iñigo sebastian…

July 18, 2004… napaka espesyal ng araw na ito para sa akin, eto yung isa sa mga petsang dapat kong tandaan hanggang mamatay ako dahil kaarawan ito ng pinakamamahal kong anak, si Inggo…

gwapo!
gwapo!

Di ko alam ang unang reaksyon ko nung una kitang nakita, nakabalot ka na parang turon at iniisip ko, “hindi ko kamukha ah, matangos ang ilong eh” pero nawala ang agam-agam ko ng makumpirma ko ngang akin ka, paano ko nalaman, aba.. malaki kasi ang *TOOOOOOOOOOOOOT*.

utang na loob!
utang na loob!

di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, syempre yung mommy mo bangag pa sa droga kaya wala pa siya sa tamang katinuan, pero ako nung nasilip na kita anak, alam ko, pasaway ka.

ayos ba tayo jan?
ayos ba tayo jan?

medyo payat ka, inisip ko na baka sakitin kang batang, pero hindi naman pala, kasi nung sanggol din pala ako, ganyan din ako kapayat, parang dugyot. tapos pinagtatalunan namin kung sino ang kamukha mo, syempre kanino pa ba.. sa AKIN!

wag kayong maingay, tulog yung ungoy kong tatay!
wag kayong maingay, tulog yung ungoy kong tatay!

tignan mo, para tayong pinagbiyak na bunga…

pwede!
pwede!

kaya anak, siguro pag magaling ka ng magbasa at nabasa mo itong blog ko, sana hindi mo ako murahin. mahal na mahal kita anak, lahat gagawin ko para sa inyo ng mommy mo, kaya nga ako nagsasacrifice dito sa ibang bansa kasi gusto kong maibigay sa inyo ang magandang buhay… tiyaga lang anak, pag nakaipon tayo, hindi na ako aalis sa piling ninyo ng mommy mo, jan na ako sa pinas mag nenegosyo at magkakasama tayo palagi…

tabachingching!
tabachingching!

pagaling ka sa sakit mo anak, mahirap yan kapag nagtuloy tuloy, sayang naman ang kagwapuhan mo tapos may TB ka.. di ba, maging health concious…

smile!
smile!

pero anak, payo ko lang sa iyo, mag GF ka ng mayaman, maganda at sexy, gamitin mo ang iyong charm, nabalitaan ko nga sa mommy mo na pati teacher mo hinahalikan ka, di ba, bukod tanging ikaw lang daw sa klase ninyo ang hinahalikan ng teacher, 20 kayo, iba na talaga ang nagmana sa tatay… yun nga lang ako lang yung pinapatayo sa klase at hindi ako hinahalikan…

pasok langaw dali!
pasok langaw dali!

anak, wag mong pabayaan ang pag-aaral mo ha, importante pa rin ang edukasyon, wag kang mag-alala, ikaw pipili ng kurso mo, di kami mangingialam ng mommy mo, basta gusto ko makatapos ka, para din naman sa iyo ang gagawin mong pag-aaral… kahit gusto mo maging hairstylist… nasa iyo ang desisyon…

hoi!
hoi!

anak, ayokong magkabisyo ka ng droga at yosi, kung iinom ka naman, sa bahay mo na lang gawin, isama mo na mga tropa mo, gusto ninyo kasama pa akong makikipag-inuman, sagot ko pa pulutan… ayoko kasing uuwi kang lasing o banggag, baka kung ano mangyari sa iyo, at least sa bahay, tulog ka na lang ng diretso… no problem.. di ka na gugulong sa kalsada dahil senglot ka…

good morning!
good morning!

hayaan mo anak, hindi ako magiging KJ na tatay, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo sa buhay, basta ilalaydown ko lang kung anong ayaw ko, tapos wag ka lang papahuli sa akin na ginagawa mo yun, kilala mo naman ako anak, pagnagalit ako… halimbawa, nahuli kitang nagyoyosi, bibili ako ng isang rim ng sigarilyo, at sabay sabay kong ipapasak sa bibig mo para hithitin ang yosi.. o di ba ang saya…

cute!
cute!

saka anak, ayokong magpa tatoo ka, wag mong sayangin ang pagiging kutis b@y@g mo, maitim na mapula.. sayang naman di ba… hayaan mo ng mga rakista at pangkista gumawa nun, basta ikaw, maging malinis ka sa katawan…

hi dad!
hi dad!

anak, alam kong nagmana ka sa akin na pinagpapawisan yang ulo mo pagnatutulog at nagiiwan ng mapa sa bedsheet at kama, ok lang yan, mahal ka pa rin namin ng mommy mo…

gloria resign!
gloria resign!

mahal na mahal kita anak, Happy Birthday… i miss you! tara! inuman na! yahoo!

bukow!
bukow!

12 thoughts on “iñigo sebastian…

  1. nice post from a dad.. ano po magiging reaction mo pag nabasa na to ng son mo tas sasabihin nya, ang arte mo dad! lols!

  2. pogi, pogi naman nya at charming siya ha🙂 tingin ko lang sa pictures niya eh mukhang bibo at makulit😉
    alam mo tama ka don sa inuman sa bahay kasi talagang mas ok yon ganyan rin kami nung high school, pag tapos inuman, tulugan na lang. suportado rin kami ng mga magulang sa barkada. kesa nga naman kakalat kalat sa kalye. pero kahit isa sa min walang naging lasenggero. natapos ng maayos at magaganda lahat trabaho.

  3. ay grabe ang cute ibang klase!
    nakakatuwa naman ka naman, pag laki ng anak mo matutuwa yun pag nakita niya tong post at nabalikan.

  4. isang natatanging ama ka pare! hahaha. happy birthday kay inaanak. babawi ang ninong pagbalik ulit sa bakasyon ko. sa 2020! kung gusto ng inaanak ng babae may natitira pa naman akong kontaks sa pinas. sabihin mo lang pre ako na bahala. alam mo naman ang taste ko. hehehe

    -jhums

  5. Hi Potpot, Happy Father’s Day! Talaga naman…. I was bracing myself for another “kwentong barbero” post, then you post something like this! That’s more I like it … nakakatouch😉 Little Inggo is very lucky to have a father who loves him very very much!

    Siyangapala … pinipilahan din ba ang Wii diyan sa Japan? Just out of curiosity, becos I never make pila for anything … but for the Wii I HAVE TO!! LOL

  6. hi Lyssa! thanks at nagustuhan mo yung post ko.. yung wii, hindi pinipilahan dito, available naman siya, saka di pa rin nagbabago presyo niya.. bakit nagkakagulo ng wii jan? bagsak presyo ba?

  7. “Bagsak presyo” … I wish! No, it is sold for the normal retail price of $270 (including tax) ewan ko kung magkano sa yen yun. Like I said, pinipilahan yun sa mga tindahan, and within minutes of the store opening ubos na! Pwede ka rin namang makipagsapalaran sa eBay or Amazon… pero tiyak at least 200% ang taga and/or bundled pa siya sa kung anong accessory o game na hindi mo naman kailangan o gusto.. tulad nito: http://www.walmart.com/catalog/product.do?product_id=10181632

    nyak hehehe. Kundi lang ako empleyado ng Wal-Mart at may 10% discount — di ko papatulan yan! Pwede kaya sa Pinas ang Wii na bili sa Japan ? Let’s talk bago ka umuwi *winkwink*

  8. pwede naman ang wii sa pinas, yun nga lang japanese wii binili mo, japanese games lang ang pwede… ang PS3 lang yata ang alam kong pwedeng japanese console, then us games…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s