the flert.. the final episode…

nagbabalik ang blogserye ng totoong flert… well sa tingin ko hindi nga flert…

handa ko ng bigyan ng konklusyon ang mga kaganapan sa tuwing ako ay magreremit sa pilipinas…

Eksena : Isang pinoy bank sa japan…

Mga Bida :  Potpot – bilang wancho..
Ms. Employee – bilang claudia..

Oras : Ala-una ng hapon..

Extra : Si manong na nawawala ang passport…

Pumasok ako ng bangko.. tumingin sa paligid.. napakaraming tao.. naisip ko na nasa sabungan ako sa sobrang dami ng mga nagchichikahan at nagkukwentuhan…

Dumeretso ako sa la mesa ni Claudia upang ibigay ang remittance card at passport ko dahil kailangan ngang ma-verify ang extension ng visa ko…

Claudia : Linggo-linggo ka ba nagpapadala sa pinas?
Wancho : Hindi, once a month lang.
Claudia : Pero parang last week nakita pa kita dito, hindi ko nga napirmahan yung papel mo.
Wancho  : Ahh, last month pa yun, matagal na yun ah…
Claudia
: Ayy sensya na.. kala ko linggo-linggo ka nandito.. *smile*
Wancho : Pasensya nga pala napagalitan ka ata nung Teller last time..
Claudia : Naku wala yun, hindi naman ako pinagalitan..
Wancho : Ahh ok *smile*
Claudia : Saan ka nag pa-renew ng visa mo?
Wancho : sa may yokohama, nandun yung immigration bureau.
Claudia : ilang days bago malagyan ng sticker yung passport mo?
Wancho : 2 weeks padadalhan ka ng letter, then babalik ka, tapos ayun may bagong tatak na sa           passport mo. Pero dapat one month before expiration nakapunta ka na dun.
Caudia : naku, sa oct 16 na ang expiration nung sa akin, medyo busy pa naman kami dito.
Wancho : kailangan mong asikasuhin baka mahirapan ka.
Claudia : Sa wednesday available ako *sabay tingin kay Wancho*
Manong : Miss, magreremit ako..
Claudia : ok po sir, yung alien card po at passport nyo po?
Manong : nawawala passport ko eh tapos yung alien card ko expired na.
Claudia : ganoon po ba sir, sandali lang po ah..
Manong : ok..
Claudia : Taga saan ka kuya? taga las pinas ka di ba?
Wancho : Hindi, yung isang kasama ko yun, taga-tondo ako..
Claudia : SAAN KA SA TONDO?!?!
Wancho : sa gagalangin..
Claudia : may friend ako sa tondo, isang taga bangkusay at isa sa tayuman..
Wancho : talaga? *smile*
Manong : miss.. matatagalan pa ba yan?
Claudia : sandali sir, pinapaverify pa po namin, kasi yung last remittance ninyo ay 1998 pa.
Manong : oo nga eh..
Claudia : *pumunta sa likod at pinapunta yung manager kay manong*
Wancho : tinawag na number ko sa teller…
Claudia : o sige, thank you ha..
Wancho : *smile*
Claudia : *smile with matching beautiful eyes*

Ang mga sumunod na eksena ay hindi na angkop sa mga mambabasa.. bakit kanyo? wala na kasing nangyari… nung nakapag bigay na ako ng remittance, sumenyas uli ako kay Ms. Employee at ang kanyang famous wave with matching smile ang muli kong nakita…

napagtanto ko… hindi nga flirting na matatawag yung mga nangyari kasi wala namang malisya sa kanya ang tumulong sa mga customers.. yun nga lang.. bakit natatandaan pa niya yung mukha ko? di ba dapat pantay-pantay ang tingin niya sa mga customers? it is unfair! bakit ako lang? bakit? BAKIT?!?!

ano reaksyon ninyo?

11 thoughts on “the flert.. the final episode…

  1. isa lang ang masasabi ko, iba na talaga kapag macho! ahahayy!! potski piktyuran mo naman si claudia minsan. hehehe.

    sa sususnod na pagremit ko paremoy.. kakapalan ko na mukha ko.. pramis… ehehe

  2. at baket todo assist sya sayo samantalang kay manong e halos inis sya sa pagsagot. ahihih

    oo nga, patingin naman ni claudia :p

    naku ewan ko ba… itatanong ko sa kanya.. hihihi.. hayaan mo ayz.. mapipicturan ko rin siya… thanks!

  3. Galing sa Gagalangin, Tondo yung bestfriend ko nung highschool na number one troublemaker sa school.
    sa tingin ko hindi siya troublemaker… misunderstood lang.. hihihi

    At hindi bagay sayo ang pangalang Wancho, pramis. Pwede na ang Floyd.
    bakit naman floyd?

    At Floyd, naisip mo na ba na imahinasyon mo lang ang pagbbeautiful eyes niya?
    hindi ko naimagine yun.. kitang-kita ng apat na mata ko yun!

    Well, palagay ko, dahil sa nakikipag-friendly ka rin sa kanya, eh sumasakay naman siya. Una, dahil hindi ka naman kahindik-hindik sa pangingin niya. Pangalawa, dahil boring ang trabaho niya at nakaaliw paminsan-minsan na may makausap.
    may point ka dito kat…

    At kung feeling mo nasisingle-out ka niya sa mga cliente niya, eh, malay mo naman, marami siyang nasisingle-out, hindi lang kayo nagkakasabay-sabay. So baka akala niya ikaw yung nakalandian niya last week hehehehe!
    oo nga ano.. selos ako.. hihihi

  4. You probably have what’s called “face value”. Naks, talaga naman!

    Or maybe you just subconsciously flirt with any cute girl. My old man is kinda like that, madalas ko nga siya masipa sa ilalim ng la mesa tuwing kakain kami sa labas. “Did you just make eyes with the waitress?!” LOL.

    face value… hmmm.. wala naman ata lyssa…
    subconsciously.. pwede bang consciously na lang…hihihi

  5. basta ako, flirt pa rin ang huling paghuhusga ko. haha. ginamitan ka nya ng famous wave with matching smile. yun na yun! =)

    oo nga cecille.. tama ka.. the famous wave and smile… AYUS!

  6. bakit kaya parang ang dami mong blog entry tungkol ke Ms. Claudiaa???..oiiiiiii pag-ibig:p

    hindi pag-ibig yan melanie… paghanga lang…

  7. hello potpot. ang tagal ko nawala. ang gulo kase ng buhay ko. haha. ngayon ko nga lang nakita na nag comment ka din pala sa post ko. na-confuse ka ba? sorry, puro kase codenames… saka alam ko na, iniisip mo, sa mga posts, kung … babae ako or lalake?😀 hahaha.

    O magulo ka lang? Bakit? Bakit ikaw lang? Hahaha. Kakatuwa ka talaga magsulat🙂

    iiiskedyul ko na basahin yung mga namiss ko dito. haha.

    hi mushy!! medyo nagegets ko na kung ano ang kasarian mo… isa kang… hihihi

  8. saka nga pala, potpot. lilipat ko panandalian yung blog ko sa ibang lugar. kase, nakita na ata nung mapagmasid na ex ko yung blog ko, eh kaya ko nga yun ginawa dahil ayokong makita nya. haha. babalik ako.

    Mabuhay ka!😀

    sige aabangan ko.. hihihi dami mo kasing ex eh…

  9. sorry flooding, eto na yung bago kong URL, juancho. este, wancho. (sorry atat magpost, tagal ko na di nakakita ng computer)

    ok lang yan.. hihihi basta ikaw.. malakas ka sa akin eh.. thanks!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s