book and rice… walang connect…

bumili ako ng libro kahapon, hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko para bumili ng libro, siguro marahil sa suggestion nila kat at ms. choi, pero hindi fiction ang binili ko, kundi isang self motivating book…

may pagka-obsess ako maging mayaman, siguro naka focus na lang ako na ang pera ang nagtatrabaho para sa akin… nahilig ako sa libro ni Francisco Colayco (Pera mo Palaguin mo) at ni Robert Kiyosaki (Rich Dad, Poor Dad)….

self help book
self help book

nakita ko ang librong “How to get from where you are to where you want to be” by Jack Canfield, isa siya sa mga tao sa likod ng “Chicken Soup for the Soul”… nabasa ko pa lang yung cover, naantig na ako, parang gusto ko siyang buksan…

binasa ko ang unang pahina ng aklat at na-impress ako sa mga sinabi niya sa libro, practical nga naman pero bakit hindi ko ginawa noon pa? dali-dali akong pumunta sa counter at nagbayad…

ngayon, natapos ko na ang first principle, at i shashare ko lang sa inyo ang natutunan ko, “Take 100% Responsibility of Your Life”… ano ba ibig sabihin nito, nung una medyo puzzled ako at di ko siya ma gets pero nung binabasa ko siya, naliwanagan ako…

Lahat ng nangyayari o nagaganap sa buhay mo ay ikaw ang maykagagawan… kontrolado mo ang magiging kasagutan sa magiging kinalabasan ng isang bagay… magulo ba… eto yung formula na binigay ni Pareng Jack…

E + R = O ; Event + Response = Outcome…

may math kasi kaya lalo kong naintindihan… ang Event ang mga pangyayari na di mo maiiwasan, tulad ng traffic, pagbaha, pag-ulan, at kung ano-ano pa… sinasabi sa libro na nasa iyo ang magiging “Outcome” kung babaguhin mo ang “Response”… halimbawa… Umuulan (Event), may date ka na importante kasi ngayon mo lang napapayag yung nililigawan mo na manood ng sine, eh ayaw mong umalis kapag umuulan, so anong gagawin mo? tatawagan mo ba ang date mo para i-cancel ang date (Response 1) o magdadala ka ng jacket at payong at susuungin mo ang ulan (Response 2)… either or, nasasaiyo kung anong outcome ang gusto mong ma-achive… kung gusto mo na hindi na matuloy ang date mo dahil kinancel mo at alam mong wala ka ng way para mayaya siya uli makipag date sa iyo at posibleng di ka na niya sagutin (Outcome 1) o kaya naman matuloy ninyo ang date ninyo na kahit umuulan at ipakita mong sincere ka sa motibo mo sa kanya at maaaring maging kayo sa mga oras na iyon dahil napaka romantic mo palang tao, akay-akay mo siya habang naglalakad kayo at naulan.. sweet di ba (Outcome 2)..

parang domino effect yan… kapag nagawa mo ang isang bagay, sunod-sunod na ang mga mangyayari, pangit man o maganda… you can choose…

ni-share ko lang sa inyo ito dahil gusto kong mabago sa pananaw ko sa buhay, yung maging goal oriented ako, pakiramdam ko kasi nawawala na ako sa focus at masyado akong maraming pinagkakaabalahan… siguro kailangan kong magre-assess ng mga bagay bagay sa buhay ko…

medyo inantok kayo sa post ko no… pero eto pambawi ko…

w/ red luya.. yum yum!
w/ red luya.. yum yum!

kahapon din, kumain ako sa “Matsuya”, eto yung katumbas ng “Yoshinoya” na kung saan mga rice toppings ang specialty nila… umorder ako ng beef bowl… nakaupo ako sa counter, ang style kasi ng kainan sa kanila, parang bar style pero pa square, meaning, maaaring may katapat kang customer din…

masaya akong kumakain ng beef bowl ko ng may pumasok na customer na naka amerikana, syempre di ko naman pansin, dahil di naman siya babaeng maganda, so tuloy lang ako sa pagkain ko, saktong tapos na ako at siya naman ang kakain, siguro nagkamali siya ng lulon or something, napa-ubo si loko, kamalas-malasan talaga, lumipad sa akin yung mga butil ng kanin na galing sa bibig niya… bongga ang beauty ko… dati nahatsingan ako sa tren, ngayon na ubuhan ng kanin sa mukha… why me Lord?!?!

syempre pagpag galore ako, at ang nakakainis doon, tinawanan lang ako nung kaharap kong naubo na parang walang nangyari at parang ako pa yung center of attraction doon sa kainan… mabuti na lang at tapos na akong kumain, sa malamang nawalan ako ng ganang kumain hindi dahil sa nandiri ako, kundi dahil napahiya ako… cute kasi yung nagseserve na babae eh.. bwiset!

