heroes.. kuno..

mahilig na ako noong bata pa ako sa mga stories na may halong lumilipad, may super strength at kung ano ano pang churva. kaya nga nung nakabili ako ng DVD ng Heroes sa quiapo sa suki kong si Mohammed na nagbebenta rin ng porn na kung saan malaki discount ko dahil bulto akong bumili nakapanood ako ng Heroes, tuwang-tuwa ako dahil story wise, ang galing ng concept nito…

season 3 na ang tanyag na palabas na ito, at nakakabitin kada episode dahil maski ikaw ay magtatanong kung bakit nangyari yun at kung bakit yung bida naging kontrabida at ang kontrabida ay naging bida…

kagabi, ka-chat ko ang kaibigan kong si louise, usual na kwentuhang pang-kikay ng naisingit ko ang heroes dahil ako ang nagsusupply ng downloaded copy ng heroes mahilig din siyang manood nito… napag-usapan namin na si xave ay hindi masyadong nagustuhan ang heroes kasi nga daw pare-pareho powers nila.. so naisip ko.. ano ba ang mga kakaibang powers na siguradong magiging patok sa mga pinoy na sawa na sa mga lumilipad at may mga super strength… eto yung listahan ko ng mga walang kwentang kabilib-bilib na powers…

1. may kapangyarihan kang mang-akit, pumatay, lumason o di kaya’y mag-emit na smell galing sa kili-kili mo para puksain o paamuhin ang kalaban… ang tanging maintenance mo sa powers mo ay kailangang kumain ka ng sibuyas every 10 minutes… and you will be called the “Kili-Killer”

2. may kapangyarihan kang umamoy hanggang 1000 kilometers at kaya mong madistinct kung ano ang amoy na inaamoy mo.. yun nga lang di mo pwedeng makaaway si “Kili-Killer” dahil pwede kang mamatay… tatawagin ka nilang “Panchito Man”

3. bulag ka sa araw pero pag sa gabi ay 20/20 vision mo, kahit madilim kaya mong makakita.. kaya hindi uso sa iyo ang kapa-kapa sa dilim.. sa araw ka lang pwedeng kumapa.. ang secret identity mo ay masahista sa umaga or pulubi sa quiapo.. pero sa gabi.. ikaw ang perfect magnanakaw.. tawag sa iyo ay “Boy Muta”

4. ang powers na ito ay tulad ng sonic blast, instead na sumigaw ka, kailangan mo lang bumitaw ng mga linyang pangmayabang para ma activate ang powers mo. literally kapag nagsalita.. pwedeng sabihin ng tao na.. “WOW ANG HANGIN!”.. they will call you “Presko”

5. pasmado ka.. pero ang lumalabas na tubig sa kamay mo ay lotion, lahat ng klase ng brand ng lotion kaya mong i-produce with your thoughs at lalabas sa mga palad mo, makakapagtayo ka ng sarili mong business at ikaw ang maghahari sa lotion industry… yun nga lang napapansin ng mga tao na payat ka.. at may mga chismis na lagi ka kasing nagsasarili lonely… ikaw si Boy Sal Lotion..

6. you can speak any language in the world with proper diction and accent, ang flaw mo nga lang ay di ka marunong magbasa at magsulat.. they will call you the “Interpreter”

7. may powers kang lumamon ng kahit ano pero hindi ka nabubusog at tumataba, may kapangyarihan ka rin i control ang pag jebs mo at may command lang na sasabihin para lumabas ito pag upo mo ng inodoro.. tawag sa iyo ay “Mr. PooPooKaChu”

8. ang kapangyarihan mo ay ang bumilog ng kulangot sa pamamagitan ng iyong thoughts, pero hindi mo kayang bilugin ang kulangot ng intsik… they call you “The Boogerman”

9. magaling ka sa pagtupi ng mga papel (origami) at sa pamamagitan ng powers na ito, kaya mong gumawa ng kahit ano gawa lamang sa papel gaya ng sasakyan, baril, building at kung ano-ano pa. pinakulong ka ng mga environmentalist dahil inuubos mo ang mga puno at nagkakalat ka kapag natapos mo ang iyong project.. ikaw ay si “Paper Boy”…

