the actor…

Grade 5 ako noong nasubukan kong umarte sa harap ng maraming tao (isang buong classroom). Isa itong presentation sa Social Studies dahil project namin ito. Ang topic namin ay “Kalakalang Galyon”. Hindi ko na gaanong matandaan kung bakit nag-umapaw ang hilig ko sa pag-arte pero nung nasa harapan ako ng classroom, feeling ko ako ang star…

Dito nagsimula ang career ko bilang “Stage Actor” sa aming munting paaralan sa Tondo. Ang big break ko ay nung nag First Year High School ako. Dito ako naging involved sa maring workshops at stage productions ng aming paaralan. Noon, kakaunti pa lang ang lalakeng mahilig sa pag-arte dahil baka ma typecast silang “BADING”. Hindi ako natakot, tsura nila! Eto na ang pagkakataon ko, sisikat din ako! Yahoo!

Merong proyekto ang buong high school department na pumili ng aarte sa gaganap na play, na pinamagatang “Bakit Babae ang Naghuhugas ng Pinggan”. Ang major characters ay si Ugong at si Maldang. Medyo hindi ko trip noon ang title, masyadong mahaba sa panlasa ko, at play siya na parang story telling ng mga characters, pero sinubukan ko pa rin. Dalawang grupo ang nabuo sa aming classroom at pinalad naman ako kasama ng dalawa kong kakalase na mapili para sa isang malaki pang audition.

Medyo nakakaintimidate pala, biruin mo, ang mga kasama mo mula first year to fourth year at karamihan ay matagal ng humaharap sa entablado. Kinabahan ako. Nandoon din ang “Best Actor” ng aming paaralan kaya mas lalo akong naintimidate.

Nung ako na ang susubok mag audition, nanginig ang tuhod ko, at yung boses ko ay medyo napapaos. Unang eksena, binitawan ko ang linya ko…

Potpot : (Hampas ng lamesa) BAKIT AKO MAGHUHUGAS NG PINGGAN MALDANG! (Harap sa audience) Ang tanggi ni Ugong, sabay pagpag ng mga mumu ng kanin sa kanyang mga kamay (Pagpag ng kamay).

Hindi pa tapos ang eksena ng sumingit ang nagpa-audition.

Bb. Orda : Ok Florante, maganda ang pagbigkas mo, at tamang-tama ang aura mo sa parte.

Bb. Legaspi : May presence ka at ayon sa arte mo ang kinikilos mo.

Ang character kasi ni Ugong ay isang takot na asawa, buti na lang at nanginginig ako sa takot at napapaos, nakapagdagdag ito sa pag-arte ko.

Napili ako bilang main character sa play, araw-araw ang practice pagtapos ng klase, mahaba-habang kabisaduhan ng script.

Masaya ang bawat sandali at natuto ako ng stage presence ayon sa mga mentors ko at teachers.

Tinanghal namin ang play sa “Linggo ng Wika” at kami ang main event attraction. Dalawang araw ang event, at dalawang beses sa maghapon ang pagtatanghal (1st year and 2nd year sa umaga, 3rd year and 4th year sa hapon). Pagbukas pa lang ng kurtina, sigawan na ang mga kaklase ko. “POTPOT GALINGAN MO! WAG MO KAMING PAHIYAIN!”

Anak ng baka, tama bang isigaw yun! Natapos namin ng matiwasay ang pagtatanghal at dumadagundong na palakpak at hiyawan ang naririnig ko. Siguro marahil mga kaklase ko ang nandoon.

Nung hapon ang nakakatensyon, dahil 3rd year at 4th year ang manonood, medyo mga tanders na sila at baka di sila kumportable na isang 1st year ang gumanap bilang bida sa play.

Bumukas ang kurtina, nagpalakpakan at naghiyawan ang audience, nagsimula ang play. Ibinigay ko ang todo ko para maipakita ko na deserving ako dito at hindi naman ako napahiya, pinalakpakan at pinakita nila ang suporta sa akin habang sumisigaw ng “UGONG! UGONG! UGONG!”

Naging matagumpay ang aming play at nagkaroon pa kami ng pagtatanghal kinabukasan para sa mga guro at mga magulang.

Malungkot nga lang ang ending ng aming paghihirap dahil ang patimpalak na dapat ay gaganapin sa isang malaking entablado, kalaban ang iba’t ibang paaralan ay hindi na natuloy sa kadahilanang natapat sa periodical exam ang patimpalak. Sayang.

Pero hindi ako nagsisisi, nakasama ko ang iba sa magagaling umarte ng aming paaralan, naturuan nila ako ng mga mahahalagang pointers para magamit ko sa mga susunod na pagtatanghal.

Sa buong 1st year ko, nakasali ako sa 3 play at nanalo ako bilang PRO Filipino sa aming Student Council. O di ba, kahit papaano sumikat din ako.. kahit sandali lang.. madami pa akong adventure pero saka ko na lang ikukwento.. medyo mahaba na ito at wala pang pictures… eheheheh baboosh!

32 thoughts on “the actor…

  1. ang galing mo talaga ugong este potski! hahahaha. kaya naman pala timing din at napunta ka sa isang malaking istasyon ng brodkasting na walang kakwneta kwenta magpasahod! hehehe.

    siguro nga kaya naging dream company ko siya, yun nga lang ang datung… alaws! uyy sasagutin ko yung tag mo.. di ko lang alam kung paano.. ehehehehe

  2. uy may tinatago ka palang talent ha😉 feeling showbiz tayo diyan.. sige antayin ko sunod na kabanata, pero sa totoo lang aliw ako sa title ng play niyo… ano story non? pano nag end? bigyan mo naman ako ng mini sypnosis🙂 thanks

    naku, kaya nga tinago ko na lang yung talent na yun.. ehehehehe synopsis, hmmmm, story siya ng mag-asawa, si ugong ay ander de saya, kasi yung si maldang ubod ng laking babae na kala mo bouncer sa isang bar. dito mo makikita yung downside ng Filipino culture about neighbors butting in sa conversation ng mag-asawa at ang happy ending syndrome with a twist of parody kung baga. nung huli nagkasundo sila na dapat nga ang babae ang naghuhugas ng pinggan… thanks pokwang!