12 thoughts on “book and rice… walang connect…

  1. You should have looked that bitch in the eye and muttered (loudly) “Kuchang-kuchang!” while pointing to her. That means “bad manners” … not sure about the spelling tho😉

  2. pot mukhang nasa chapter one pa lang nagutom na agad. hahahaha. joke lang.
    anyways astig yang book na yan ah. mukhang need ko din ng self motivating book. hehehehe

  3. @ lyssa – wala na akong magagawa… nagshower na ang kanin sa mukha ko.. kaya pagpag then exit stage right ako…
    @ gmacomics – ok siya pare.. it will help you target what you really want and to be positive in life kahit gaano ka negative… try mo pre..

  4. sa totoo lang….inaantok ako sa mga self-help books. pero it works for many, so ako naman siguro ang kailangang magbuklat. pero mas trip ko pa rin ang mga kababalaghan ni Stephen King.at lagi ko na lang nababasa sa kung anu-anong blog ng mga lalaki na ipinagwawalang bahala ninyo basta hindi babaeng maganda, and baad baad nyo talaga buti na lang maganda ako wahahahahah….

    baligtad tayo kat, mahilig ka sa fiction, ako mahilig sa self-help books, pero madami akong nakitang fiction books, hayaan mo, isa sa mga goal ko ang makabasa ng mga nobela… pero teka.. di ko naman nilait yung babae ah.. ang sabi ko lang napahiya ako kasi nga yung nagseserve cute, nasira poise ko.. saka di ba ang sagwa kung sa lalaki ako magpapacute… di ba?!?! saka sinong nagsabi sa iyong maganda ka?!?! bweheheheh joke joke!

  5. ano ba naman yan, bakit talagang napaka swerte mo sa mga flying objects .. parang may x na mark dyan ah. .. hit me! buti na nga lang eh tapos ka nang kumain ..

    sinabi mo pa pokwang, mukhang moving target ako sa mga nagliliparan galing sa bibig at ilong.. ehehehehe

  6. astig ang pic kua… hehehehe… gnda nung chicks na nakita nio sa plaza ah… hehehehe

    hay naku larry… madami ditong cute na haponesa.. yun nga lang di ko sila type.. type ko hapones! ahahay! ingats jan! musta na kayo ng gf mo?

  7. maganda yang book na yan!:) pero ang true love ko ung the secret by Rhonda Byrne–addiction ko rin tong book na to aside sa alam mo na!haahaha..all time kakampi ko to. dont worry me math din-bout finanaces!:)…pero first love ko talaga ‘lil prince…walang kumplikasyon at di pa lalabo ang mata ko sa kakabasa(ganda pa ng mga drawings):)

    hahanapin ko yang mga books na sinabi mo… isa sa mgagoals ko ang matuto.. este magbasa ng maraming libro.. mapa fiction or non fiction…

  8. meron link dun sa site ko, ang galing ko noh! techie ako eh! hahaha…, sinusunod ko yan promise bukod sa 10 commandments… im sure ma fafall karin sa book na yan..– naku di ako masyadong attracted sa mga fiction eh nung nabasa ko at napanood namin ung The Mist
    by Stephen King, biglang taas ng BP namin sa sobrang tension,pagtapos nun eh parang gusto nalang naming maglubog sa bath tub na punung puno ng yelo sa sobrang pikon sa at pang hihinayang!in fairness naiyak ako sa sama ng loob sa ending.

    ok lang yan lush, ang mahalaga, kasama mo ang mga friends mo nung nanood kayo at nalait ninyo ng sabay-sabay ang pelikula.. thanks ha! tama na inom! eheheheh adik!

  9. saws

    hakhak

    may ganun?

    mniwala ka jan sa mga selphelp n yan, klokohan

    hakhak

    elyens poreber

    XXXxx

    thank you po sa pagcomment! naniniwala po ako dito, siguro dahil maganda mga stories.. ehehehehe elyens!

  10. hmm.. natuwa naman ako dito.. hehe..

    salamat at ibinahagi mo sakin ang unang parte ng librong ito..

    naku wak mo ilagay lahat dito sa blog mo yung nakasulat dun.. lagot ka pag nahuli ka,… nyahaha..

    pero ayun… may idadagdag ako sa principle mo..

    “Man’s existence is Never Without Meaning”..

    so andyan ka for a reason.. tulad na nga lang ng pagsalo ng butil ng kanin na nanggaling sa katapat mo na kumakain… isipin mo nalang na pag inde ikaw ung andun, baka nagsuntukan na sila at kung anu pang nangyari.. kaya ayun.. hehe..

    sana may naitulong ako sayu.. hehe.. parati nalang kasi ikaw yung tumutulong sakin wehh.. hehe…

    thanks virex! mabuhay ka! siguro nga kung wala ako dun, iba na ang nangyari…

  11. I’m not an avid reader of self-help books pero agree ako sa formula na diniscuss sa libro mo kasi madalas pag may nangyayari sa atin, ang linya natin “Diyos ko, ba’t nagkaganoon?” Pero kung tutuusin, kagagawan nga natin lahat. May masisi lang dinamay pa natin ang Diyos hehe:)

    sinabi mo pa… kaya nga dapat, be 100% responsible sa mga nangyayari sa buhay mo… thanks sonnetshaven!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s