the triangle…

last week, pagkatapos ng klase namin sa nihonggo, kasabay kong umuwi ang mga kaibigan ko….
isa sa kanila na itatawag natin sa pangalang J.. ang nilagay namin sa “hot seat” dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay…

may nagpapatibok kasi ng puso niya ngayon.. pero ang sabi niya hanggang friends lang daw sila.. dahil ngayon lang daw niya naramdaman ang isang nakatatandang tao na kapareho ng kanyang hilig sa buhay…

hinding hindi daw pwedeng lumagpas sa pagiging magkaibigan ang kanilang turingan… eh di todo tanong kami para isiwalat niya ang mga matatamis na sandali nila… so eto ang kwento ng kanyang not so love life kuno ever….

last month daw sila nagkakilala sa church nila, si J ay Filipina, at yung guy naman ay Norwegian…. may chemistry daw sa kanilang dalawa kasi nagkakasundo sila sa mga piling bagay na si J lang ang nakakaintindi.. sabi nga ni J boring daw siya, pero pag kausap niya si guy, hindi daw siya boring.. charing!

Ang mga simpleng usapan ay napunta sa araw-araw na pag tawag ni guy kay J at balak pang tulungan si J na makapunta sa bansa ni guy dahil maraming opportunities doon… napakabait naman ni guy.. sana maging friend ko rin siya…

Eh binubuyo namin siya na dalaga naman siya, at binata si guy, so pwedeng magkatuluyan sila.. pero hindi daw, masaya lang daw siya at may nakakaintindi sa kanya.. at parang “kuya” daw ang turing niya sa guy… sabagay… malapit ng mag-40 daw yung guy at siya naman ay di pa lumalagpas sa 25, so ginamit niya ang age bilang isang factor…

Pero ang hindi ninyo alam ay may isa pang lalake ang nagbibigay kulay sa buhay ni J, at tatawagin natin si guy sa pangalang A… si A naman ay galing pinas, nakipag sapalaran din siya dito sa Japan, pero ang nakakapagtaka… kung hindi daw dahil kay J.. wala daw siya dito.. O DI BA! TODO NA TO!

Tinatanong namin si J kung may nararamdaman siya kay A, pero mariin niyang itinanggi dahil may gf na daw si A at talagang hinding-hindi daw… pero.. umiral na naman ang pagiging “assuming” ko….

sa pinas kasi, magkaibigan na si A at si J… mula grade 1… pero along the way.. hindi naging maganda ang pagkakaibigan nila dahil si A ay super achiever, si J naman ay simpleng mamayan sa kanilang bayan…

Lumipas ang taon at napunta sa isang prestihiyosong unibersidad sa los banos si J, at akalain mong si A ay naroon din…

Nung nakagraduate at nakapagtrabaho si J… akalain mong naging mag office mate pa sila ni A…

at hanggang dito sa japan, na wala naman silang pinag-usapan… nagkita na naman sila… hmm… destiny ba?

hanggang ngayon ay di pa namin alam ang totoong score sa kanila.. siguro marahil, maghihintay na lang tayo ng development sa kanilang 3.. kayo sa tingin ninyo, sino ang mas matimbang?

btw… nitong linggo, bumalik ako sa bangko na sinasabi ko sa inyo.. pero hindi na sumama ni R, wala naman daw siyang gagawin doon, pero dahil kailangan may update ako sa mangyayari, nalaman ko kung totoo ngang pa-cute si Ms. employee sa kaibigan kong si R.. so abangan ninyo yan.. bukas…

pasensya na kung walang pictures.. bawi ako sa susunod.. pramis! babooooosh!

10 thoughts on “the triangle…

  1. Chismis corner ito hahaha!!! Lagot ka sa friends mo:) Pero dun sa kwento mo tungkol kay J, A at Norwegian guy, tingin ko si J and A have a thing for each other pero in denial sila kasi they’ve known each other since childhood kaya nakakailang nga naman. Tingin ko wala naman lalim ang tingin ni J kay Norwegian guy. Tingin ko lang naman base sa kwento mo. Parang natutuwa lang sya dun:)

    ang galing mo sonnet, yan din ang sabi ko! pwede na akong kolumnista ng blind items.. eheheheh ewan ko ba, di pa nila aminin mga nararamdaman nila… pambihira…

  2. makikipagpustahan ako dito. pa-cute lang si miss banker.😀

    hihihi.. pag napost ko na yung kasunod.. hihihi malalaman ang susunod na katanungan.. (hindi yung kasagutan eh.. ehehehe)

  3. boy abunda ikaw ba yan? hahaha.
    potski ung picture ni ms banker ha. hehehe

    kung nakaharap ka sa salamin.. hihihi… susubukan ko paremoy ah.. subukan kong makunan siya sa susunod kong visit…

  4. hmm… kilala ko yan lahat… weee… magaling talaga ako sa chismis…

    inde mo nasama, si Norweigian guy ay uuwi na sa kanilang bansa… Tapos baka sa pinas naman daw ang susunod na destinasyon… at in fairness, si Norweigian guy ay nasa Nagoya… sa isang prestihiyosong unibersidad dito sa Nagoya.. ahaha..

    waaa.. naku magagalit sakin si J nito… hehe…

    aba mas marami ka pang alam na chika virex ah!! hihihi masabi nga kay J yan.. eheheh

  5. …kung parehas single si A at si J ( pakituktukan nga sila pot para sa akin)…pinapatagal pa eh!!…sarap nilang dagukan!..(joke lang po! hihihi)..

    ehehehehe ewan ko ba.. well that is life.. hihihi

  6. aba, international ang beaty ni J, at may sunod-sa-japan factor pa. Ü

    sinabi mo ba gravity… international talaga… at take note.. serendipity ang pagkakasunod ni A kay J dito sa Japan… bongga!

  7. ay ang galing. pag ganitong maulan at malamig, wish ko lang, sana ako si J. kahit wala pang confirmation mula kay A, at least, masarap kiligin. lol!

    super kilig to the max.. pramis…

  8. naku kung ako kay J eh dapat kalimutan niya na si A kasi kung talagang feel siya non eh sa dami ng pagkakakataon na magiging sila dapat eh dapat naging sila na. asa lang siya diyan.. take it from me, pinagdaanan ko na yan ..

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s