muling nagpaalam…

hindi ako nakagawa ng farewell tribute sa mga bagong umuwi sa amin galing dito.. so eto yung tribute ko sa kanila..

Dingdong, ang roommate ko… ingat ka sa pinas pare, balita ko nakabili ka na ng motorsiklo.. ingat-ingat lang sa pagmamaneho… yung pinagusapan natin nila mars na magkikita tayo at ililibot mo kami sa pangasinan at baguio… sana matuloy yun… manlalalake pa tayo.. ahahay! goodluck tsong.. mamimiss kita…

Abel, dati naaasar ako sa iyo kasi sinosolo mo ang cellphone natin pero tapos na yun at nung mga huling buwan, naging magclose tayo… pasensya ka na sa akin, basta pag wala na akong trabaho dito, ipasok mo ko bilang teacher sa pinagtuturuan mo dati.. saan ka na ba nagtatrabaho ngayon. balitaan mo ako… mamimiss ko sa iyo ang dance moves mo… isa ka sa nagbigay ng kulay sa atin dito sa japan.. ingat pare…

Jay-r… medyo mahaba ito kaya sisimulan ko na… Jay-r… tol, hinding-hindi kita makakalimutan… isa ka sa mga nagbigay sa akin ng inspirasyon para magpapayat at alam mo na ito dahil nasabi ko na sa iyo ito… maaalala ko ang mga salita mo na “Why not?”, “Motivate yourself”, “Kaya ko to”, “May ganoon???!?”, “Imbyerna”, at kung ano-ano pa… sayang nga lang at nitong huling buwan lang tayo nagkaroon ng UBE (Ultimate Bonding Experience).. pero hindi ko maipagpapalit ang bawat araw na magkakasama tayo.. salamat ng marami dahil malaki ang naitulong mo sa pagkatao ko.. isa kang tunay na kaibigan.. masasabi kong napakaswerte ko at isa ako sa mga kaibigan ni Juan Rodrigo B. Villanueva… reach for your dreams, alam kong kaya mo yan, i believe in you pare, and i will pray that someday, you will be ok with your family.. nandito lang ako sa iyo tol, magkikita pa tayo sa pinas.. alam ko yun.. magiingat ka lagi… mamimiss kita… walang drama moments.. ayokong maiyak… yan muna.. hihihi

5 thoughts on “muling nagpaalam…

  1. pre pansin ko lang. nagkakaubusan jan ah. baka last man standing ka na lang jan. hehehe.

    ang sweet naman ng testimony! ahahayy!! anu ba yan.

    madami kasing naging problems sa agency.. pero saka ko kwento pre.. eheheheh

  2. ay oo nga kapansin-pansin nga yun..bakit nga ba panay ang pamamaalam ng iyong mga kaibigan jan?…

    ganun talaga ang buhay melanie.. may darating.. may aalis.. *hikbi*

  3. you look like the brother of my friend.. hehehe

    they’re lucky to have you as a friend too.. nice tribute😀

    kamalas naman nung brother nung friend mo kung kamukha ko nga siya.. hihihi
    i am also lucky to have them as friends.. thanks ayz!

  4. potsquared, pag ako ba umalis..igagawa mo din ba ako ng tribute? hehe..may question ako, nung name nung guy sa header pic mo, yung nsa pinaka kanan na naka gray shirt? hehe..

    oo naman lhay.. ikaw pa… gagawan kita syempre…
    umiral na naman ang kakikayan mo! hindi ko sasabihing Richard ang pangalan niya at di k osasabihing wala pa siyang GF at di ko rin sasabihing 22 anyos pa lang siya!

  5. Richard??? Hmmm..22???Hmmm,24 ako hmmmm,madami nmn ako nka relasyon na 2yrs younger dan me,so keri na,pot number and email and fs and multiply please…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s