OMG!

kauuwi ko lang galing office last friday, at medyo down ang pakiramdam ko, kasi nalaman kong hindi ako makakapunta sa Tokyo Game Show next week. Isang taon kong pinaghandaan ang event na ito at naplano ko na kung ano ang mga gagawin ko doon…

1. Magpapicture sa mga naka cosplay.

2. Kumuha ng mga libreng posters at CDs.

3. Maglaro ng mga bagong games na hindi pa nilalabas sa market.

4. Maghanap ng gwapong hapon.

Pero gumuho lahat iyan ng nalaman kong may trabaho ako ng October 11 at 12 (saturday and sunday).

Super depress ako.. tulala ako sa tren nung pauwi at gusto ko na lang pugutan ang ulo ko sa pamamagitan ng nail cutter para maibsan ang nararamdaman kong sakit sa dibdib.

Paglabas ko ng istasyon ng train, dumeretso muna ako sa bilihan ng mga household items sa diaso kasi wala na akong garbage bag. Naisip kong magsindi na lang ako ng katol at yung usok ay isaklob ko sa ulo ko gamit yung garbage bag… nung magbabayad ako.. isang imahe ang agad kong nakita sa cashier… OMG! OH MY GULAY! SI KONNO MY LOVE!

Super ganda niya nung nasa cash register siya, naka clip yung hair niya, walang make-up at  nakamaong siya… binati niya ako at inabot ko ang garbage bag habang nakatitig ako sa kanya… talagang nakapako ang mga titig ko sa kanya, hindi ko inaalis, at para akong nahypnotize sa ganda niya… nung mga sandaling iyon.. naging lalake akong muli.. tumibok ang puso ko…

hindi siya makatingin sa akin pero assuming ako dahil alam ko na alam niya na nakatitig ako sa kanya… at ng inabot niya ang sukli sa akin.. sumulyap siya sa mga mata ko at binigyan ako ng napakatamis na ngiti… OMG uli! natunaw ako at halos nangatog ang tuhod ko… sana nakipag usap ako sa kanya.. at sana bumalik ako at bumili pa uli ng isang garbage bag ng magtagpo uli ang aming mga mata…. lumalandi na naman ako.. hihihi

umalis ako ng daiso ng maluwag na ang pakiramdam ko… kaya nga nung pauwi. para akong si little red riding hood.. pa skip-skip pa habang naglalakd pauwi.. siguro kala ng mga tao may saltik ako.. pero who cares… nabuo ang araw ako dahil kay KONNO MY LOVE! *bow*

11 thoughts on “OMG!

  1. ang landeh mo talagang jinayufak ka, di kna naawa sa nailcutter, pupurol pa yun isasama mo pa sa kabulastugan mo tska di lang nila inaakalang may saltik ka talagang may saltik ka lang…hehe,jokeness to potness!!! Mwahhh, misunasaplurk!!!

    sensya na lhay.. that is life! miss you din! mwahugz!

  2. hoy florante, kumekerengkeng ka na naman… ahaha… di ka na naawa dun sa babae, baka natakot yun sa titig mo at baka sa sobrang gigil mo nakalimutan mong itago yung pangil mo.. ahaha-cheers!!!-glesy the great
    sensya na glessy the great.. hindi ako nakapagpigil eh.. hihihi actually nakita niya buntot ko..

    konting swabe naman sa titig baka mukha kang manyak ha.. dyok..;p
    sana hindi naman.. ehehehehe.. medyo pa cute nga ako.. ampft…

  3. hoy potpot anong kalokohan ito (sampal, tadyak, headbutt) at bakit lumalandi ka na naman.
    ouch! that hurts! pero dahil kaibigan kita.. ok lang…

    mahilig ka pala sa haponesa. at alam mo bang half-haponesa yung friend ko na may picture sa flickr ko na nagcomment ka at sabi mong mahal mo na siya?
    hindi ako mahilig sa haponesa.. kamukha lang kasi niya si kim chu.. syempre pinay pa rin ako… pero mahal ko na yung kaibigan mo.. kailan mo ako pakikilala?

  4. teka! kelan cya bumalik.. crush ntin cya eh.. ahehe! at least khit pano naging ok ang araw mo khit bago k man lng umuwi.. =)
    pang gabi na ata siya every friday… na tyempuhan ko lang jane…

  5. ang lufet mo talaga paremoy. unisex anf tipo mo. nung dati puro katawan ng mga hapong lalaki ang kinekwento mo sa akin ngayon naman isang titig lang naging si red riding hood ka na? hahahaha. joke lang.

    ayyy kilala mo naman ako pare.. chickboy.. pwede sa chick.. pwede sa boy.. hihihi

  6. sana meron k pic ni konno para mapintahan din namin (stolen n lang, kung ayaw nya pa-pic sayo hehe)

    baka in-love kna talga ah at napabago n ang tingin mo sa sumdo😉 pis!

    hayaan mo vhincent, tityempo ako… hihihi

  7. hi pot! si Konno ba ay isang Hapones? =)
    yes summer!

    have a great week ahead!
    sad to say.. hindi maganda week ko…

    miss ko na plurk moments natin.. kaya lang.. you know naman db? =)
    yeah yeah.. mag ingat kasi jan sa office…

    tc…
    tc din!

  8. heehee. kakatuwa ka naman pot😉 btw, do you go to the franciscan chapel in roppongi? i think i saw you there😉

    sad to say caryn sa may yamate church ako sa may yokohama… maganda ba jan.. parang gusto kong magsimba jan…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s