  3. Kung natuloy pala ang acting career mo eh di kahilera mo sana sina Piolo Pascual at Dingdong Dantes hehehe:)

    wish ko lang ganoon, siguro kahelera ko na si bentong at si tado… hihihi thanks sonnetshaven!

  4. hahaha. oo nga pre ngayon pede pa yan. lalo na nasa bansa ka ng mahilig sa entertainment. hahahaha. lapad jan pre lapad!!! galing mo pa naman mag otso otso. hahahaha

    naku pare, di lang otso-otso pinapractice ko, pati kagat labi saka boom tarat tarat! kumikitang kabuhayan! todo na to!

  5. hahahaha! natawa naman ako sa kwento mo pots.. nagtayuan ba nag mga audience sa outstanding portrayal mo bilang ugong:), na delay tuloy pag susuicide ko kse binasa ko pa entry mo:)

    kulang na lang ay magriot sila sa aking acting! oi bakla… wag ka ng magsuicide.. magbasa ka na lang ng blog entries at praktisin mong magpost ng picture! loka!

  6. aba, naalala ko yang Kalakalang Galyon na yan, tama ka grade 5 nga iyan itinuturo!

    at alam ko yang play na yan, classic kaya yan!alam mo yung New Yorker in Tondo?

    ganyang edad din ako nung madiskubre ng mga guro ang talento ko bilang playwright at director. at ang una kong full-length play ay para sa nutrition month at ang mga karakter ay mga gulay, ambaduy.

    kung nagkataon mag-schoolmate pala tayo eh malaman nagkatrabaho tayo sa showbusiness. pero dahil sa mas matanda ka sakin ng isang henerasyon ay imposible pala yun.

    di ko na yata naabutan yang “New Yorker in Tondo”, ang matunog dati ay ang “Batang Pro”

    sabi na nga ba talentado ka kat eh…

    ouch.. feeling ko ang tanda-tanda ko na… pero kung nagkataon na naging mag schoolmate tayo.. sisikat tayo at malamang direktor ka na at bading na ako este sikat na ako…

  7. wow, bata ka palang pala exposed ka na sa ganyan.. hehe..

    いいよ。。hehe..

    oo naman virex, kaya nga ako ganito eh.. hihhi.. meaning hindi mahiyain sa harap ng maraming tao…

  8. ibig sabihon makapal ang face??? hahahahaha. pre isang litrato naman jan ng kagat labi. hehehe

    hayaan mo pare, sa weekend, marami akong isisiwalat ng pics, kagat labi kamo.. para sa iyo… request will be granted! ehehehehe

  9. go potpot go! wala lang … parang ang sarap lang bigkasin ng potpot ahehe..

    galing mo pala mag acting eh… at salamat nga pala sa pagdalaw sa bahay lambingan ko.. add po kita sa blogroll ko ..😉 at tama po si gmacomics cute mo! ahihi😉

    thanks naglalambingnacute! add din kita ha! naku, wag kang magpapaniwala kay gmac, di ako cute.. kakatacute kamo… hihihi thanks thanks ng marami!

  10. tenks for the summary, aba may social relevance naman pala ang play nyo pero ha, mali pa rin di siya adhere sa equal rights ng men and women. para fair eh di pareho sila hugas plato.. or better use paper plate na lang pra walang away🙂 kaso sino naman magtatapon basura??? ahahahay, hirap talaga buhay. masyadong complicated.

    naku pokwang, parang cycle lang yan.. uulit at uulit… hihihi

  11. can i also get a copy of the script of the play “bakit babae ang naghuhugas ng pinggan”,thank you, i really need it for our class project, just send it to my e-mail add….

  12. i like u tlga.ntutuwa ako s mga story m.wish ko mkita k!oha!khit di artista sikat n!pwede kya yun?tas picture tyo,tpos mkikita ko nkapost n dto…
    wooooooooooooooooooooooooooowwwwwwwwwwwwww
    bka di n ko mkatulog nun??
    mas malayo p s ibon ang mrarating m..hihihi

  13. plz.. bigay po kayo script ng “bakit babae ang naghuhugas ng pinggan” …….. thanks a lot.. paki send nalng sa email…`

  14. “bakit babae ang naghuhugas ng pinggan”
    ito yung ipiplay namin sa filipino para sa finals namin . . . yun nga lang eh wuala kaming kaklaseng aarte bilang ugong ksi mga girly yung mga boys namin , tsaka wuala ding maldang kasi mga slim kaming mga girls eh. . hehe.
    pinge naman ng script oh. . .
    para sa theater namin ‘to! wew!
    sana makaya namin tulad ng sainyo . . ! (magpapakapal na naman kami ng muka nito) haha

    1. naku.. gusto kitang tulungan.. kaya lang 1991 ko pa ito huling nabasa… kung kabisado ko lang or kung naitabi ko lang ang script na ito, pinaskil ko na.. pasensya na.. naway maganda ang pagtatanghal ninyo.. baka sa national library merong copy nito.. naalala ko rin na yung script ay lumang-luma… pasensya na uli ha…

  15. Wonderful article! This is the kind of information that are supposed
    to be shared across the net. Disgrace on the search engines for not positioning this
    put up upper! Come on over and seek advice from my website .
    Thank you =)

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s