hanggang sa muli…

“tara pare, magkape tayo…” Mars…


“ako na naman pinag-uusapan ninyo..” Rye…


“umayos ka ha!” Jane…

yan ang namimiss ko ng umalis ng 3 kong kaibigan. bumalik na sila sa pinas, sa mga kadahilanang hindi ko alam, pero nalagasan na naman ako ng kakulitan sa araw-araw na hamon ng buhay..

Mars – thank you pare, sa unang kilala pa lang natin, hindi ko akalain na magiging ka close kita.. kasi medyo mahangin ang dating mo sa akin, pero mali ako.. di ka pala mahangin, ganyan ka na talaga… kidding aside, isa ka sa mga naging tunay kong kaibigan kasi hindi ka natatakot na sabihin na ayaw mo sa isang bagay o sa isang tao, at ikaw din nagturo sa akin ng salitang “default” na ang ibig sabihin ay “hindi ko alam” or “hindi ako sure”. bibihirang makatagpo ng tulad mo, at kahit minsan, naiinis ako sa iyo dahil mas malandi ka pa sa akin, hindi maalis sa akin na bumilib ako sa katangian mong maprinsipyo at down-to-earth.. congratulations on passing the JAVA certification exam, alam ko namang magsusucceed ka sa future.. ikaw pa dude.. dito lang ako, sana pagdating ng panahon, magkita tayong muli.. ingats dude.. mahal kita! ahahay!

Rye – thank you din pare, sa lahat ng mga naging kaibigan ko, ikaw ang kakaiba, saan ka nakakitang taong nabubulol na sa nihonggo pero nakarating sa japan… pinahanga mo ako sa determinasyon mo pre… payong kaibigan lang, pagbalik mo ng pinas, idikit mo lagi ang cellfone mo sa katawan mo, wag mong isipin na walang tatawag sa iyo, malay mo, tawagan kita para mangumusta.. di ba… tanggalin din ang pagiging negative sa mga bagay-bagay, tandaan mo, nandito kaming mga kaibigan mo, kung tinuturing mo nga kaming mga kaibigan… at pare, sa bandang huli, alam ko magkikita at magkikita tayo… wag mo kong isnabin ha.. kilala kita… love you pre! ahahay!

Jane – anak, alam ko namang ayaw mo na dito sa japan, pero kung kailan may nahanap kang mga katapat mo, saka ka pa lilisan. bata ka pa.. madami ka pang magagawa sa buhay mo, i-continue mo ang plano mo sa buhay at i-focus ang energy sa masasayang mga bagay. kahit maliit ka, mataas ang pagtingin ko sa iyo, malawak ang pag-unawa mo sa mga bagay at marunong kumilatis ng tama at mali. maging totoo sa sarili at wag padadaig sa tukso, ikaw nagsabi sa akin niyan, kaya gagawin ko yun, anak. maliit lang ang pilipinas, at kahit maliit ka din, magkikita at magkikita tayo… wag mo akong kalilimutan kasi hindi kita malilimutan… ikaw ang naging sandalan ko kahit alam kong nabibigatan ka sa akin… love you jane.. pakabait ka jan sa pinas ha…

mahirap talagang magpaalam sa mga kaibigan… sinabi ko nga dati na iniaalay ko ang kantang minsan ng eraserheads…. “dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan…” pero ayoko ng minsan, gusto ko pangmatagalan, ang hirap…

ano ba yan.. parang eto na yung huling pagkikita at pag-uusap, pero sa totoo lang, mababawasan kami dito, wala na yung kulitan with jay-r and mars, yung mga moments ni rye, yung tantrums ni liit.. pero kahit ganun pa man, pagbalik ng pinas, sana magkaroon tayo ng mini reunion, wala lang, mag-aasaran lang…

ingat kayo lagi.. tandaan ninyo, mahal na mahal ko kayo.. *hikbi*

3 thoughts on “hanggang sa muli…

  1. nakakaiyak naman ang post mo.😦
    nga pala, salamat sa pagbati sa akin ng hapi bortdey!
    hhhmmm, pakiboto naman po ako sa idol blog..
    may link sa blog ko about dun..
    thank you!

  2. ayun, senti ka rin pala minsan. natatawa lang ako sa love you pre.hehehe.astig na sana e. salamat nga po pala sa pagbati sa bday ko.😉

    ayy wala pong anuman! salamat sa pagbisita.. pare.. hihihi

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s