the wrestler..

oo na.. matanda na ako at corny.. pero hindi ko talaga matatanggal sa sarili ko ang panonood ng wrestling dahil bata pa lang ako.. nanonood na ako niyan, simula ng pag sira ng damit ni hogan, pagtalon ni macho man sa turn buckle at pagtakbo at pag-alaog ni ultimate warrior sa ring ropes… eto ang soap opera ko.. kung ang nanay ko mahlig sa falcon crest, ang ate ko naman at moonlighting.. ako naman WWF tuwing wednesday sa channel 13 ang pinapanood ko, kahit may pasok ako kinabukasan.. wala akong pakialam.. mapanood ko lang ang mga idolo kong wrestler.. bakit ba ako naaliw sa kanila… pwes.. hayaan ninyong ikwento ko… akala ko kasi dati, ang wrestling ay isang totoong sport, parang boxing, na nagkakasakitan kasi tumutunog yung mga suntok nila at ang lalaki ng katawan nila… kapag nanonood ako, nililipat ng kapatid ko yung channel at iiyak naman ako at magsusumbong sa nanay ko.. pero pareho kaming nakakatikim sa tsinelas sa puwet… noon din, sa lugar namin sa tondo, may “role play” ang mga bata.. kilalang kilala ang mga wrestler noon… pati sa school namin, hindi papatalo kaming magkakaibigan sa pagkwento ng mga nangyari kapag nakakapanood ng pay-per-view sa betamax o vhs… ang kaklase ko dito na kasing passionate ko sa wrestling.. si Dennis.. meron pa siyang notebook para lang ilista ang lahat ng wrestlers na nagparticipate sa isang event.. tulad ng royal rumble… nakakamiss yung mga araw na yun… ngayon kasi sa you tube na lang ako nakakapanood.. pero pinipilit ko pa ring maging updated.. ewan ko ba.. nasa dugo ko na ang wrestling.. at kung mabubuhay uli ako.. gusto kong maging wrestler… eto yung mga ever favorite ko.. noon at hanggang ngayon.. start natin sa pinaka least favorite..

i am the ultimate warrior!
i am the ultimate warrior!

14. Ultimate Warrior – actually, siya dati ang pinakapaborito ko.. kaso may saltik ang mamang ito.. akalain ba naman ninyong nagpapalit ng pangalan.. ULTIMATE WARRIOR na talaga name niya… ang lupit! adik si manong! at dahil 52 years old na rin siya.. hindi na siya ganoon ka appeal..

ravishing rick rude!! *saxophone sound*
ravishing rick rude!! *saxophone sound*

13. Ravishing Rick Rude – sino bang hindi nakakakilala sa kanya.. kapag tumugtog na music niya.. naghihiyawan na ang mga chicks.. at sasayaw na siya sa ring ng kanyang patented ikembot mo move… yun nga lang patay na siya.. wawa naman…

ooohhh yeah! macho man randy savage
ooohhh yeah! macho man randy savage

12. Macho Man Randy Savage – ooohhh yeah!! isa sa mga character na gusto ko kasi siya ang naging syota ni Ms. Elizabeth at the same time pwede siyang bida.. pwede ring kalaban.. at ang damit.. makulay! parang sinabawang gulay!

rest in peace..

11. Undertaker – kapag napapanood ko si undertaker.. kinikilabutan pa rin ako.. iba pa rin ang presence niya.. kahit medyo matanda na.. gustong gusto ko pa rin ang tindig niya.. lalo na kapag nilalabas niya dila niya at titirik ang mga mata niya…

viva la rassa!
viva la rassa!

10. Eddie Guerrero – the late great Eddie Guerrero.. kahit hindi gaanong kalakihan katawan niya.. maliksi naman siya sa ring.. sa kanya ko rin nakita ang kakaibang bida na kontrabida.. kahit nandadaya na siya.. nagchecheer pa rin ang mga tao sa kanya… astigin.. RIP..

the animal!
the animal!

9. Batista – siguro dahil may dugong pinoy siya kaya ko siya nagustuhan… pero madaming nagsasabi na mayabang daw siya.. pero in fairness. .. laki ng muscles niya.. fafable!

carlito

8. Carlito – I spit in the face.. of people who don’t want to be cool.. famous tag line with the spitting of apple… sayang nga lang di mabigyan ng magandang break si Carlito.. pero ang husay niya sa asaran.. at ang kanyang hair.. lotku!

toothless aggression

7. Cris Benoit – toothless aggression.. siya lang ang nakita kong wrestler na ang tindi sa mat skills. very technical at ang husay pa sa pagtalon… yun nga lang.. pinatay niya ang family niya at nagpakamatay siya.. ang balita sa internet ay nasobrahan sa pain killers na naging sanhi nang pagkakaroon ng saltik…

hello ladies!

