the flert…

Pumunta ako sa isang philippine bank last sunday para kunin ko ang passbook ko. Nagpasama rin ang kaibigan kong si R para mag-open ng account. Napapansin ko lang, kasi medyo matanda na ako, pero alam ko naman kung nakikipag flirt ang isang babae at isang lalake sa pamamagitan ng mga kilos, ngiti at pananalita nila. Katulad nga ng nangyari, kausap ni R ang isang empleyado ng bangko at nagtatanong siya ng details tungkol sa account na bubuksan ni R.

Employee : Taga-muntinlupa pala kayo sir, ako din taga muntinlupa, saan ka sa muntinlupa.

R : Sa may susana heights, pero taga paranaque talaga ako.

Employee : Saan ka nag highschool, baka magka schoolmate tayo?

R : sa ________ ako, ikaw?

Employee : Sa _______ ako.

R : So lagi kang tumatambay sa ________?

Employee : Hindi ako dun, sa may ______ ako tumatambay.

R : Wow, mga mayayaman ang tumatambay dun ah!

Employee : Oi hindi ah! Wala naman kaming binibili dun, tambay lang!

R : Kung di mo mamasamain, ilang taon ka na ba?

Employee : 23 pa lang ako.

R : (Ngiti)

Employee : Bakit sir, kayo po ilang taon na?

Potpot : (Sumingit) Di ba pre 32 ka na?

Employee : O di ba baligtad lang ng 23 ang 32.

R : (Pabulong) Nilalaglag mo ako Pot ha!

R : Ate, anong pangalan mo nga pala?

Employee : ________.

R : Ahhh (nakangiti)

O di ba feeling close na, pero ok nga iyun para maging maayos ang transaction, pero iba kasi ang mga ngiti ni Ms. Employee sa kaibigan ko, minsan di ko madistinguish kung flirting nga ba iyon o ganun lang talaga silang makipag-usap sa mga customers nila. Pero sa nakita ko, nung iba ang kausap ni Ms. Employee, iba rin yung tono niya at di siya nakikipag-biruan. Ayokong mag-assume pero yun ang nakikita ko, kayo ano sa tingin niyo? flirting bang matatawag ito o friendly lang approach ni Ms. Employee sa kaibigan ko…

Bago pala kami umalis ng bangko, lumapit ako kay Ms. Employee at sinabing “________, bye na daw sabi ni R.” (Sabay turo ko sa kaibigan ko).

Aba, ang Employee, todo ngiti.. kita ko gilagid niya… so ano ibig sabihin nun?

28 thoughts on “the flert…

  1. ibig lang sabihin nun kuhain nyo na ang number ng babae potski. pedend flert nga yun pero pedeng hindi pero kung ibinigay ang number wala na tayong paguusapan pa. hehehe

  2. pre kung kinuha nyo ung number at binigay ng employee wala na me sasabihin pa kung hindi angkas me sampu? hahaha. joke.

    eh kung ako lang ang nakipag flirt, nakuha ko na number… kaya lang, di pa ako yummy para patulan niya.. abangan na lang natin.. hihihi

  3. tama si gmcomics kng binigay nga ang number yun na yun kung hinde naman baka talga friendly lang sila most esp kung kababayan … hmmm😉

    yun din nga iniisip ko vhincent, baka friendly lang siya, kaso sa ibang clients nila, hindi siya ganun, eh nagpapacute na nga yung isang manong sa kanya, parang poker face lang siya… pero mahirap maging assuming…

  4. Tingin ko flirting ‘yon. Sya pa talaga nag-initiate ng conversation and ended it with a kita-gilagid smile hehe:) Dun ako natawa talaga hehehe:)

    naku sonnet, kung maiimagine mo hitsura ni ms. employee, iba eh… iba yung nakangiti lang sa natuwa.. pramis..

  5. baka naman friendly lang… pero pwede ring type nya ung friend mo.. balik kau dun tapos hingin nyo na ung number para mapatunayan na!

    after two weeks balik kami, tignan natin ang kamandag nung friend ko.. aaawww!!

