the flert part two….

nagbalik ako sa bangko noong nakaraang linggo, ako lang mag-isa at hindi sumama si R, eh sa malamang kailangan kong tumuloy kasi kailangan kong magpadala ng pera para sa mag-ina ko.. pangbayad sa tution fee at pang field trip… anak ng tinapay, kinder may field trip na.. parang wala akong naaalala na nag field trip ako nung kinder ako ah…

anyweyz.. nandun si Ms. Employee.. in fairness blooming siya, bagong rebond ang buhok at makulay ang kasuotan (red and yellow).. nung mga oras na iyon, NAPAKARAMI.. oo hindi eto exageration, NAPAKARAMING tao sa bangko, at parang nasa pinas lang ako, ang saya-saya…

umupo ako sa may bandang dulo upang mag observe sa mga nangyayari sa loob… may nagkukwentuhan, may mamang kumakain ng mani, may nagbabasa ng libreng magasin, may nag kokol a friend gamit ang daliri at ilong (alam nyo na to di ba?) at ang target ko na maobserbahan ay si Ms. Employee…

medyo mukhang pagod na siya kasi sunod-sunod ang mga lumalapit sa kanyang customer. hindi muna ako nagpapansin, naupo ako at naghintay….

sa bandang kaliwa ko, may nakaupong babae, nakapalda siya, pinay na pinay ang features niya at  morena… kinalabit ako ng babae kaya ako napatingin… nakatitig siya sa mga mata ko… kaya agad-agad kong sinuklian ang mga tingin na malalagkit… ngumiti siya… aba.. ngumiti din ako…

medyo gusto ko munang magsuplado kaya humarap uli ako sa direksyon ng pagkakaupo ko… kinalabit uli ako ng babae… and this time hinawakan niya ang braso ko… napatingin ako sa babae at napangiti… aktong uupo siya pero makikita mong off balance siya, agad ko siyang inalalayan, hinawakan ko kamay niya at inusog ang upuan… sabi ko pa nga “ingat”.

maganda ang ngiti ng babae… sa pagkakataong iyon. kumakain siya ng parang snack na pahaba, at nakatingin siya sa akin habang kinakain niya ito… inalok niya ako at nangiti akong tumanggi..

mapilit ang babae at kalabit siya ng kalabit. nung humarap ako sa kanya, may ititnuturo siya pero nakatingin lang ako sa kanya…

hindi na ako nakatiis, kaya naglakas loob akong nagtanong…

“Misis, ilang taon na itong anak niyo?”

“Dalawang taon na siya this october”

“Cute naman…” sabi ko.

batang babae po ang tinutukoy ko…🙂

mabalik tayo kay Ms. Employee.. inabot ko na yung remitters card ko at nung nakita niya ako, yung ngiting nakita ko na kita gilagid ay muli kong nakita… assuming ako masyado no.. pero nakikilala pa niya ako… magandang senyales yun…

nung tinawag ang pangalan ko, lumapit ako at nangumusta..

Potpot : Uyy musta na… daming tao no?

Ms. Employee : Oo nga sir, kakapagod na nga eh. *ngiti* paki fill-up nyo lang yan sir then hintayin ninyong tawagin number ninyo dun sa counter *ngiti*

Potpot : Ok.. thank you _________ ha.

Ms. Employee : Anytime sir…

Bumalik ako sa kinauupuan ko at sinulat ko ang detalye ng account ko… nung ako na yung tinawag sa counter.. maayos naman akong nag salita..

Potpot : Good morning!

Teller : Good Afternoon Sir…

Potpot : ayy sorry, hapon na pala *ngiti sabay abot nung papel*

Teller : *simangot* sinong nagbigay sa inyo nito sir?

Potpot : si __________.

Teller : Walang ________ dito, sino sa kanila ang nagbigay sa inyo nito? *sabay tingin sa grupo ng mga babae sa kabilang counter*

Potpot : siya yung naka red and yellow na damit.

Teller : hindi si ______ yan, si _______ yan….

tinawag niya si Ms. Employee at inisip kong hindi sila close and posibleng dalawa ang pangalan ni Ms. Employee kasi nakalagay sa name tag niya ay yung pangalang binigay ko sa teller… medyo suplada si teller…

Teller : ikaw daw nagbigay kay sir nito, pirmahan mo ito…

Ms. Employee : Ok po..

natapos yung transaction at sinabihan ako ng teller..

Teller : sir, sabihin ninyo agad sa amin yung extension ng visa niyo ha, mag eexpire na kasi eh.

Potpot : ahh ok po, inaayos na po ng kumpanya namin.

Teller : basta sir sabihin ninyo agad ha.

Potpot : ok po, thank you.

Teller : thank you din sir, at mag-ingat kayo…

Ano yun? takutin ba ako na baka mahuli ako ng japanese government dahil malapit ng mag expire ang visa ko.. iba yung tono ni Teller, masungit.. di ko siya feel.. ehehehehe..