6. Val Venis – Hello ladies! ang pangbungad na salita ni pareng val.. si val na walang malay.. medyo na injury ang lolo mo.. pero pabalik na rin siya.. yun nga lang.. dati kasi ang ganda ng hair niya.. mahaba na kulot.. ngayon kasi kalbo na.. pero idol ko pa rin siya..

the best there is, the best there was, the best there ever will be

5. Bret “Hitman” Hart – nasayang si Bret Hart nung umalis siya sa WWF.. para sa akin.. mas magiging ok pa sana career niya.. yun nga lang kasi mas umiral ang pride kaya nag quit siya sa WWF noon.. saka kaya di na siya nagwrewrestling dahil na stroke na siya… pero still.. the best there is.. the best there was.. and the best there ever will be… siya lang ang pwedeng magsuot ng pink na suot na hindi mo iisiping bading siya…

what?

4. Stone Cold Steve Austin – siya ang nagsimula ng attitude era sa WWF noon.. kung di dahil sa pagiging matigas ang ulo.. walang papupuntahan ang career niya.. isipin mo na lang.. wala siyang gimik.. wala siyang appeal.. pero dahil kinulit niya si Hitman Bret Hart noon.. kahit dinugo na siya.. di siya sumuko.. idol talaga!

you can't see me..

3. John Cena – para sa akin.. hawig siya ni Mark Wahlberg.. at hindi lang siya magaling mag rap.. mahusay pa siya sa ring.. ewan ko nga kung bakit hati ang crowd kapag nagwrewrestling siya.. siguro nagsawa sa gimik niya.. pero astig pa rin siya sa akin..

if you smell what the rock is cooking...
if you smell what the rock is cooking...

2. The Rock – syempre si the Rock.. nagpatubo pa ako dati ng patilya para lang magaya ang kanyang hitsura.. at ang eye browsing phenomenon.. sa kanya rin ako naaaliw kapag may mga usapan sa wrestling.. ang husay niyang magsalita.. kahit minsang nabubulol siya.. carry pa rin.. yun nga lang di na daw siya magwrewrestling at magaartista na lang.. hay.. you will surely be missed..

time to play the game!
time to play the game!

1. Triple H – late ko na lang naging idol si triple h.. bakit kanyo.. dahil matikas siya.. at pilosopo din.. nakahiligan ko siya nung nag DX sila.. tapos yung kanyang water bottle spitting thing.. astig.. parang gusto mo ring gawin yun di ba… kayo.. nahilig din ba kayo sa wrestling? sino ang paborito ninyo?

28 thoughts on “the wrestler..

  1. nung bata ako nanonood ako ng wrestling—at sobra ang takot ko kay undertaker….
    takot din ako dati sa kanya.. ngayon hindi na.. hihihi

    fans kami dati ni hulk hogan pero mas nagustuhan ko yung tv show niya (thunder in paradise yata) kesa sa mga wrestling matches.
    oo thunder in paradise nga iyon.. nanonood din ako nun dati..

    si ferdie at tsaka si future mother-in-law mahilig manood niyan, at pag nanonood sila eh umaalis na lang ako kasi, sorry pot ha, naasar ako sa kanila ewan ko ba! kasi yung wrestling ngayon andaming pagkahaba-habang dialogue, di tulad dati talagang bakbakan lang.
    ok lang.. actually natutuwa ako sa dialogue… wala na kasi yung mga makukulit na nagsasalita eh..

  2. ako crush ko cla the rock, john cena at bilib ako kei batista…. pero simula nung nalaman ko na nde nmn pala totoo ung nangyayari sa wrestling, nde nko mxado nanonood nun… tska sinasaway ko mga kapatid ko pag nanonood cla nito kase ginagaya nila un minsan eh… i hate violence! peace tayo potsie! ^_^
    oo nga ginagaya ng mga bata… kaya hindi ko rin pinapanood yung anak ko baka gayahin…

    ahm,c ethel nga pala ito,baka lng malito ka eh….
    ano ka ba ethel kilala kita no… sino ka nga ba ulit? JOKE!

