tama na yan… uwian na!

punyemas na party yan…

last week, nagkaroon ng salo-salo ang department namin dahil naabot ang quota for the quarter kaya may celebration, gusto kong tumanggi kasi nakabudget ang pera ko, pero bawal daw tumanggi, so sige sali lang, ang binayad ko.. tumataginting na 5000 YEN! in philippine peso.. it is about 2050 pesosesoses! So expected ko na pag ganyan ng binayad ko, buffet ang pagkain! puro pork, beef, chicken, fish at kung ano-ano pa! anak ng tinola.. akalain mong puro GULAY ang inihanda! Drink all you can nga.. puro alak naman! eh nagbabawas na ako ng alak.. gusto ko ng magbagong buhay!

Kaya ang ginawa ko.. habang nagtutunggaan ng alak ang mga hapon, nilantak ko ang pwedeng lantakin! sayang ang binayad ko at kailangan kong maibawi! madami na akong mabibili sa 5000 yen na binayad ko.. kaya sorry sa inyo.. susulitin ko ito..

ang huling sinerve ay pasta.. medyo ok na sa panlasa pero dahil medyo nabusog na ako sa cabbage at pipino.. medyo di na nakayanan ng tiyan ko.. beer lang ang ininom ko kahapon, at demure effect ako para di agad malasing.. aba.. loko tong boss namin.. nagpa order ng sake.. at ako lang ang uminom.. napasubo na naman ako.. so sige.. pakitang gilas ako.. naubos ko ang isang bote (mga 300 ml).. aba hindi pa nakuntento.. UMORDER PA ULI! since drink all you can naman daw kaya ok lang.. medyo nararamdaman ko na na umiinit ang dibdib ko, at medyo niyayakap ko na ang katabi kong hapon na mas macho pa sa akin.. pero sige.. carry lang…

buti na lang at may time limit na 2 hrs ang party.. kaya nakaligtas ako.. naubos ko lang ang kalahati nung pangalawang bote.. medyo groggy ako pero nakauwi naman ako ng matiwasay…

wag na ninyo akong tanungin kung may picture.. ayokong maging official photographer ng mga hapon.. ilan silang babae doon.. 5.. ni isa walang nagdala o naglabas ng camera.. ano ako bale?!?!? NO WAY!

nagiisip na nga ako ng palusot next time na magkakaroon ng inuman.. ayaw ko ng gumastos.. uuwi pa ako ng pinas sa december.. wala na akong panlibre sa mga nasa pinas! (parang manlilibre ako no.. ehehehehe).. kayo.. may suggestion ba kayo para makalusot ako sa inuman?

18 thoughts on “tama na yan… uwian na!

  1. hay naku pot2 kala ko nmn kung ano na ehh… hehehehe…! joke lng…. sabihin mo mei advise seo ung doctor mo na bawal ka muna uminom, dhil mei digestive disorder ka… iwas-pusoy kna nian for sure… ^__^

    sana maniwala silang mga sakang…

  2. sabihin mo allergic ka..tapos sabay ubo ubo..may sakit!!! hehehehe… sabihin mu nalang pasensya na magchachat kami ni misis ngayon..daming dahilan kung ayaw mu talag pot2…

    sabagay.. kung gusto.. maraming paraan.. kapag ayaw.. madaming dahilan..

  3. kung ayaw may paraan …😉
    korek!

    ano nga ba? sabhin mo may sakit ka hhihi
    i am sick.. and tired of you guys.. hihihi

    kasama ba ko sa ililibre mo pot??😉
    oo naman adelle.. basta punta ka manila… not unless kasama ka sa nueva ecija..

  4. Pot… tama yang gagawin mo magtipid ka… manlilibre ka pa sa EB natin sa Pinas. bwahaha… Sabihin mo may allergy ka sa alak…. namamaga yung ano mo pag nakakainom ka.

    oo tapos ipapakita ko yung namamaga kong…. lalamunan…

  5. sabihin mo may nabasa ka sa dyaryo na nakakabaog daw ang alak…. para lahat kayo di na iinom… ahehehe.. mahirap tanggihan ang tagay pero marami naman talagang dahilan para makaligtas ka ang problema lang 2/3 ng katawan mo nananabik din.. ahahaha…. salamat nga pala sa pagmarathon sa blog ko… cheers!!!;p

    gusto kong iminom. . pero putek na halaga yan.. ginto!

