Emcee Mwahugz…

Wala sigurong nakakakilala kay emcee mwahugz… kaunti lang kasi ang nahumaling sa text chat sa TV noon…

simulan ko ang kwento…

Year 2002… kasalukuyang ineenjoy ko ang ang bakasyon ko na mahigit isang taon (oo nag bakasyon ako sa loob ng isang taon after kong mag resign sa unang trabaho ko) nasa bahay ako ng mga pinsan ko at nanonood kami ng AXN, umaga noon, ang palabas ay “Slamdunk”…

habang enganyo kami sa panonood at pagngata ng Tomy.. nasabi ng isa kong pinsan..

Lonlon : Kuya Pot, alam mo ba yung “Link TV”?
Potpot : Hindi, ano yun?
Ombey : Ano yun kuya, text chat sa TV.
Potpot : Text chat sa TV? ano yan.. magtetext ka tapos lalabas sa TV?
Lonlon : Oo kuya pot, ganoon nga.. *sabay lipat ng channel*
Ombey : Ayan kuya o… *turo sa TV*
Potpot : Ano yan.. mag-aaksaya ka ng load para mag text sa TV na wala namang nagbabasa?
Lonlon : Nakakatawa yan kuya pot, ang kukulit ng mga message saka pwede ka request ng kanta.
Potpot : Sige register ako, tapos trip tayo! ehehehehehe

Ilang araw din kaming nagchat, at kahit maubos-ubos ang load.. nakakaaliw nga siya pag lumalabas ang pangalan namin at binabati namin ang aming mga sarili sa “Link TV”.

Isang araw, habang abala kami sa pag “apir” dahil nakita namin ang pangalan namin sa TV (mababaw lang talaga kaligayahan namin), may advertisement na nakalagay “Be an admin for a day”.. sabi ng mga pinsan ko..

Ombey : Kuya pot, sali ka jan dali! para mabati mo na kami kahit hindi na magtext!
Lonlon : Oo nga kuya pot, ang kult nun!
Potpot : oo nga ano.. ehehehe mukhang masaya nga yan.. sige!

Kinuha ko ang email address at nagpadala ako ng resume ko pag dating ko sa bahay. Agad na may reply kinabukasan, tinawagan ako ni Rhea, at sinabi niya na overqualified daw ako kasi ang main purpose nila is to increase viewership by inviting chatters… pero kung gusto ko daw, merong opening for an admin for another channel…

Aba, trabaho.. isang taon na rin akong di nagwowork.. so kinagat ko ang offer… at Friday nun nung pumunta ako for interview, submission ng requirements at contract signing… may trabaho na ako! woohoo!!

Lunes ang start ko at na-assign ako sa “The Lounge” channel.. more on new chatters ang target ng channel ko at mga newbie sa tv-chat… Nung una ay hesitant ako kasi bago sa akin ang ganitong trabaho.. pero nung lumaon ay nasanay na rin ako… nakikipag batian ako dati sa mga pinsan ko habang kausap ko sila sa telepono, at aliw na aliw ang mga kumag!

Sa trabaho namin, bawal i-reveal ang gender, edad, at bawal ding makipag friendly-friends sa mga chatter.. kasi nga naman masisira yung mystery ng isang Administrator or Emcee… pero dahil isa akong pasaway na bata (ever since pa naman).. i broke the rules and with that i opened a new window of opportunity for my chatters… REAL INTERACTION!

lahat ng chatters na pumupunta sa “Lounge” ay binabati ko ng masayang “Hello (insert name here)! Welcome to the Lounge *mwahugz*… wala akong pinatawad.. mapalalake or mapababae… it is a sort of welcome para hindi sila mahiya na mag text at magrequest ng songs.. lahat ng mga sinasabi ko ay nilalagayan ko ng *mwahugz* kaya hinahanap hanap ng mga chatters ko…

Hanggang sa yung ibang chatters ng Link ay lumipat sa Lounge kasi masyadong congested sa Link at hindi lumalabas mga message nila… at minsan, hinahanap ng mga chatters ang warm presence ni Emcee Mwahugz… para akong DJ na nagbibigay ng payo, nakikipag tawanan, nangungumusta ng buhay-buhay, at proud ako na nakilala ko dati ang mga chatters ko by their names… kasi gusto ko personal dahil gusto ko friends kami…

Dito na naglabasan ang mga lalake ko.. hihihi <— landi mode… akalain ba ninyo, dahil hindi nila alam kung lalake ba ako o babae.. may 3 na nanliligaw sa akin on-air (o di ba haba ng hair ko!) pero syempre, pakipot ng kaunti at sinabi kong hindi pwede sa trabaho..

