sons of beaches…

kahapon, nagcelebrate kami ng farewell outing para kay xavier dahil pupunta na siyang nagoya, at dahil summer, napagplanuhan na magpunta ng BEACH…

pero bago muna kami nagpunta ng beach, nagpunta munta kami ng “DAIBUTSU”, di ko lang matandaan kung tama spelling ko, dito kasi matatagpuan yung malaking buddha na nakasimangot at ang kanyang tsinelas na buti naman at hindi spartan ang ginamit niya noon…

isang napakalaking BUDDHA!
isang napakalaking BUDDHA!
sponsored by nike...
sponsored by nike...

pagkatapos naming magvisit kay Mr. Buds… kumain muna kami.. nagutom kasi kami eh.. may kinainan kaming restaurant na ubod ng bagal magservice… di ko lang alam kung puro tandercats lang yung mga nagsisilbi pero infairness… ma-vetsin ang pagkain.. namiss ko pagkain sa pinas..

so eto na, ang pinakahihintay ninyo, ang pagpunta sa beach, describe ko lang ang feeling ko nung nakatapak kami sa public beach.. hindi mabato ang mga buhangin, medyo madaming “kati” sa dagat at sobrang alat, pero masarap yung waves, malamig ang water at syempre.. madaming naka BIKINI!

huwaw!
huwaw!
si ate humaharang, kinukunan namin yung beach..
si ate humaharang, kinukunan namin yung beach..
tampisaw..
tampisaw..

after naming magbabad, nagbreak muna kami at tumingin sa paligid ng beach, nakita namin na merong basketball shoot out, yun pala, 40th anniversary ng shonnen jump, eto yung weekly publication ng mga anime dito sa japan, tulad ng dragonball z, naruto, bleach, gintama, one piece at kung ano-ano pa.. nabigyan kami ng slamdunk cards dahil nakashoot kami sa basket…

are you one of us?
are you one of us?

medyo naglalagkit kami kasi nga yung hangin medyo humid, so nagshower muna kami bago uli lumusong sa dagat… masarap yung tubig sa shower, para kaming mga batang naliligo sa ulan..

isara mo bibig mo pot.. papasukan ng bangaw yan..
isara mo bibig mo pot.. papasukan ng bangaw yan..

natapos ang araw namin na lahat kami ay napagod kahit sandali lang, in fairness, di kami gaanong nangitim dahil yung araw ay di gaanong mainit bandang 4 ng hapon.. bilang pahabol, napakasarap mag tampisaw sa dagat, sana nga lang nasa boracay kami o pwerto galera kasi daw mas malinis ang tubig doon.. pero ok lang.. at least dito hindi halatang umiihi ka sa dagat, baka pag sa clear water ka mag weewee, makita agad…

the ba gang... (formerly sini gang)
the ba gang... (formerly sini gang)

22 thoughts on “sons of beaches…

  1. genki desu lush-san!

    naku tigilan na nga ang nihongo.. nosebleed ako.. beachy ba.. mainit kasi dito eh…. thanks!

    gmacomics – ayos ba pre… sayang di ko shot yan. busy akong naliligo at nagtatampisaw sa dagat.. ehehehehe

  2. oo pre panalong panalo!! hahaha. kung sa akin yan tinadtad ko ng shoot yan! hahahaha. ayus yan pre beach outing. dito alang kwenta mga beach.

  3. -anata wa joutou shashinsi desu!!!-

    galing!!!:):):)ikaw ba o ung nikon mo!hahahaha

    ako rin marunong nang mag attach ng pics, kaya lng syempre basura un compare sa quality ng mga pics mo!!pro na pro!:)

  4. hahaha. astig yan pre. kelan magaganap yang bora na yan? di pa nga ako nakapunta dun eh. sana matuloy! astig pre ung mga shots mo sa flickr ah. buti ka pa nakakalabas at pedeng kumuha ng pektyurs sa labas. dito bawal.

  5. hehehe. actually sort of pede pero dahil puro paranoid ang mga tao dito iniisip nila sila kinukuhaan mo lalo na itong hawak natin agaw pansin. kinukumpiska ang mga camera dito pag nakita ng pulis. kainis nga eh.

  6. astig daw! prep nga di ma appreciate ung work of art ko!!! humble mo naman…aminin mo na winner ung mga shots! in denial ka rin ba?! hahahah

  7. mukha masaya dyan ah?! sana makapagbakasyon minsan pero unahin na ang bora d pa din ako nakapunta dun … busy hehe

    hirap pla kumuha ng pic dyan dame humaharang, sana meron pa ibang angle🙂

  8. thanks sa pag visit vhincent… actually madaming angulo ng beach, kaso ang daming humaharang! ehehehe goodluck sa boracay adventure mo.. picturan mo rin yung beach ha! hihihi

  9. Buti pa dyan pwede mag-beach kahit August. Dito pag April and May lang kasi ngayon sunud-sunod na ang dating ng bagyo:(

    bawi ka na lang pag summer, sarap pa rin jan sa pinas, yun nga lang lahat ng tao balot na balot.. hihihi dito, kulang na lang maghubo!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s