the crush…

ewan ko lang kung naikwento ko na ito sa inyo, pero nung grade two ako, may niligawan akong classmate ko, itago na lang natin siya sa pangalang “Agnes”… akalain mo, 8 taong gulang pa lang ako, nanliligaw na ako, bakit kanyo, maganda kasi si Agnes, at dahil bata ka, wala ka pang iniisip kundi maganda ang kaklase mo at gusto mo siya. binigyan ko siya ng rose kasi foundation day ng school, pero sa kasamaang palad, itinapon lang niya sa basurahan, kaya tinigil ko ang kahibangan dahil nga alam ko, baka puppy love lang ito.

grade 2 ako.. sexy!
grade 2 ako.. sexy!

grade 6 ako... pwede!
grade 6 ako... pwede!

lumipas ang taon, grade six na kami, classmate pa rin kami, pero ang turingan namin sa isa’t isa ay kaibigan lang, yung bestfriend ko nga dati ang nanliligaw sa kanya noon, nilalakad ko pa nga siya, kahit minsan, nagseselos ako, ok lang, bata pa naman ako, saka di ko na iniisip yang love love na yan.

nakagraduate kami ng grade school… isang araw, may tumawag sa bahay namin…

Potpot : Hello?

Agnes : Pwede po bang makausap si Potpot?

Potpot : Eto na, sino po sila?

Agnes : Si Agnes to!

Potpot : O, musta na? Sasagutin mo na ba yung bestfriend ko? Wala siya dito.

Agnes : Hindi, ikaw ang gusto kong makausap, pwede ba?

Potpot : Oo naman, basta ikaw. Ano ba yun?

Agnes : Lilipat na kasi kami ng bahay, hindi na ako mag tutuloy ng high school sa atin.

Potpot : Ayyy, nakakalungkot naman, pero di bale, pag nakalipat ka na, tawagan mo lang ako ha.

Agnes : Eto na rin yung huling tawag ko kasi wala rin ata kaming telepono dun.

Potpot : Kainis naman to…

Agnes : Saka nga pala, crush kita…

Potpot : ANO?!?! Hello?? Sino ito? Joke ba to? HELLO!

Agnes : Ano ka ba, hindi. Matagal na kitang crush.

Potpot : Bakit ngayon mo lang sinabi, kung kailangan aalis ka na at wala ng chance na magkita tayo…

Agnes : Sinabi ko na kesa naman itago ko lang ang nararamdaman ko at di ko nasabi sa iyo…

Potpot : So… ano na?

Agnes : Anong ano?

Potpot : Kainis naman, to..

Nag-usap kami ng higit 2 oras, kwentuhan tungkol sa mga nakaraan at sana magkita pa kaming muli…

In fairness.. magaling magkubli ang mga babae sa feelings nila, hindi ko akalain na nagkagusto sa akin si Agnes, pero sayang, eh di dapat grade 2 pa lang may gf na ako.. ehehehehe kayo, kaya nyo bang sabihin sa isang tao na gusto ninyo siya, ngayong may edad na kayo? sige nga! sagot!

20 thoughts on “the crush…

  1. pambihira! sa litrato pa lang tawa na ako ng tawa!! hahahahahaha.

    pre hawig na hawig mo ung father mo ah.

    anyways may sasabihin din ako sa iyo pot. crush kita. hahahahahahahaha.

    seriously magaling talaga magtago ang mga babae ng mga feelings nila. pakipot efect nila yan pero sa huli gustung gusto ka naman nila. haayyyy.

    ayos ba paremoy.. eheheheheh
    oo hindi lang hawig, kamukha ko pa daw.. inay!
    talaga pare.. crush mo ako.. ahahay! ako din crush kita pare! ahahay!

    oo sobrang galing.. nakakainis nga lang kasi.. pwede namang sabihin ng maaga di ba.. hihihi

  2. ayos sa comment si gma, pero totoo ang sinabi nya ayos na ayos ang picture mo lalo na nung grade 2. hehehe At talgang copycat ka ng erpat mo parang sya din yung katabi ni patrimonio.

    kaines ganung pagkakataon noh? kung kelan aalis na saka sasabihin syo … so pagkagraduate nyo ng college nagkausap pa ulet kyo?

