the courtship…

pearly white teeth..
pearly white teeth..
parang na stroke lang..
parang na stroke lang..

nung elementary ako, ugly duckling ako, pero nung nag highschool daw ako, naging swan ako… sabihin na ninyong makapal ang mukha ko pero totoo ang lahat ng mga kwento ko dito.. kaya nga kwentong barbero eh…

hati ang buhok..
hati ang buhok..

first year high school.. naiba ako ng section, yung section na dapat ay kasama ko mga kaibigan ko nung grade six, hindi ako nakasama sa kanila, pero masaya ako sa bago kong section dahil marami akong naging bagong kaibigan…

hindi ko akalain na ang mga babae noon ay medyo aggressive.. ninanamnam ko pa ang pagiging isang high school student nang merong isang babae na nakitang may potential ako…

tawagin na lang natin siya sa pangalang “Lorena”. Transferee siya from another school at medyo nabighani ata sa kakisigan ko *pagbigyan na ninyo ang kakapalan ko please..*.

sa ibang section si Lorena at kaibigan niya ang isa sa mga classmate ko, transferee din siya… tawagin na lang natin siya sa pangalang “Sherilyn”.. crush ko kasi si “She” kasi simple lang siya at cute ang dimples niya.. bagay kami noon kasi may dimples din ako…

pero dahil torpe ako noon, hanggang crush lang ang alam ko… kainis nga ako…

si Lorena yung tipo ng babae na wala pang flag ceremony nasa room namin, naiintindihan ko siya kasi nandoon ang kaibigan niya.. pero naman.. iba siyang makatingin… may halong… pa-cute!

araw-araw tambay siya sa classroom namin, at during recess nandun din siya.. natutuwa naman ako kasi libre ang recess ko dahil binibilhan niya ako ng softdrinks at sandwich… siguro noon mahilig na talaga ako sa pagkain at naniniwala kasi akong di dapat tinatanggihan ang grasya.. kaya kapag inabot niya sa akin.. dalawang kamay ang nakatanghod para kunin ang grasya…

may iba palang kahulugan yun sa mata ng ibang mga kaklase ko… at nasabihan na nga ako na.. NILILIGAWAN DAW AKO…

HUWAT?!?! panliligaw na ba yun… kalalake kong tao, ako liligawan… medyo nag nosebleed ata ako nun, medyo mahaba ang hair ko ha.. pero dahil hindi ko pa naiintindihan ang rules of engagement ng babae at lalake, unti-unti akong lumayo.. natakot ako.. di pa ako ready mag commit.. pag-aaral muna… *parang totoo no*

dumating na rin sa punto na inaabutan na ako ng mga love letter, at may nagbigay sa akin ng rosas… saan ka pa.. di ba girl na girl ang feeling ko…

ok lang sana kung kay Lorena lang… medyo kaya ko ang isa eh… juice ku po! may isa pa akong nabulag! sa kasamaang palad, nakalimutan ko name niya, pero tawagin natin siya sa pangalang “Karen”, maganda si Karen at di ko man aminin noon, nag ka crush din ako sa kanya… hindi ko rin kaklase si Karen, ibang section din siya, nagsimula iyun ng abutan niya ako ng letter.. at yung letter na yun ay ang pag-amin na siya ay may gusto sa akin.. flattered naman ako.. kilig ng konti pero may problema eh…

vertically, di kami compatible… bakit kanyo, inay, nakatingala ako kapag kausap ko siya.. paano kung umbagan ako nun, takot ko lang… mabagal kasi ang development ng mga lalake compared sa babae kaya nauuna silang tumangkad, pero grabe ang tangkad niya.. kaya sino ba naman ako, isang punggokekok.. kaya lumayo din ako… natakot ang tamang tema…

naalala ko din noong foundation day namin, 2 beses akong kinasal, isa kay She at isa sa higher batch. ang masaya dun yung kiss the bride.. kasi medyo “virgin” pa beauty ko nun… pero ang sayang gunitain ang nakaraan… syempre nakahalik ako, sa pisngi nga lang…

sensya na kung makapal ang mukha ko… pagbigyan na ninyo ako.. noong panahon pa naman ni kopong kopong yun eh…. sige na.. please….

13 thoughts on “the courtship…

  1. potek na mga babae yan..ganyan talga siguro nung panahon mo noh? maxadong agresibo mga babe..buti nung panahon ko ano……mas agresibo!!!! lols..

    ayy sobra.. siguro mas expressive lang ang mga babae kumpara sa lalake.. noon ah.. ewan ko lang ngayon..