  6. ang mahal naman! naku! kaya ako, di ko rin gusto yung ganyang kainan, kasi di naman ako malakas kumain, di ko nasusulit yung pera ko..
    nanghihinayang kasi ako.. ang mahal eh…

    pero buti ikaw kahit papano, nasulit mo😀
    kailangan kong sulitin.. nuknukan ako ng tipid eh.. hihihi sayang yung 5000 yen ko..

  7. hay naku! sana ipinadala mo na lang dito un 5k yen mo, madami pa sana nabili…
    oo nga…

    basta ako may darating na macademia sa december… lol
    talaga? sino magbibigay sa iyo?

    =)

  8. health concern!

    i use it all the time.

    hehehehehe.

    gusto kong gamitin yan.. kaso markado na ata ako sa mga hapon na malakas uminom.. kailangan gumawa ako ng fake medical certificate para maniwala sila.. hihihi

  9. sabihin mo pot isang lagok na lang ng alak makakapatay na ako. ewan ko na lang kung tagayan ka pa nun. hehehe.

    pre magpangabot tayo sa bakasyon. libre ka ha. sa SD tayo. hahahaha. joke lang.

    SD.. hmm.. parang mas mayaman ka ah.. nandun pa kaya si daddy marshall? ahahahaha sa regs tayo.. sama natin si dad!

  10. at medyo niyayakap ko na ang katabi kong hapon na mas macho pa sa akin..

    wahahahahaaaaaaaaa!you sooooo make my day!

    bilang isang hindi manginginom na tumatambay kasama ng friends na manginginom, ang tanging paraan para makaiwas ka is a firm NO. Yun lang talaga. kahit birthday ko at dinramahan ako ng bespren ko na sige na bertdey mo naman epek, ay hindi nila ako napainom. A firm NO, yun lang.

    NO… sana naiintindihan ng mga hapon ang salitang NO.. thanks sa tip kat…

  11. hahahaha. mukahng tight ang budget paremoy ah. hahaha. sige para ang dating sky is the limit sa regs tayo! mwahahahahahaha!! isama natin si dad para may discount tayo. hehe.
    alam mo namang si dad ang ticket natin.. daladalawa syota.. eheheheh

  12. ang panget kasi inde ka makakahindi pag nagyaya sila wehh.. ahahaa… pero masarap yung sake nila ahh.. yung malamig.. inde ganun kalakas ung tama.. kaya pang i-istraight… ehehe….

    nung welcome party namin, maganda yung presentation ng sake.. may box na open yung taas… then nilagay yung baso sa gitna nung box.. yung box naman, yung taas niya is halos kalahati ng baso… then nagulantang ako dun sa sake nila… as in SSSSSSAAAAAAKKKKKKKEEEEE… inde exage yan ah… super laki talaga ng bote… tapos ang nigawa nila, nibuhusan nila yung baso, then nipa-apaw nila… hanggang sa mapuno din yung box… so parang 2 in one baso na sake yun… meron na sa baso, meron pa sa box… ang mahirap dun yung paginom sa box… nyahahaha… pero ok naman siya…
    sarap niyan.. ehehe parang gusto ko yan.. ahahahah

  13. magkunyari ka na lang na religious ka tapos sabihin mo bawal sa religion nyo ang uminom sigurado ako di ka nila mapipilit😉 . Ganyan ako minsan, pag di ko trip uminom sinasabi ko bawal sa aming mga taga-iglesia ang uminom o maglasing pero pag nasa-mood ako uminom katoliko ang religion ko.
    pwede pwede! i like your idea! hihihi salamat sa pagdaan!

  14. sus, di ako naniniwala, walang pic eh, tusi-si-tubilib, ummm, murang mura nga yang gastos mo eh, kung dito yan di lang ganyan ang gagastusin mo bka doble pa or di kaya triple… sa susunod para makatanggi ka sabihin susunod ka na lang kamo at may importante ka munang gagawin like magpapadala ng pera sa pinas or ichachat mu anakis mo pero ang totoo hindi ka na susunod at pag tinanong ka kung bakit di ka nakasunod sabihin mo na lang, naiapadala mo na lahat ng pera mo sa pina sor nagkasarapan kaung magkwentuhan sa chat , mga ganun ..hehe

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s