  3. wow! number 3 sa list mo ang my-one-and-only John Cena… im glad naman pot!
    of course! pap ako din siya! hihihi

    at nga pala… sa tagal ko na wala update sa WWF, di ko alam na dead na si Eddie Guerrero… like ko pa naman siya…
    2005 pa siya namatay.. oo nga matagal ka ng di updated…

    pero teka! bakit si triple H ang una… hmp!
    ehh siya ang love ko ngayon eh.. hihihi

  4. 11, 10, 9 at 3 ang mga peborit ko. bahaha. at si number 3 ang pinakamamahal ko! *tibok tibok ang puso*
    naging bf ko yang si john.. kaso masyadong demanding.. kaya nag break na kami.. hihihi

    di ko like si triple H, bat sya anjan sa una? errrrr.
    bakit ba! mahal ko si triple h eh!

  5. Amp yan, dalawa sa tatlong paborito kong wrestlers eh patay na. Una, si Eddie Guerrero na inatake sa puso. Pangalawa, si Chris Benoit na ewan ko baket naulol at pinatay sariling asawa’t anak nya tapos nagsuicide. Ang natitira na lang eh si John Cena.😆
    so crush mo rin si john cena?

  6. hmmm… ako si stone cold saka si undertaker… ahaha dati kasi pinangtatakot sakin si undertaker ng kuya pero naging gusto ko rin siya… syempre syadong sikat si hulk hogan nung kabataan ko pa pero di ko sya ganun naging kagusto nung bata pa ako kasi masyado nang maraming may favorite sakanya… and the never ending kwento ng kapatid ko kay ultimate warrior… di na ako nakakanood ngayon ng wrestling kasi di na rin siguro ako ganun ka-updated… cheers-glesy the great
    oo gasgas na si hogan eh.. pangit naman yung pamatay niyang move.. tagay mo glesy!

    at saka nga pala “do you smell what the rock is cooking?” di ko siya type mag-wrestling pero maaliw ka sa mga style nya… ahahaha.. cheers for the second time;p
    ehehehe. madami ring ayaw kay rock.. pero trip ko talaga siya eh… tagay pa glesy!

  7. ako type ko si papa bret hitman at ang kanyang pamosong sharpshooter. hehehe.

    paremoy hindi naging fave ang bushwackers brothers? at ang mga makukulit na mga walang kwentang coco beware, jim hacksaw atbp? hahaha.

  8. OT: waaaahhh!!! di ako maka-getober sa header mo!!! mas hanep pa sa wrestlers. hahahahahahaha!
    hihihi thanks jojitah.. compliment yan galing sa iyo.. hihihi

  9. paremoy hindi mo naging fave ang mga makuulit na sila bushwackers, coco beware, jim the hacksaw?? hahahaha.
    pwede na rin.. kaso iba sila eh…

    fave ko si bret at ang kanyang pamosong sharpshooter. astig din ung i quit battle at ang walang kakupas kupas na royal rumble. hehehe.
    oo naman bret hart… i quit match at royal rumble.. gusto ko rin yan!

  10. awtz.. inde mo nisama yung gusto ko.. ahaha.. ewan ko kung kilala mo siya ah…
    naku xave.. sorry ha.. di ko trip si randy orton.. hihihi

  11. hehehehhehehe.

    dito pumapasok ang sinasabi nilang individual differences.

    xe never akong natuwa sa wrestling.

    but don’t feel bad about it.

    Di rin naman kasi me sporty.

    so pag sports na ang usapan, wa na akong kwentang kausap. hay!

  12. 1. Triple H – late ko na lang naging idol si triple h.. bakit kanyo.. dahil matikas siya.. at pilosopo din.. nakahiligan ko siya nung nag DX sila.. tapos yung kanyang water bottle spitting thing.. astig.. parang gusto mo ring gawin yun di ba… kayo.. nahilig din ba kayo sa wrestling? sino ang paborito ninyo?

  13. Hmmm tagal na pala tong topic na to, napuntahan ko tong blog na to dahil nabasa ko namatay na si Macho Man…

    ako favorite ko dati si Hulk Hogan nung elementary ako lalo na pag kalaban nya si Ultimate Warrior… yun nga lang nalaman ko for entertainment lang pala talaga wrestling nila at may story line, parang nalaman mo nung bata ka na si Santa Clause na nagbibigay ng regalo sa yo pag Pasko ay pwedeng nanay o tatay mo lang pala hehe.

  14. Idol ko si Rey Mysterio, pero ang galing din talaga ni ultimate warrior, namatay siya dahil sa kanyang katapangan, keber mo, binuhat niya ang 600 pounds na wrestler…. grabe..

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s