    kakatuwa pagnagrereminisce ka, dame naten kwento sa buhay…

    ganyan talaga kami magmahalan ni gmac.. ahahay! ehehehe kamukha ko ba tatay ko… naku wag mong sasabihin sa kanya yan at magwawala yan.. ehehehehe

    sobrang kainis talaga, di na kami nagkita ever.. pramis…

    sarap talagang ibalik ang nakaraan.. ehehehehe

  3. aha! eto na ba ang pruwebang hinahanap ko? hehe!

    nway… kung minsan, hindi naman dahil sa tinatago namin… mahirap kasing ipakita na lang basta kasi sasabihin ninyo, ang landi namin… ang unfair di ba? pero sa totoo lang, pag me crush ako, either sobrang daldal ko kapag kausap ko sila sa personal… or… most of the time, hindi ako nagpapakita kasi natotorpe talaga ako… hehehe

    sabagay may point ka lenggai.. pero di ba… sayang naman, minsan kasi kailangan naming mga guys ng konting paramdam.. minsan kasi engots kami sa ganyan.. hihihi… iniisip ko kung gaano ka kadaldal lenggai pag kaharap mo crush mo.. ehehehehe

  4. You would know my answer to that, Potpot *winkwink*

    Meron akong napanood na Simpsons (sa “The Movie” yata ito) … advise ni Marge sa nanggigigil niyang anak na si Lisa, “You’re a woman, you can hold it forever!” Totoo yun, fear of rejection aside!

    fear of rejection… so alam nyo na feeling ng mga guys.. hihihi *winkwink*

  5. ahehehe! ka cute naman ng posing pot hihihi kikay na kikay ang dating nyaahaha!

    ako pag nagkakacrush ako tinatago ko din.. hehehe at mahirap makita na crush ko ang isang tao, kasi di ko sya pinapansin saka lang ako titingin pag di sya nakatingin hehehe.. kita mo kay mang jose kung di nya ako niligawan di pa nya malalaman ahihi😉

    syempre kikay tayo! hihihi

    ang daya naman ninyo… magbigay naman kayo ng kahit konting hint… di naman kami manghuhula no.. hihihi

  6. Ang sexy ng pose mo dun ah hahaha!!! Mas ok yung nasa topmost, kasama si idol:) Carbon copy mo pala dad mo:)

    thanks sonnet… sexy di ba.. hihihi… ang bait niyang si alvin patrimonio.. as in.. idol! wag kang maingay sa tatay ko ha.. ayaw niyang sinasabing magkamukha kami.. hihihi

  7. talgang dapat maaga maglandi?? heheeh

    hayaan mo na! ok lang yun!? hanapin mo ulit sya baka kras ka pa rin nya. eheh😀

    kikay no ayz.. ehehehehehehe…

    naku.. hindi na.. ok na yun… wish ko happy siya ngayon.. hihihi

  8. hay naku!..kung taguan lang naman ng nararamdaman eh magaling ako jan..

    …kaya ayun kakatago-kakatago hanggang ngayon ala pa rin bf…

    …but now i’ve learned my lesson pag may gusto na ako sa isang boylet super amin na agad ito hanggang sa malaglag sya sa kinaroroonan nya…heheheh

    ..mahirap kasi kapag tinatago baka humoba!…ahihihihi

    excess: potpot!..ang cute ng pix mo nung kabataan mo ah…may potential kang maging Little Ms. Gay!!.wahehehehe:P
    …carbon copy mo nga si padir…ang cute nyo!..hihihi

    buti kamo at hindi ako natuluyan ano.. ehehehehe
    tama yan.. aminin ang dapat aminin.. para walang regrets.. o di vah! hihihi

  9. ayun, ayun ang pamatay na picture. hahaha. nung fourth year high school ako, may nilalakad sa kin yung crush ko mula gradeschool.sabi ko sa kanya, bakit ba kasi kung sinu-sinong nilalakad mo e ikaw ang gusto ko.naman! wasaaaaaak!!! hahaha! o diba, malakas loob ko. ang haba ng kwento ko. parang entry na to.

    yung sa multiply ko, tama ba yung pagkaintindi ko na isa lang yung pic na nakita mo? hmm. marami yun e. as in maraming folders. napaisip tuloy ako kung nakaprivate ba ko….

    hi cecille! so anong nangyari? nanligaw sa iyo yung nanlalakad? o wala.. kwento mo naman! hihihi
    ok yung multiply mo, parang ako lang ata ang nagengot at di ko alam kung paano buksan ang mga pics mo.. ehehehehe thanks thanks! gusto ko ding mag surf!

