da adventure continues…

Sa wakas! isa sa mga gusto kong kainan dito sa Japan ay napuntahan ko na kahapon sa Akihabara… ang Akihabara ang masasabing electronic town dito sa Japan, kung saan marami kang mabibiling gadgets at laruan… katumbas ito ng pinagsamang Raon, Greenhills, at Gilmore sa Pinas.

Ang tinutukoy kong kainan ay ang “Sushi Conveyor” na kung saan, hihintayin mong dumating sa iyo ang sushi then bibilangin nila kung nakailang plato ka, at yun ang babayaran mo…

dito yun!
dito yun!

Nung una, hesitant akong pumasok, pero sinabi ko sa sarili ko na minsan lang naman ito, kaya sige, go go go! pagpasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng mga waitress at pinaupo sa may bandang unahan ng restaurant. Nakaka-overwhelm ang mga sushi na dumadaan sa harap ko, pero yung iba parang di ko feel kainin, so 3 putahe lang ang kinain ko kasi yun ang gusto ko (dahil yun ang pinakamura!).

ika or squid
ika or squid

Sinimulan ko sa “Ika” o tinatawag na “Squid”. Tip ko lang, kung kakainin nyo siya, paliguan nyo sa toyo, baka kasi di nyo ma-take ang hilaw na pagkain na pinatong sa malagkit na kanin na may konting “wasabi” o yung green na powder na maanghang. Panalo ang lasa! YUMYUM!

maguro o tuna
maguro o tuna

Sinunod ko ang “Maguro” o tinatawag na “Tuna”. Eto ang pinakapaborto ko sa lahat, kahit eto lang kainin ko buhay na ako, kaso madali siyang maubos kasi yan din yung kinakain ng mga nakatambay doong parokyano, pwedeng-pwede! FRESH!

tamago or egg
tamago or egg

Huli ko na ng napansin ang “Tamago” o “Egg”. Malasa kasi ang itlog dito, medyo manamis namis at malaki siya, pero di pa rin ako nagpaawat.. panalo talaga!

takaw ko no?!
takaw ko no?!

Ganito karami ang nakain ko… inabot ako ng 1500 Yen o tumataginting na 582 Pesosesoses! Pero sulit naman dahil paborito ko naman talaga siya.. pramis!

Nilibot ko ang Akihabara, at marami ako nakitang mga gadgets.. kada isang building, umaabot ng 6-7 floors at iba-iba ang tinda..  isang building naman, puro laruan na anime, isang building naman puro arcade games, isang building naman puro sex toys, isang building puro libro at comics, as in ang dami kang pwedeng malibot yun nga lang, kung wala kang pera, hanggang tingin ka na lang… hindi ko rin napiktyuran kasi bawal piktyuran ang mga items nila kaya sayang lang ang bitbit ko na camera…

Dito rin sa Akihabara, extreme ang mga tao, pati sasakyan nila ay nilagyan ng mga sticker ng kung ano-anong anime, at meron pang life size doll ng Anime sa loob ng sasakyan, saan ka pa! Meron ding mascot na nakasimangot, siguro pagod na siya, meron ding mga baguhang artist na nagpopromote ng dvd nila at cd.. pose pose lang sa camera hija!

sticker...
sticker...
ate, ano gawa mo jan?
ate, ano gawa mo jan?
tama bang batukan ako?
tama bang batukan ako?
ganda ko no...
ganda ko no...

Nung hapon ay nagpasama si Reynan na bumili ng PSP, kasama si Mark, Aster at James, sinulong namin ang bilihan ng PSP, pagkatapos ay nagpunta ng “Ueno” o ang tinatawag nilang “Divisoria ng Japan” para tumingin kung anong mabibili… as usual, nagkukurupot na naman ako, kaya picture picture lang…

welcome to ueno...
welcome to ueno...
parang sa ilaya lang ah...
parang sa ilaya lang ah...
hala! sige! talon!
hala! sige! talon!

Tinapos namin ang gabi sa pagkain sa isang restaurant, eto ang inorder ko.. SARAP!

nakalimutan ko na pangalan niya...
nakalimutan ko na pangalan niya...

Nakauwi na kami ng bandang 9:30 ng gabi.. kakapagod pala, pero enjoy… siguro next week sa mga parks naman ako pupunta para naman ma practice ko ang pagkuha ng mga larawan… so mga bata hanggang sa muli.. pero bago ako umalis.. pakibasa ninyo muna ito..

ano daw?
ano daw?

