di gaanong erotic (sana)…

Tagged by Kat – pahihirapan pa akong magkwento ng tagalog nito… hihihi

Rules:

Create a short erotica of not more than 200 words, with the following words that can only be used once in the story:

1. sleepover – nakitulog
2. whip – latigo
3. handcuffs – posas
4. leather – katad
5. sexy – seksi
6. threesome – tatluhan
7. hairy – mabuhok
8. shotgun – shotgun
9. squeeze – pisil
10. explosion – pagsabog

Nagising akong nakaposas sa isang higaan, naalala ko pang nakitulog ako kagabi sa bahay ng isang babaeng kaibigan na matagal ko ng di nakikita mula pa nung high school. Tumingin-tingin ako sa paligid upang makakita ng paraan para makawala, pero wala akong makitang susi o ano mang bagay na magliligtas sa aking kinalalagyan. Pumasok sa silid si Karen, ang tinutukoy kong kaibigan, nakasuot ng katad na kasuotan at kitang-kita ang kanyang seksing hubog. Kinuha niya ang latigo sa ibabaw ng upuan at pinisil niya ang aking hita. Hinagupit niya ito at tinamaan ako. Masakit na masarap, hindi ko maipaliwang ang naramdaman ko pero nagsusumigaw ang utak ko ng “Isa pa! Isa pa!” Binulungan niya ako, “Nandito si Emily, gusto ng tatluhan .”. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil si Emily ang matagal ko ng crush na hindi ko na nabalitaan kung ano nangyari sa kanya. Pumasok ng silid si Emily, nakasuot ng manipis na kamison. Unti-unting silang lumapit sa akin.

Itinaas ni Emily ang mga braso niya, sumambulat sa akin ang mabuhok niyang kili-kili, lumabas sa aking mga bibig ang halakhak na di napigilan. Sumama ang tingin ni Emily sa akin at dali-dali kinuha ang shotgun sa ilalim ng kama, itinutok sa akin at isang malaking pagsabog ang narinig ko… BANG!

Pagdilat ko, nasa loob ako ng taksi, kasama ang barkada ko na sa mga oras na iyon na lango pa sa alak. Isang panaginip lang pala ang nangyari, akala ko ay totoo na, pero nagtaka ako ng tignan ang aking relo, wala na siya, at may marka sa aking pulso. Nung hinawakan ko ang hita ko, masakit… paano nangyari…. SHET!
——-
Ayan natapos na din!

Tag ko si…

luciously real

pokwang

lenggai

naglalambingnacute

pwedeng tagalog, pwedeng inggles, kung saan kayo komportable… enjoy!

6 thoughts on “di gaanong erotic (sana)…

  1. yay! seryoso? kasama ako dito?!!pede mo pang bawiin! bka mandiri ka lng sa ikekwento ko!! susmaryosep kelangan ko ytang mag uminom muna ng bongga bgo makapag sulat!:)

    naku lush! kayang kaya mo yan… ipakita mo ang kabastusan.. este talent mo sa pagsulat! dali!

  2. dahil nung natutulog ka ay minolestiya ka ng kabarkada mo nang hindi mo nalalaman—kaya mabuhok ang kilikili dahil lalaki siya….

    hihihi.. no comment… ahahahahahahaha

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s