sinehan…

kapag manonood ako ng sine.. ang trip ko ay iyung..

1. Maaga ako ng 10 minutes.
2. Nakakain na para konti na lang kainin sa loob ng sine
3. Iihi na bago ang palabas.
4. Manood ng sine (karamihan kasi hindi naman nanonood eh)
5. Manahimik sa upuan ko.

minsan naaasar ba kayo na kahit saang sinehan ka magpunta.. pare-pareho lang ang mga ugali ng mga tao sa sinehan.. at walang pinipiling lugar, mapa murang sinehan o mamahaling sinehan.. pare-pareho ang mga manonood.. naranasan ko ng manood sa recto.. naranasan ko ng manood sa greenbelt.. at walang mintis na may makikita kang taong alam mong nakita mo na sa ibang sinehan..

at eto sila..

1. Late Comers – naranasan na ba ninyo na sa kalagitnaan ng pelikula ay may dadaan sa harapan mo para makaupo sa kabilng dulo ng upuan.. pwes ako ilang beses na!

2. Soccer Players – eto yung sa likod mo na kung saan sinisipa nila yung likod ng upuan mo parang bola ng soccer.. hindi ko alam kung pasmado mga binti nila pero ilang instances na rin akong muntik ng mapaaway dahil jan…

3. Lola Basyangs – sila yung mahilig mag story telling habang nanonood.. hindi ko alam kung ang kasama nila ay bulag pero kung makapag kwento detalye.. halimbawa..

Manonood : nakita mo yun, kinuha niya yung kutsilyo tapos sinaksak niya.. ayan sinaksak niya uli.. at isa pa.. at isa pa… at isa pa.. buhay pa siya.. ayan tumatayo na.. ayan nagsalita.. pero ginilitan ng leeg.. ayan na… ayan…

4. Talk Show Hosts – may experience ako na habang nanonood at katatapos lang ng eksena.. may magtatanong…

Manonood : bakit niya hinalikan yung bida? di ba kontrabida siya? bakit namatay yung bida? bakit itim ang uwak? bakit hindi sumabog? bakit ang pangit ng bida? bakit ang dami kong tanong?

5. Victoria Courts – eto ang madalas sa sine.. lagi kang makakarinig ng “ssshhhhhh” kung katabi mo naman si Talk Show Host.. bakit nga ba hinde, di ba?

6. Repeaters : ahh hindi sila bumagsak sa paaralan, sila yung mga fanatic na 3 hanggang 5 beses ng napanood ang pelikula, at kaya sila sumasama sa panonood kasama ang mga kaibigan nila ay para sabihin lang sa kanila na “ayy napanood ko na yan” amfpt…

7. UTIers : sila yung kung kailan maganda na yung eksena.. pupuntang CR para umihi…

8. Lovers : sila yung mga nagpupunta sa KKK (Kataas-taasan, Kasulok-sulukan, Kadilim-diliman) na bahagi ng sinehan hindi upang manood kundi para mag… hmm.. picnic…

9. Munchers : kailangan ko pa ba itong i explain? sila yung magbabaon ng mga malulutong na chichirya at ngangatain ng walang humpay.. ang saya.. naaalala nyo pa ba ang Humpy Dumpy.. masarap siya pero shetness.. amoy ebak… sa loob ng sinehan wag mong gagawin yan.. feeling ng katabi mo natae ka sa baho…

10. Booers : minsan sarap na sarap ka sa panonood ng sine tapos mapuputol ang palabas at magiging black yung screen.. tapos may mga sisigaw na “booo”, “HOY!”, “HARANG!!”, “BALIK BAYAD!”.. pwes.. sila yun…

hmm wala na akong maisip.. kayo.. may kakilala pa ba kayo sa sinehan? share nyo naman!

25 thoughts on “sinehan…

  1. mat tama ka dyan pot2,,at lagi ngang ganyan..No COmmEnt!!! hahaha…(“,) pwede pa bang mawala yan sa eksena???

    naku joy.. hindi na mawawala yan sa eksena.. sowee.. hihihi

  2. Hindi mo sinali ang kapatid ni Soccer Player, si Paa Ko Amuyin Mo. Yung mga mahihilig magpatong ng paa sa sandalan ng upuan mo. Ang kapal ng mga face. Kung hindi nila madali ang buhok mo, maaamoy mo naman ang mabahong paa nila, lalo na yung malalakas ang loob magsuot ng sandals may alipunga naman.

    ayy oo tama ka sonnetshaven.. tawag sa kanila “The Athletes” kasi nga may mga athletes foot! malas mo naman at naka tyempo ka ng ganyang tao..

  3. ahahaha…. tawa ako ng tawa…
    baka ka kabagan glessy ah..

    Bakit ang dami kong tanong?- lintek itanong mo sa buwan..
    sarap ngang ganyanin!

    (Kataas-taasan, Kasulok-sulukan, Kadilim-diliman)– ahahahaha.. adik, parang kampon naman ni santanas yan…
    ehehehe.. puro kademonyohan nga ginagawa dun…

    isama mo yung mga taong tili ng tili.. naalala ko nung grade skul pa ako may kaibigan akong nabatukan sa sinehan nung nanonood siya ng titanic.. kasi ba naman tili ng tili nung maghuhubad na si rose.. ayun napendongan tuloy siya ng nasa likod nya na lalaki… hahahaha
    baka ninanamnam ni manong mambabatok ang eksena kaya ayaw niyang may tumitili..

    mga taong natutulog at ginagawang pajama party ang sinehan imbes na manood…
    ayun korek ka! may nakatabi nga akong naghihilik! pramis..

    at mga taong may sariling pelikula… nagdadaldalan sa gitna ng movie.. may sarili silang script, direktor, at bida… cheers!!!!;p
    korek! itagay mo glessy!