Inayos ko ang bag ko at tumingin sa side si Ms. Employee, medyo malungkot siya at nasa photocopy machine, nakatingin ako sa kanya ng 5 segundo ng napatingin siya sa akin, tinaas ko ang kamay ko at nag wave goodbye ako…

nakita ko na nawala ang lungkot niya, pinakita ang ngiti na kita gilagid at ang kanyang kaway… paano ko ba maeexplain…. parang wala ng bukas yung kaway niya… cute siya….in fairness…

so hindi pa rin sapat ang mga ebidensya na flirting ang mga nangyayari, pero at least may mga indications na posibleng lahat ng lalake doon sa bangko ay nakikipag flirt siya… pero nagtataka rin ako uli… halos lahat ng nasa counter ni Ms. Employee ay lalake, at nung inoobserbahan ko siya.. hindi ko nakita ang ngiti niya habang kausap ang mga customer.. assuming ba ako? what do you think? parang mas successful pa yung batang babae eh…

20 thoughts on “the flert part two….

  1. waa… ang payat mo na kuya Pot… heheh…

    about naman sa video.. inde nga??? hehe.. ganun sya kumaway?? grabe naman yun… parang malungkot sya talaga at natuwa nung nakita ka.. hehe.. mas maganda sana kung siya mismo yung nakunan mo ng video.. hehe.. sayang..

    pero ang kulit nito ahh.. hehe..

    payat na ba? kulang pa no…
    oo ganun talaga siya kumaway.. syempre di nakuhanan ng video.. bawal.. pero sa susunod sisimplehan kong picturan.. pramis…

  2. wait!!!

    wala ka pala sa finas!! hayuf!!! bat nagtatagalog ang mga tao??? hehehe

    it can be a form of flirting, pero i think you made her feel better just by smiling and waving goodbye at her. ako habit ko kapag christmas shopping to always say merry christmas, it always makes the sales people smile.. alam mo na yun lang ang compensation nila sa init ng ulo ng mga taong pinagsisilbihan nila..😀

    korek ka ayz.. wala ako sa pinas! hihihi
    tama ka rin ayz, maybe napasaya ko siya kasi she had a tough day… at least di ba.. napasaya ko siya at nakyutan ako sa kanya.. hihihi

  3. Ang galing may AVP para malinaw ang kwento hehehe:) Tingin ko pa rin may gusto si Ms. Employee sa friend mo kasi according to your story, she looked sad that day pero nung nakita ka biglang sumaya. Ganun yon para you would put in good words for her sa friend mo. Malisyosa ba ako or what? Hahaha!!!

    nice observation sonnet.. eeheheh ang husay mo talaga!

  4. potski hindi mo hiningi number? hehehe
    anyways hindi flert yun sa aking opinyon kasi kung flert yun tatagal ka pa ng may ilang minuto dun kahit na maraming tao.

    korak gmac! ahahahahah hindi na ako nagtagal kasi di siya ang type ko.. si manong elevator boy ang crush ko!! ahahay!

  5. POT!!! Tawang tawa ko dun sa kaway niya!! Haha! Ang galing mo mag reenact ah! Pwede nang mag artista!! =))

    thanks nadz.. mag woworkshop ako para mas lalong gumaling.. hihihi

  6. nyahaha.. talaga bang cute yun? parang napapathink twice ako eh… grabe, teka lang hinga lang ako para akong tangang tumatawa dito eh… add kita sa blogroll ko ha…

    thanks sa pagdalaw sa bahay palasyo ko sana mapadalas pa… cheers!!!;p- glesy the great

    ayos? ayos!

    http://anakngpiso.wordpress.com/

    salamat din sa pagbisita mo… add din kita ha… lagi kong pupuntahan bahay mo… uutang ako…

  7. eheheh ngayon ko lang napanood ang video mo, aktor ka nga……pero may mga taong ganun kala mo naka-prozac lagi, pero parang ecstatic lang siya pag kaw ang kaharap—sige, ifee-feed ko ang delusyon mo….

    BFF nga kita Kat… hihihi

  8. hahaha..
    mukang ikaw ata ang madedebelop ke ms.employee, kuya pots.

    delikado..
    ahahaha..

    gudlak sayo🙂

    ay hindi ako madedebelop sa kanya.. nadebelop na.. hihihi

  9. ahahaha pot ang kulit ng video mo nyahaha!😆

    tinitignan nila ko humahagalpak ng tawa dito sa office!!! hmmm as in nakakatuwa yun pag wave nya hihihi😉 pati ngiti nyahaha!

    o sayo ako natuwa??? galing!😀

    at least napasaya kita ms lambing.. hihihi pero seryoso.. ganun talaga siya…

  10. pot, off topic, pero bakit ganun?pagnakalog-in ako sa wordpress, at nagcomment ako sa blog ng iba, walang link yung pangalan ko pabalik sa blog ko. pero lumalabas yung avatar ko, pero yung name ko hindi naki-click.

    naku kat, di ko rin alam.. hihihi

  11. ayos potpot, with video coverage pang kasama ha? tingin ko nakikipag flirt nga sau yung babae…chos! nyemas na employee yun…

    sabunutan ko kaya siya lhay no… *pugay sa mahal na reyna*

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s