real angel… Her sword sings more beautifully than any choir…sweet, simple and effective–no strings, no loopholes, no combinations, just tap 5 and BOOM!Rock on, Serra Angel. You’ve won me many games in the past, and you will win me more in the future.
    yan ang mga ginagamit ko sa project ko sa effective speech!pag topic ung mga most treasured Possession!!hahahaha, walang nkakarelate!umay ung mga blockmyts ko na sosyal and kikay girls,prang gustong mag walk out pag ako na ang ng rerecite:)

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s