  4. pre nalimutan mo ung mga biglang uupo sa tabi mo at magtatanong..

    liberated ka ba?

    hahahaha.

    naku.. di nangyari sa akin yan pre.. nangyari na ba sa iyo yan.. hihihi

  5. hangang japan ba ganito pa din ang eksena? curious lang😉
    hindi ko pa nararanasan.. mahal kasi sine dito.. pero hayaan mo kwento ko kapag nakapanood ako ng sine dito.. hihihi

    or pinoy lang ang ganito talga? .. sigurado lahat tayo meron n na-experience … at guilty din ako hehe nung college days nag-ala-soccer yung paa ko sa tapat na silya dko napansin .. sori po manong hehe
    aha ikaw pala yung vhincent eheheh joke..

  6. hehe meron pa kaya nung mga nag ooffer ng bate?

    bate ser… bate bate kayo dyan…. bente lang bate bate…
    ahahahah buti wala pang nagganyan sa akin.. katakot.. hihihi saang sinehan yan? hihihi

  7. Hahahahaha!

    Hehehehehe!

    Totoo! Kaloka sila.

    Meron akong isang friend… kung kelan nasa climax… biglang magko-comment… sasabihin: “Tingnan mo yung damit o, ang ganda.”

    Kapag di mo papansinin, uulitin pa niya.

    At uulitin, hanggang gusto mo na siyang sakalin sa inis!

    Huuuuu!

    naranasan mo rin pala yang ganyan sherma.. hihihi

  8. hahah! totoo lahat ng napuna mo… naka-encounter ko na lahat ng mga uring yan!

    impak! parang isa ako dun un mixed of number 3 and 4; pero hindi naman ganyan kalala huh! kasi sinasaway agad ako ni papuch hahahahhaha….

    hihihi isa ka rin pala rhap ha.. hihihi sabagay guilty rin ako minsan.. pero binubulong ko lang…

  9. how true. kamag-anak ng mga soccer player yung mga kumukuyakoy, at dahil sa dikit dikit ang mga upuan nararamdaman mo ang vibration kahit 3 seats away siya.
    kuyakoy boys/girls.. hihihi

    minsan UTIer ako.
    ahahahahahaha

    side story lang: pinag-aralan ko noon ang behavior ng mga nagaanuhan sa sine para sa sociology subject ko at pumasok ako sa sinehan na kilalang tambayan ng mga bakla/bi at pinanood ko ang mga gawain nila. at isa sa mga ayaw ko sa sine eh yung makakatapak ako ng natapong softdrinks dahil malagkit, pero kakaiba ang lagkit sa lapag ng sinehan na iyon.
    ayy oo.. yung kakaiba nga siya.. malagkit na madikit sa floor..

  10. …bwahahahaa!! sakto lahat pot ah! hate ko din yung kinakausap ako habang nanunuod ako e. fotah…natakam ulit ako sa humpty dumpy na color yellow ah!!!
    ayy oo sarap yan!

    …isa sa hate ko…mga nakalevel 10 ang volume ng ringtone at level 11 ang volume ng keypads tas txt galore ever!!!grrr!!!
    ayy oo.. ang masama pa.. sasagutin pa!

  11. hahaha. alam mo naman ako movie freak ako kaya nung nanood ako sa sm centrepoint ayun may nagtanong sa akin. hehehe. syempre lipat upuan ako paremoy. muntikan ko nang matadyakan ung bakla eh.
    kakaiba talaga karisma mo paremoy!

  12. kasama siguro sa booers yung pag nakakatakot yung palabas, tapos may tumili kagad kahit ala pang nakakatakot tapos siya lang yung tumili sa sinihan, may mga tao na sumisigaw ng “wweeeehhhh”… nakakahiya pero after nun tumatawa lahat ng tao… nyahahaha
    oo nga xave.. naencounter ko rin yang mga yan.. ahahahah

  13. last time na nanood ako ng sine eh nung bakasyon ko sa Pinas last year…di ko trips cinema dito sa Kuwait…dami pasaway
    mas marami palang pasaway jan.. kala ko sa atin lang ehehehehe

  14. hay…namiss ko tuloy manood ng sine…hehehe

    …kaya first week ng november nood ako ng sine..heheheh…

    invite niyo naman ako..heheh
    tara sama ka nood sine mayyang! hihihi thanks sa pagbisita!

  15. ay nalimutan mo lagay mga Slumberland peeps… mga taong papasok sa sinehan saka matutulog tapos madidinig mo naghihilik😛
    oo nga ano.. hihihi galing ni libay… so narinig mo na sarili mong maghilik?

  16. lahat ng description mo potsu ginagawa ko sa loob ng sinehan, exciting pramis lalo na pag puno ang sinehan.
    ikaw ata yung katabi ko nung nanood ako dati ah… hmmm…

  17. miss ko na ang mga eksenang ganyan. bwisit ako sa mga nagkukwentuhan at kadalasa’y asa likod ko pa nauupo ang mga kumag. ewan parang may magnet ata ang pwet ko para sa mga kamaganak ni lola basyang.
    malas lang talaga utakmunggo… kung pwede nga lang may mute para sa tao para hindi sila sagabal sa panonood no…

    alam mo bang may namura na ako dahil dito? sabi ko putangina mo abnormal ka bumalik ka na sa bundok nyo.

    …tapos,…anak pala ng teacher namin.

    lousy.
    OUCH! anak ng teacher.. ahahahahahaha

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s