napuna ko lang….

isang taong natiis… isang taon kong natiis ang mawalay sa aking bansa at sa aking pamilya… mahirap din pala ang nasa ibang lugar lalo na kapag hindi kayo gaanong nagkakaintindihan. eto ang koleksyon ng aking mga puna (observations) sa bansang hapon kumpara sa bansang pinas.. sa mga mambabasa, ito ay pawang sarili kong obserbasyon at pawang akin lamang.. kung may napuna kayong mali o hindi kayo sang ayon sa mga nilagay ko dito.. pwes.. gumawa kayo ng sarili ninyong blog! letch!

1a. Hindi naliligo ang mga hapon sa umaga, sa kadahilanang ang iba ay naliligo sa gabi (smell of bedsheet and morning breath)

1b. Ang pinoy kahit walang paliguan, nakakaligo pa rin (kung dadaan kayo sa mga lugar na hindi uso ang banyo, isang malaking banyo ang labas ng bahay nila.. with matching shampoo, conditioner pa!)

2a. Mababa ang crime rate dito sa japan (mataas naman ang suicide rate)

2b. Mataas ang crime rate sa pinas (dahil maramig walang trabaho at walang pera)

3a. Walang pakialam ang mga hapon kung ano ang suot ng mga tao (kahit weird)

3b. Fashion Consultant ang lahat ng mga pinoy (sa araw-araw na lang, may macocomment ang pinoy sa damit ng tao na makakasalubong mo o makakasabay sa FX or jeep or bus)

4a. Halos lahat ng tao dito sa japan ay sungki (mahal ang magpadentista)

4b. Halos lahat ng tao sa pinas ay bungal (walang perang pampadentista)

5a. Halos lahat ng tao dito sa japan ay workaholic (saturdays and sundays may pasok)

5b. Halos lahat ng tao sa pinas ay alcoholic (24/7)

6a. Ang pagbati ng hapon ay ang pag bow, pagpaalam din nila ay pag bow (parang aiza lang)

6b. Ang pagbati ng pinoy ay ang pagtaas ng kilay, pagtango at pag-apir

7a. Ang mga lalakeng hapon ay mas maganda pa sa mga gf nilang hapon

7b. Ang mga lalakeng pinoy ay mas bakla pa sa mga gf nilang pinay

8a. Ang unang sweldo mo sa japan ay makakabili ka na ng laptop

8b. Ang unang sweldo mo sa pinas ay makakabili ka na ng kahon ng laptop

ang saya di ba… puwes ganon talaga…

13 thoughts on “napuna ko lang….

  1. natawa naman ako sa lage tayong lasing, 24/7.. may katotohanan ito..
    o di ba.. totoo naman ayz.. hihihi

    at promise.. popogi ng mga jap.. kaya nga crush ko talaga yung artista sa dragon sakura e😀 tsaka si jun matsumo at si oguri shun😀 ahihih *kilig*
    ako si ikuta toma .. ahahay! ano ba yun!

    at oo nga naman.. pang kahon ng laptop lang ang mabibili mo.. maswerte ka pa nga kung makakabili ka ng kahon, dahil more often than not e babayad mo pa sa mga utang mo yun.. yung inutang mong pangbaon at pamasahe para pumasok.. kumbaga, break even😛
    korekness!

  2. Hello! hehehe…
    hello din!🙂

    Kakatuwa naman ang poste mo!
    salamat po ng marami!

    natuwa kami ng sweetie ko. hehehehe. galing!
    super salamat talaga! sana di po kayo magsawa.. hihihi

  3. …koyek yung ibang mga hapon..yung iba lang ha!..hehe ang popogi..
    hindi sila pogi eh.. magaganda ang mga lalaking hapon!

    …basta ako ang crush ko si Shaider Pulis pangkalawakan!..
    si shaider… eheheheheh… ako din ata.. ayy si annie pala.. hihihi

    …Bluehawk!
    may lalabas na bang spaceship?

    …shigishigi wakashigi uwaaaaaaaa..shigi shigi!!…hehehehe
    time space warp.. ngayon din!

  4. ahahaha.. adik!!! mas maganda pangalan ng mga kontrabida nila… si pukirampa!!!, sino pa nakakaalala nun?
    pukirampa.. saan yan? sa pokemon ba yan?

    (kung dadaan kayo sa mga lugar na hindi uso ang banyo, isang malaking banyo ang labas ng bahay nila.. with matching shampoo, conditioner pa!)- natawa ako dito…
    pramis.. meron nito malapit sa amin….

    pero kahit ano pang mangyari, mas ok pa rin ang pinoy… cheers!!!-glesy the great;p
    of course! the best pa rin ang pinoy!

  5. 1a. parang koreano, at yung iba ay hindi araw araw maligo
    bakit kaya?!!?

    2a. parang koreano din. buhay pa rin ang harakiri
    ang titino naman nila pero mahilig silang magpakamatay.. weird..

    3b. eheheh guilty ako dito
    aha!

    4a. in pala ako diyan sa japan! dahil sawang sawa na ako na mga nagtatanong sakin ba’t di ako nagpa-braces nung bata ako (wala kaming peraaa!) at nagsusuggest na magpabraces ako ngayon (ang trabaho ko ay nakasalalay sa maayos na pronunciation!!!) dahil sabi nila, “maganda ka na sana, kaya lang…..”
    kat.. kahit sungki ipin mo.. at kahit hindi ka maganda.. ikaw ay ikaw.. kaya nga… hmm.. wala…

    7a. totoo ito! sabi nung friend kong tumira sa japan, magaganda daw ang mga lalaki dun.
    nagaahit pa kamo ng kilay…

    7b. pero hampaslupa yung boypren ko
    oi wag mong gaganyanin si ferdie my labs!

    8a. syete, natetempt akong mangibang bansa (hinde!!hinde!!i lab pilipins!!!)
    oo masarap pa rin jan kat..

  6. 4a. Halos lahat ng tao dito sa japan ay sungki (mahal ang magpadentista)

    4b. Halos lahat ng tao sa pinas ay bungal (walang perang pampadentista)

    – bahahaha natawa ko jan ng husto

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s