welcome party… (R-18)

kakaiba talaga ang mga hapon pagdating sa mga welcome party, dalawa kasi kaming pinoy na inabsorb ng kumpanya at bilang pugay nagpawelcome party sila… eto lang ang napuna ako…

1. pwede namang gawing biyernes ang welcome party pero nagtataka ako kung bakit lunes ang pinili nilang araw at pinipilit akong uminom ng madami… hello may pasok kinabukasan…

2. 2 months na akong empleyado nila pero ngayon pa lang sila magpapawelcome party, siguro busy sila…

3. di na nagsawa sa pulutang hilaw ang mga hapon, bibihira akong makakain ng fried foods na bagay sa beer dito sa japan…

4. at eto ang pinaka huli.. lahat ng masarap sa akin, hindi sila nasasarapan… lahat naman ng pagakaing ayaw ko eh trip na trip nila… mga hindot…

ganado ako kahapon kumain ng mga sashimi.. kasi paborito ko naman talaga ang mga ito… pero may pinatikim sa akin na talagang umikot ang tiyan ko…

nakalimutan ko ang tawag sa kanya, pero “suso” or “snail” ang pinakain nila..

the way na niluto ito ay tinanggal ang suso sa shell niya tapos parang binarbeque na walang marinade, then binalik sa shell then nilagayan ng toyo…

sa pinas naman kumakain ako ng suso, pero grabe ang lasa nito…

hitsura pa lang, nasira na appetite ko, paano kasi mukha siyang etits.. pramis… nung mga oras na yun, feeling ko natuluyan akong maging bading, sa pagsubo pa lang at pagkagat nung suso..
parang naramdaman ko na susuka ako…

pero kailangan tikas pa rin ako, nakakahiya sa mga bossing… pakitang gilas ako at kinagat ko ang suso.. aba’y lintik.. ANG TIGAS!

para akong kumakain ng goma ng goodyear sa tigas.. pero habang kinakagat ko, nagpapalakpakan ang mga hindorotot.. syempre tuloy kain lang..

ng magawa kong manguya siya ng 1000 beses, saka ko siya nilunok.. sabay hugas ng beer para mawala ang mapaklang lasa na hindi ko madescribe kung gaano kasama… hindi lang yun… yung sabaw na toyo.. kailangan palang inumin yun.. eh di ako naman si bayani, sinubukan ko uli.. muntik na naman akong maduwal.. bwisit na.. para akong umiinom sa alulod na kung saan kaka ebs lang ng pusa…

tiniis ko yung pait at sama ng lasa para lang matapos ang gabi… ang badtrip lang.. wala na kaong gana at gusto ko ng umuwi.. saka lang dumating yung mga fried foods na dapat unang sinerve.. SHET!

7 thoughts on “welcome party… (R-18)

  1. para akong umiinom sa allod kung saan kaka ebs lang ng pusa……………..hahaha yun ang pinakanakakatawa sa lahat hahahaha

  2. hahahah..:) natawa naman ako don, bakit naman huli yung fried foods oo!!! naalala ko tuloy dito nung bago pa lang ako biktima rin ako ng ganyan. pano kala ko yung tinapay- toast na may icing.. yun pla toast na may mantika/taba ng gansa!!!! as in super kapal na mantika mukhang icing! di pa naman ako kumakain ng gansa, at ng taba pa niya.. yikes!!! pero lunon na lang nga ng walang nguyaan

  3. para akong umiinom sa alulod na kung saan kaka ebs lang ng pusa…

    wahahahahaha. eto nga ang pinakamalupet.

    sinabi mo pa… hihihi

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s