train train go away…

kahapon, pauwi ako galing trabaho at nakapwesto ako sa may bandang pinto ng tren, siguro di ko napansin na may nangyayaring away na pala sa bandang gilid ng tren, siguro nagkatulakan kasi siksikan… nung labasan… yung babae napatapak sa paa ko… syempre masakit kasi nakatakong siya.. so dedma lang ako… iyun pala, natulak siya ng isa pang babae… ang ginawa nung babaeng nakatapak sa akin, hinila niya yung likod ng blouse nung babaeng nanulak sa kanya, at napaatras si babaeng nanulak, natapakan naman niya ang babang nakatapak sa akin at kulang na lang maghilahan at magtulakan sila… kala ko makakapanood ako ng womens wrestling sa loob ng tren o kaya cat fight na maghuhubaran.. hindi pala… simpleng tulakan lang pala sa kanila yun… SAYANG!

nagtataka ako sa mga hapon, hindi nila hilig ang basketball pero mahuhusay silang bumalya ng tao… daig pa nga nila si jaworski kung manulak at mambalya. sa laki kong ito, medyo mahirap akong matulak pero ang nakakabilib sa kanila, mga tanders na, ang lalakas pa rin. kanina kasi nakatayo lang ako sa tren, eh may umalis sa harap ko, so automatic, ako ang pupwesto, yun ang rule dito sa japan, akalain mo, daig pa si flash na nag swoosh sa harapan ko na parang hindi ako nakita, ok lang sana na siya na ang pumwesto eh ang kaso natulak na ako, tinignan pa ako ng masama… WTF?!?!? naku, pasalamat siya ayokong makipag away ngayon, it is a friday and gusto kong relax ang araw ko ngayon… so dedma lang ako na kunwari di ko siya nakita… pero sa loob-loob ko gusto ko siyang tuhugin ng payong sa pwet para madala! shet!

isa pa, may nakatabi akong lalake na naka complete business man attire with matching briefcase on the side hahanga na sana ako kasi matikas ang tindig niya, at mukhang may looks, kaso nga lang, may napansin ako, nung una akala ko balakubak, siguro di lang nakapag banlaw ng buhok maiigi, iyun pala, galing sa mukha niya, nagbabalat yung face niya! sabi ko, nasobrahan yata ng astringent at kitang kita mo ang mga flakes na nagbabagsakan sa mukha niya, so ok na dapat, aba nung nakita ko ang skin niya, daig pa yung ginalis na aso…. hindi sa nanglalait ako ng tao pero sobrang grabe ang skin infections… hindi siya magpatingin, ang alam ko, dentista ang mahal dito hindi doktor… and to make matters worst… napa hatsing ang mokong… EKSAKTO SA AKIN! alam mo yung slow motion na parang nagliliparan yung laway niya with matching virus… at yung mukha ko na parang sumisigaw ng NOOOOOOOOOO!! feel na feel ko ang morning shower kanina… hindi kasi marunong magtakip ng bibig ang mga hapon, at take note.. hindi siya nag excuse at di siya nag sorry.. ANG SAYA!

sa tren din maraming mga manyakis, akala ko, may pagka conservative sila, hindi pala… talagang harap-harapan ang pambabastos nila sa mga babae… una.. ang pagbabasa ng pornography sa tren ay pwede! pangalawa… kapag siksikan… madaming kamay at siko ang dumadapo sa hindi dapat dapuan…. at pangatlo… dito lang ako nakakita ng himasan na walang halong kahihiyan…. siguro mga exibitionist…. hmmm.. i wonder…

nakakalungkot isipin na sa isang banda, may dark side din ang mga hapon, nasanay kasi ako na napakagalang nila pagdating sa office pero pagdating sa tren, saksakan ng bastos…. yun lang.. tapos na po.. 🙂

9 thoughts on “train train go away…

  1. ayos, mas malala pa la ang kabulastugan sa tren diyan, pero marami din niyan dito. sa korea din, hindi sila nageexcuse me o nagsosorry. and dahilan ay sa napakaraming tao, at kung mageexcuse me ka at magsosorry sa lahat ng nababangga mo, eh non-stop na ang bibig mo sa pagsasalita dahil sobrang crowded everywhere.

  2. ok naman pala mga byahe mo sa train, at least exciting at daming mga events.. para ka na ring nanonood ng telenovela🙂 or minsan mero rated R pa.. pero akala ko nga rin eh may cat fight pero la pala.

    siguro nga kaya bastos sila sa train eh kasi naman di naman nila kilala ang mga tao don.

  3. hindi pala hiwalay ang car ng mga lalaki at babae dyan. Pero sabi mo nga, lantaran ang PDA dyan so hindi na siguro kailangan yon. Baka i-boycott pa ng mga hapon ang train hahaha!!!

    ayy sinabi mo pa sister! ehehehehe

  4. honestly,khit inaantok n ko sinipag akong bsahin to.anyway,nkakarelate nman ako dhil s arw arw n ginwa ng dyos lgi ako sumsakay s lrt dto.kung dyan uso bastusan dto uso nakawan.bhira yng mga manyakan pro mas madalas tlga nakawan s loob ng train dto.hndi pla hiwaly babae at lalaki kya mas masaya sila!hahahahahaha mas mgnda sguro hbang nkikinig k ng music try mung mghanp p ng mas mgndng gignwa nla s loob ng train😀

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s