Karamihan sa mga babaeng chatters ko ay nagpupunta sa office para magbigay ng pagkain, or para lang malaman ang hitsura naming mga admin/emcee.. nagkakaroon din ng mga EB na kung saan umaattend ako para makita ko ang mga hitsura ng mga chatters ko, pero hindi ako nagpapakilala na ako si Emcee Mwahugz…

Marami ring nanghihingi ng number ko pero hindi ko maibigay, laging sinasabi ko ay wala akong load… sabi nila itext ko lang daw sila at bibigyan nila ako ng load… aba.. sinubukan ko nga… nagtext ako sa kanila at akalain mong 300 load ang padala! hindi pa kasi uso ang E-load noon… madami rin akong nakausap sa phone at naging phone pals…

After 3 months, iniwan ko rin ang The Lounge dahil tumawag ang dream company ko at para ma pursue ko rin ang pinag-aralan ko nung nag kolehiyo ako… pero isa lang ang masasabi ko, nung ako ay nagtatrabaho sa Home Cable, eto yung pinakamasayang trabaho ko, kasi napakabait ng mga tao sa office at napakabait din ng mga loyal chatters ko… miss ko na sila.. san na kaya sila?

10 thoughts on “Emcee Mwahugz…

  1. parang mas type ko pa din yun Emcee Potsky lols…
    naka naman artistahin talaga ang mga ka plurk ko… wa ako ma say…. penge namang isang mwahugz diyan😛

    mwahugz!

  2. Wahaha ayos to.

    Kung hanggang ngayon eh dyan ka pa rin nagttrabaho, eh di sana nabiyayaan mo ko ng mga chicks.. este load at mga pagkain pala.

    naku nathan.. na recommend pa sana kitang admin for the day.. lalabas mukha mo sa tv.. dadami fans mo… papautangin mo na rin ako

  3. …whaaa..tinatawanan ko lang dati yang chat tv na yan..yun pala ok ang perks ng trabaho jan!!! taray…300 agad ang load.hehehehe!!!!

    nung una nakakatawa. kasi nagchachat ako dun.. pero nung ako na yung nagtatrabaho dun.. aba.. saya pala! 300.. san ka pa.. hihihi

  4. so now I know Kung bakit magaling kang mambola dahil pati ako ay nabola mo, madami ka ng experience sa bolahan. Joke!! Na-adik din ako sa chat tv pero isang araw lang ha?

    hindi ako magaling mambola.. marunong lang…. at alam ko adik ka sa lahat ng bagay lhay! nywahahahaha

  5. hindi ako naging fan nun dahil sa hindi malamang kadahilanan..pero natuwa ako sa kwento mo! napatigil nga ko sa ang haba ng hair mo! kala ko kung ano na kasunod ng kwento…

    ang haba ng hair ko.. dahil sa mga boylets ko di vah! hihihi

  6. kelan to.. parang inde ko nalaman yan ahh… mahilig din ako sa ganyan weh.. may clan pa nga before sa chatrooms sa tv… at in fairness, dahil dyan, ang laki ng bill ko sa phone… weeee…

    **anu po pala yung picture sa page mo?? sang pic po yun??? sinu po yung haponesa?? eehehe

  7. pambihira ka talaga paremoy ako ung manliligaw mo dati. hahahahaha.

    pre naalala ko itong ganitong chatting nung nasa tarlac kami nila kalbo alex at chief wilbert nagkaron kami ng gerl habang nasa coverage sa may hotel na tinuluyan namin. mwahahahaha. pero dati yun. gud boy na ako ngayon. hehe

  8. ahaha.. very homosexual ah… di lang mahaba ang hair mo, nakatirintas pa!!! ahahaha… ang sarap naman na trabaho nyan maganda ang tip….

    meron akong kaibigan naadik sa ganyan ewan ko lang kung yan yung sinasabi nya.. ako malamang di ako sasali jan kasi lagi naman akong walang load… ahahaha… cheers!!!;p

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s