  10. hmmm, kung taguan lang din ng feelings hindi lang yun dahil sa magaling magtago ang mga babae, mas madalas kasing mahina makagets ang mga lalaki!

    pero totoo, maraming mga instances noon na naisip ko sana pinakita ko na lang sa kanya (yung may obvious na pagpapakita, kasi di niya magets yung subtle lang) na like ko din siya kasi masyado siyang eengot engot at naiintimidate at natatakot kaya tuloy para kaming urong-sulong, are-we-friends-are-we lovers and drama.

    basahin mo yung bago kong post Pot ha, andun ka.

    oo nga.. aminado naman kaming engots kami pagdating jan.. ehehehehe pero alam mo naman kapag may something between the two of you.. sometimes actions speaks louder than words.. yun nga lang ang mga lalake.. kailangan ng words kasi bobito pagdating sa action.. hihihi..

    uyyy ano kaya ito.. sige basahin ko ha! parang kinakabahan ako ah…

  11. ay anubayan? haha.. naunahan ka pa ni girl sa pag amin e di nawindang ka. hehe

    magaling talaga kaming magtago ng peelings..

    at kahit makita ko pa ngayon si george clooney, hindi ko siya ia-eyes to eyes. parang wala lang akong nakita. ganon.

    hahahhaa

    kaloka itong post mo

    oo nga, eh nauna naman akong umamin sa kanya, grade two pa nga lang, yun nga lang.. late na siyang nagparamdam.. grade six na… pero saludo ako sa mga talent ninyong mga gerls ha… att teka… kung ako makakita kay george clooney… walang sabi-sabi.. sunggab agad siya.. hihihi…

    kaloka ba… hihihi

  12. hahaha kakakilig naman pero kakabitin! pero di ba at least may closure! True un!! May kras na kras ako nung elementary … tas ngaun after 16 years at guranggots na kami, at nagkahananpan sa prenster nagkaaminan na. hehehe. o di ba huling hirit ng karengkeng. pero un nga, lagi ka mapapaisip…ba’t ngaun lang, e di sana…. (Ogie Alcasid sings in the background…)

    yun nga eh.. yung mga what if ang gusto mong malaman.. kung mag wowork ba kung naging kayo… hay… pero in fairness.. kapag tanders ka na.. malakas na ang loob mong sabihin sa isang tao na crush mo siya.. siguro dahil mature ka na.. ganun ba yun.. hihihi thanks eyna!

  13. hahahaha!
    ayayay pahg-ibihggg..
    nakakakilig parang sine.

    hahaha..
    natatawa lang ako,
    talagang grade 2 ka pa lang po nun?
    at krass ka rin pala nung agnes a..

    sayang naman at hindi natuloy,.

  14. Sobra naman hehehe:) Xerox na xerox kaya kayo:)

    ehehehe sabi nga ng nanay ko… mahirap nga naman daw kung hindi nila ako anak kasi daw nung pinanganak ako.. ako lang daw yung nasa nursery at lahat daw ng higaan ng bata ay nakataob…. pero at least di ba.. bigote pa lang.. alam na niyang anak niya ako.. eheheheh

  15. Hi. I was looking for blogs with posts regarding crushes. I found yours. I thought, could I be the only adult person blogging about crushes? But I found you. Hello, potpot. 🙂

    Ang cute ng reaction mo “nakakainis ka naman e”, sana pag nasabi ko na sa crushes ko na crush ko sila, ganyan lang din ang maging reaction nila🙂

    why not mushy… sometimes you have to take the risk.. malay mo di ba.. crush ka rin pala niya… go go go! thanks sa pagdaan.. napadaan na rin ako sa blog mo… pramis.. naaliw ako.. hihihi kaso medyo confused ako… tatanong ko sa iyo privately 😉

  16. Yiheee!! Nakakakilig naman to!! Pero malay mo… “somewhere down the road, your roads are gonna cross again”… (sabi nga sa kanta!) Ahaha! =P

    naku nadz.. di na ako umaasa… sadyang may mga pagkakataon na hayaan na lang nating di na magkita pa ang landas ninyo.. ehehehehe pero what if nga o.. hihihi landi ko na naman…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s