what’s your name?

Na tag ako ni naglalambingnacute

Rule: List all the names you were called by and the people who call you that. Tag at least 5 members of your contacts and give a comment on their site for them to know theyfve been tagged.

1. Potpot – eto na ang tawag sa akin ng mga magulang ko, kapatid ko, mga friends ko, mga bagong kakilala na gusto kong maging ka close, at kung sino-sino pa… simula nung sinilang ako, ang sabi ng nanay ko madali daw tandaan kaya eto ang pinangalan niya sa akin.. ang layo sa Florante no?

2. Florante – tawag sa akin dito sa opisina, hindi ko na pinabago kasi gusto kong marinig ang mga hapon na mahirapan sa pagbigkas ng pangalan ko.. minsan napagpapalit nila ang L saka R nagiging Frolante ako.. hehehehe

3. S3 – tawag sa akin nung officer ako sa CAT nung high school, yan ang pinakamayabang kong pangalan kasi nung mga panahon na yan lumaki ang ulo ko at yumabang (ayon sa aking pananaw)

4. Potski – tawag sa akin ng mga tao kapag gustong pasosyalin ang pangalan ko, pwede naman akong matawag na potski.. may dating kasi.. cute kung baga.. hihihi…

5. Potah – tawag sa akin nung high school din kapag may gusto sila galing sa akin Ex. “Pot ha, yung promise mong donut!”. Pina-igsi kaya naging Potah, parang mura no, kwento k osa inyo some other time yang pangalan na yan.. tawag pa rin sa akin yan ng bestfriend kong si Gem.

6. Titonong – tawag sa akin ng dalawa kong bibong pamangkin/inaanak.. si Miguel at si Daniela..

7. Kapatid – tawag sa akin ng ate Tage ko, yan din ang tawag ko sa kanya.

8. Anak – tawag sa akin ng nanay at tatay ko.. syempre.. alangan namang ampon ang tawag sa akin di ba…

9. Dad/Daddy – tawag sa akin ng wife ko at ng anak ko… o di ba…

10. Arcilla – tawag sa akin nung college kasi yun yung laging tinatawag kapag roll call..

11. Honey/Baby/Mahal – tawag sa akin ng mga naging gf/bf sa buhay ko.. ahahay!

12. Kuya Pot – masakit mang sabihin pero eto ang tawag sa akin ng mga nakababata…

13. Emcee Mwahugz – tawag sa akin nung nagtatrabaho pa ako sa Home Cable.. kung bakit emcee mwahugz.. kwento ko sa mga susunod na post…

14. Potsquared – tawag ko sa sarili ko kapag kausap ko ang sarili ko (baliw ako! baliw!)

15. Sir Pot – parang supot no… tawag sa akin ng mga tumuturing sa akin bilang teacher nila.. sa kalokohan! bwahahahahaha…

16. iSnAbErO/DevilsOwn/Speedracer/Francesca/umbrella’ – tawag sa akin sa mirc chat…

17. Boy – tawag sa akin noon sa jeep pag nag-aabot ng sukli..

18. Manong/Mama – tawag sa akin ngayon sa jeep kapag nag-aabot ng sukli.. ampft…

19. Brod/Tol/Pare – tawag ng mga macho…

20. Sister/’Day/Manash – tawag ng mga kikay…

21. Pookie – tawag nila lhay at issey sa akin sa plurk.. pambihira…

22. Paremoy/Parekoy – tawag ko sa mga kumpare ko at mga tao sa ABS noon.

23. Prend – tawag ko sa pinsan kong nasa US ngayon. Tawag ko din sa best prend ko sa ABS, si Mnemo.

24. Cyber BFF – tawagan namin ni Kat kapag usapang ewan..

juice ko po.. madami na to.. tama na!

Ang aking itatag ay sina gmac, the kat, muymuy, lhay, at si lenggai… sumagot kayo!

11 thoughts on “what’s your name?

  1. potsquared din ang tawag namin sau nina Leizl at Camille pag pinag-uusapan ka namin!

    Cyber BFF and tawag natin sa isa’t-isa pag seryoso usapan natin. (Kumusta na ang puso mo, Cyber BFF, nag-iisip ka pa rin ba?)

    Salamat sa tag mo, gusto ko to!

    http://katcarneo.wordpress.com

    oo nga ano.. cyber bff.. sige add ko yan… wag mo kong tatawaging potsquared sa personal ha..

  2. hahahahha…at isa pang ahahhahaha…

    ..natawa kasi ako sa Potah lalong lalo na sa SIRPOT na parang supot!!!..wahhahah

    …excited ako..first time kong ma-tag..eheheh teka ha sasagot lang ako…weeeeeeeeee

    kaya mo yan muymuy.. you have the power!

  3. Sir Pot… ehehehe… sounds funny nga… hehe.. Pookie… mas nakakatuwa… eheheh… Potah d best… ehehe…

    sakin nga tawag joklang xave wehhh… ahaha.. lagi kasi akong niloloko sa skul.. after akong lokohin sinasabi nila “jowk lang xave”. kaya ayun… kamusta naman yung kinalabasan dba….

    naku xave. ok lang yan.. sabihan mo rin ng jowk la ka din!

  4. wala lang yung iba kasi masyadong sensitive sa mga ganyang bagay, sarap batukan, pa-istar ang dating.. ahehehe… buti na lang di ka pikon… thanks…;p.. cheers!!!

    basta ikaw glessy no problem! cheers!

  5. boy ang tawag sa iyo ng nagaabot ng sukli? owssssss… hehe

    o sige. iisipin ko nalang na 98 years old ang nag-aabot ng sukli.

    ang tawag saken ng tatay ko ay gaga kapag sweet mode siya. hehe

    oo boy ang tawag sa akin, pero noon yun.. kaw naman.. hihihi
    ayos din ang erpats mo no.. napaka sweet.. may kasama bang flying tsinelas yan?

  6. ang cute ng post na ‘to. andami! natawa naman ako sa ‘alangan namang ampon di ba?’ haha. onga naman.🙂

    thanks cecille… buti naman at nagustuhan mo… ang sagwa di ba.. tawagin kang ampon… ehehehehe

  7. paremoy cyber bff?? hahahahaha.
    sorry natawa lang ako. anyways dami name ah. teka gagawa nga pala ako neto at natag din pala ako. hahaha.

    oo paremoy.. cyber bff.. long story yan.. pramis… oo gumawa ka na at ng mabasa! hihihi

  8. hoy potsquared.. ni tag mo ako..nyay!! dami mo naman namesung, hehe.. thanks! di pa ako nag uupdate sa blog ko kinalawang na dahil sa plurk..nways,..thank you Kuya!!! muwah! miz u na!

    oo naman lhay.. special ka sa akin eh.. pero wag na wag mo akong tatawaging kuya.. sasabunutan kita! hihihi

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s