  2. pambihira talaga mga pictures mo pre malulupit. hahahaha. pero sa totoo lang ayoko na rin tignan mga litrato ko nuong bata ako dahil baka mas matindi pa jan ang makita ko. hahahaha.

    subukan ko nga din magkwento tungkol sa aking nakaraan. pot gawin mo ngang tag ito. hahahaha.

    teka sabi ko na nga ba malupit ka pagdating sa chicks. dapat pre tinuruan mo ako nung magkasama pa tayo sa dos. hehehe

    naku paremoy.. magpahalukay ka ng pics mo noon tapos pa scan mo.. nakakatuwa kasing isipin na eto ka nung bata ka…

    naku paremoy.. kulang ata ang isang post pag kinuwento mo mga naging love interest mo.. ehehehehe

    malupit? look who’s talking… mana lang ako sa iyo no eheheheheh…

  3. ayos sa pics ah, parang theory of evolution… from chitae to tarzan!!! haha sana may video din!!!;p video.. video.. video…

    “iba siyang makatingin… may halong…pa-cute!”–> akala ko sasabihin mo may halong kamunduhan eh… nyahaha

    “kaya kapag inabot niya sa akin.. dalawang kamay ang nakatanghod para kunin ang grasya…”–> haha parang hindi ka talaga marunong tumanggi ah…

    ikaw ang kerengkeng mo!!! kurutin kita sa singit eh.. cheers!!! glesy the great;p

    naku.. wala pa akong video noon… di pa uso ang cellphone nung panahon ko.. hihihi
    walang halong kamunduhan.. wala pa akong muwang sa ganyan.. hihihi
    oo naman.. grasya yan.. bawal tumanggi.. lalo na pag libre!
    oo naman.. kikay ako.. hihihi cheers glessy!

  4. ang haba ng hair mo idol. hehe… kakainggit ka naman.. ako, college na naglandi eh. lols!

    naku apollo… kung alam mo lang.. iba talaga ang feeling.. ayy ang landi ko nga! hihihi kwento ka rin!

  5. naku ha, pot, heartthrob ka pala noon! nasan na yung cute na binata sa picture?san mo dinala?

    sana pala ganyan din ako agresibo nung high school. di sana hindi ako nabroken-hearted sa isang lalaking kelaki-laki naman ng ikinaganda ko para sa kanya (kala mo kaw lang mayabang…)

    at dahil di ko parin mafigure out kung paano magkakalink yung pangalan ko, eto na lang:

    heartthrob noon.. heartattack ngayon.. hihihi kinain ko ata yung binatang sinasabi mo.. hihihi
    ang yabang yabang mo talaga kat! buti na lang may ipagmamayabang ka! hihihi
    at dahil hindi mo pa rin alam kung paano maglagay ng link.. ako na ang naglagay ng link para sa iyo..

  6. ay, hindi napasok yung comment ko kanina….huuuuuuu……

    ang sabi ko, hearththrob ka pa noon, pero anong nangyare???

    peace!

    at wala pa ring link sa name ko

    napunta sa spam.. pero nilagay ko na sa comment.. eto na ilalagay ko na yung link sa iyo…

  7. natawa ako sa ngipin..halatang takot sa sepilyo!..wahahaha

    hay naku kat Carneo..maski ako wala pa ring link..wala si pot2 may favoritism..hmp!hehehe

    di lang takot.. ayaw ko talaga.. hihihi… oi pero ngayon ah.. nagsisipilyo na ako.. once a month.. hihihi
    nasa blog roll na kita melanie..

  8. pot, batang flert ka pala. haha..
    korak!

    susme kay dali dali mo palang lasunin noong hayskul ano? at kahit anong pagkaing i-abot sa yo e dalawang kamay pa ang sasalo. haha
    syempre naman grasya yan eh.. hihihi

    sa school naman namin pag fiesta eh ako naman yung nanghaharbat ng boylet para ma-kiss.
    e di kikay ka rin pala munggo.. hihihi

    wahahaha

  9. ay kaaliw itong story mo, na trigger rin mga memories kung nang kabataan ang mga crush -crush at corny love letters.. hay buhay.. parang super tagal na non ah?? (ngek talga namang ang tagal na non!!! considering my age ha) nevertheless, katuwa mga pictures mo..

    thanks pokwang.. pero wala sa edad yan.. hihihi

  10. ang haba nga ng hair. akalain mong may nahumaling ng ganyan sa yo. hehehe. peace.🙂 in fairness, mukha kang mahinhin nung high school. di pa ko makadecide kung complement ba ang gusto kong ipahiwatig o ano. haha.

    maski ako di ko alam kung bakit sila nahumaling… mahinhin…dutin ako nung high school.. hihihi.. hmmm.. mas ok kung compliment.. hihihi thanks cecille!

  11. nyaha! ayos sa evolution ahh *parang ape lng ahh*…

    este, nung panahon mo pala nag umpisa ang pagiging agresibo ng mga kalahi ko…tama si lhay mas naging *agresibo* expressive kami…ako panay kindat lng sa type ko,err buti na lng hindi nahipan ng hangin ang mga mata ko at hindi ako duling ngayon.. nyahahaha!

    pagkain lng din pala ang katapat ni potsie,hmmmm…. madaling painan ang batang ito,makahanap nga ng krispy kreme dito.. hahahahaha!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s