  6. hmmm… eh yummy ba yung kaibigan mo? kung ganun kasi, di ko masisisi yung gurl… maganda ba? hehe!

    medyo maitim lang yung kaibigan ko pero may looks naman…
    yung girl… may hitsura din… hihihi

  7. wow parang pelikula!
    ang tsuwit naman!!🙂

    (singing)~~~for the first time…… asust🙂

    wow! mahusay ka palang kumanta aga.. hihihi pa kiss nga!

  8. blog hop!

    depende rin.. pwedeng flirting, pwedeng marketing strategy.. pero sabagay, marketing strat din naman ang flirting

    *batts eyelashes* sa muntinlupa pala kayo, malapit ako dun

    hahahah. joke!

    ayun o! thanks ayz sa pag visit! korek ka nga.. marketing is synonymous to flirting… hihihi

  9. nakow. tsk..tsk.. kung di pa ba naman flirting yon eh di ano na? wala namang kinalaman sa worky worky niya ang sabihing taga-area nyo rin siya diba? sus. style. hehe

    ayun na nga utakmunggo, hayaan mo sa sususnod na balik namin dun tignan namin kung ibibigay yung number…

  10. FLIRTINGGG!

    hahaha😀
    diba? halata e..

    wala, istayl ni ms.employee bulok..
    hahaha… masyadong obyus!

    salamat po sa laging pagdaan sa munti kong tirahan😀

    sabi na flirting yun eh… bwehehehehe… thank you din sa pagdaan.. kakaaliw blog mo ha.. hihihi

  11. teka! cno c R?
    wla ako lam dun ah..
    ngayon ko lng nabalikan ung blog mo..
    hehe!
    pasaway!
    =)

    ayan kasi di ka nagbabasa… i ym ko sa iyo mamaya.. ehehehehehe miss you liit!

  12. pag balik nyo kunin na agad ang number at pag binigay yun na yon! update mo kame ha!

    naku.. update ko kayo agad… ehehehehe

  13. ayon sa aking paghuhusga, flirt yun.nyahaha.ininvite nga pala kita sa multiply at nilink na rin kita sa blog ko.🙂

    sabi na flirting yun eh.. thanks cecille! na add na kita sa multiply! hihihi dami mong pic.. isa… hihihi

  14. hala! si ms. employee nagfli flirt! hmmm…
    malay mo naman kung natutuwa lang sya sa inyo? o talagang friendly lang? hehe..

    Paano mo ba talaga makikita sa girl na nagfliflirt sya? sige nga??

    yung iba kung makatingin.. saka kung natatawa sa jokes mo kahit corny…. may mga tapik sa balikat… mga ngiting labas gilagid… yun.. hihihi

  15. nyahaha! hay naku pano yan kung mababaw lang ang kaligayahan tulad ko bungisngis din.. di ma mimisinterpret na im flirting? nyay..😆

    hindi talaga ms. lambing.. iba yung employee eh… hindi lang bungisngis… pramis…

  16. Saan ka nag highschool, baka magka schoolmate tayo—yan ang unang linyang nagkukumpirma na flirting nga ang ginagawa niya.

    May kahalo bang paghawi ng bangs, pagtabingi ng ulo, pag-squint ng mata? Tumpak, kinakalantari siya ni ate.

    ang husay mo kat… parang ginawa niyang lahat ng sinabi mo…

  17. flerteng na yan potski..kasi sabi mo nga iba mas espesyal ang atensyon sa friendship mo compared sa iba…kumbaga hiwalay ang puti sa de kolor!hehehhe

  18. Rule number 1:

    Wag assuming.. hehe..

    pero ang kulit naman nun.. eheheh,,

    inde ko mahulaan kung sinu yung characters.. aahahaah….

    sinu kaya yung R..

    Rabbie?
    Rlad??
    Rave??
    Rames??
    RayR??
    Richard??

    nyahaha…

    ドンジャ™団員

    nice one virex! mabuhay ang donja group!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s