7 thoughts on “da adventure continues…

  1. uy potski may available na bang daimos soc jan? kasing size nya ung soc gx31(voltes v).

    grabe sarap ng sushisess!! hhahaha. muhang maki lang ang fave ko sa mga sushi.

    natawa ako dun sa wolf sa ueno. hehehe. sana nag stolen shot ka sa mga store. ala naman flash eh. harharhar

    hindi ko na check yung daimos, pero pagbalik ko check ko…

    masarapa talaga pare.. panalo sushi… try mo yung ibang putahe…

    naku kung pwede lang magstolen shot.. alam mo yun, laging nakatingin yung mga sales clerk.. kasi nga naka ready lang ang camera ko… saka may malaking karatula na bawal kunan, pero pag gamay na ako.. sisimplihan ko silang lahat! bwahahahahaha

  2. naku, trip na trip ko sa mga napanood kong cartoons yung sushi na umaandar sa harapan mo. pero, yung nga lang, madaling masira ang tiyan ko kaya hindi ako makakarami diyan.

    naku kat, subukan mo one time, sarap! sa moa ata may conveyor na, ayon sa aking bubwit..

  3. hahaha. sige pre para naman makita natin ung mga pegs nila jan at baka parang db yan na may tundang japeks na mga figures at pvc. hehehe

    in fairness, wala pa ako nakikitang japekis na figures, all orig… meron na ako nakita mga japekis na electronics, yung electricfan na parang yung katawan ang umiikot.. ehehehehehe

  4. tawa naman ako don sa pinabasa mo? kala ko lumabo lang mata ko kasi di ko rin na gets..
    uy dami mo ngang nakain pero mura na nga siya, sa dami ba naman niyan eh. dito kasi isang maliit na plato sa sushi conveyor, (2 piraso sa ibabaw ng maliit sa plato nasa minimum price eh 300 pesos!) mahal sobra mag japanese meal dito, masyadong pa sosyal!

    ayos sa serise no? napakamahal naman jan sa alemanya, grabe.. ginto ba pagkain jan… so mapalad na pala ako at mura yung nakainan ko.. ehehehehe di to kasi di ka sosyal pag kumain ka ng japanese food, normal ka.. ehehehehehe ayy nasa japan pala ako.. syete!

  5. Wow, Tokyo based ka pala:) Sa Akihabara ginanap last May ang job fair organized by our parent company IPS, Inc. Did you hear about it? Ito yung publisher ng paper naming Pinoy Gazette which circulates there. Nakabasa ka na?:)

    uyy nakabasa na ako ng pinoy gazette! di ko nabalitaan yang May job fair na yan, sayang, sana nakapunta ako, baka nakahanap na ako ng english friendly na kumpanya.. hihihi hayaan mo, magbabasa na ako lagi ng Pinoy Gazette, writer ka ba doon?

  6. Yung job fair kasabay ng formal launching ng GMA Life TV sa Japan kaya guest noon si Richard Gutierrez and Rhian Ramos sa event. IPS is the carrier of GMA’s broadcast satellite in Japan. 70 companies ang nag-participate doon daw sabi ng boss ko. Daya nga eh hindi nila ako sinama:(

    Pinakamagandang sections ng Pinoy Gazette yung Showbiz at tsaka yung Lifestyle, hahaha!!! Nagbuhat talaga ng bangko. I handle those sections kasi:) If you have time, email your comments or suggestions to pinoy_gazette@yahoo.com

    surely… hehehehe showbiz ka talaga! yun nga yung nabalitaan ko, pero hindi sinabing job fair siya, parang sinabi lang na may mga artista na pupunta, eh nagsawa na kasi ako sa mga artista nung nasa pinas pa ako, kaya di ako nagpunta.. hayaan mo, pag may comment ako sa Pinoy Gazette, email ako.. hihihi thanks sonnetshaven!

  7. huwaw! nasa japan ka pala. saraaap ng food. i love jap food. gusto ko tuloy ng sashimi ngayon. hmmp. at andami mong nakain.hahaha.in fairnes, sa 582 pesos, okey na yun.🙂

    super panalo talaga! sa sususnod na sweldo food trip uli ako.. hihihi tara libre kita.. punta ka dito.. hihihi

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s