10. may powers kang magdikta kung ano ang mangyayari basta sasabihin mo ang salitang “pustahan” sa unahan ng iyong sentence… ikaw ang pinakamakapangyarihan sa lahat dahil nasasabi mo ang future… at naaalter ang reality.. halimbawa “Pustahan tayo pare, suot mong brief ay black” kahit alam mong brief mo ay white.. kapag tinignan mo, black nga siya… mag ingat sa taong ito.. identity still unknown…

kayo.. may alam ba kayong walang kwentang kakaibang powers.. sabihin nyo lang… sige na… pustahan tayo may alam kang powers na kakaiba o?

17 thoughts on “heroes.. kuno..

  1. ahaha.. ikaw kung anu-ano talaga naiisip mo, ayus na imagination yan… nagulat naman ako sa post mo… saktong nanonood ako ng heroes… astig nga siya!!! ahehhe
    oo sobra.. nakakabitin nga lang…

    wala akong maisip, brownout utak ko eh, galing ako sa 10-6 shift…
    hihihi ok lang yan.. at least panandalian lang ang brownout no..

    maiba lng ako, matagal ko ng gustong sabihin to eh… kamukha mo talaga yung bf ng kaibigan ko!!!!cheers-glesy the great;p
    ako? may kamukha? syet! na clone ako! hihihi joke! ibig sabihin lang nun glesy, namamayagpag na kaming mga pangit kasi karamihan na sa mga gwapo ay bading! hihihi no choice yung kaibigan mo! hihihi tagay mo pa glesy! *hic*

  2. …ok cge may naisip ako!!…

    laos na si Darna kaya papalitan na natin sya…oh itu ang kapalit nya!!..

    atrot: ding ang TALONG!!..

    ..sabay hagis ni Ding ng talong at sya namang sambot ni atrot sabay taas ng hawak hawak nyang talong at sumigaw ng

    atort: “TORTA”…(with usok at the background)

    …at tatawagin nating syang “Super Torta”…tagapagligtas ng mga kababaihang naaapi ng kung anu-anong Talong sa paligid..may kapangyarihan syang mamutol ng talong kung kinakailangan…

    …at dahil sa talong nagmumula ang kanyang kapangyarihan sa talong din nagmumula ang kanyang kahinaan…

    gusto ko siya muymuy! makapangyarihan ang TALONG!

  3. tawa ako ng tawa dito…
    astig potpot ang taba ng utak mo!
    akalain mong naisip mo yung mga ganitong super powers… malamang kung gagawing series to e patok na patok to sa panlasang pinoy!
    ayy salamat prinsesa.. mataba ba utak ko.. baka may hydrocephalus ako.. hihihi alam mo naman ang mga pinoy.. basta super heroes hindi tayo papatalo… hihihi

  4. si number 9 si michael scofield yan eh pot. hehehe.
    ehehehehehe napaghahalatang adik din sa prisonbreak ano.. hihihi

    pre napuntahan mo pa rin pala si mohammed sa quiapo? hahahaha.
    oo pare… ikaw nagturo sa akin ng pwesto niya.. hihihi

  5. wahahah… adik… bat pati ako nasama.. ehehe… nagreact lang ako na medyo nangaggaya na sila ng powers at super paulit ulit na powers.. although magkapamilya yung mga pareparehas ng powers, pero sana nagisip sila ng mas ok na powers na inde tumutulad…

    like kamusta naman may spider man version na din sila.. ehehe..

    then yung tatay parehas ng power ng anak.. iba nga lang yung nangyayari.. ahaha..

    yung nanay, nakakakita din sa future.. ala lang..

    parang ala lang..

    pero kahit na naulit yung powers, nipapanood ko pa din naman… ehehe.. at nageenjoy pa din naman ako.. napansin ko lang yung powers.. pero inde ako galit ahh.. ehehe..

    uyy si xave.. todo explain! hihihi

  6. Hahahahahaha! nakakatuwa naman tong page mo, and dude the header ROCKS! silent humor that kills the boredom, i like the term Kili-Killer, haha

    thanks dude! hihihi… nakuha ko ang kili-killer sa commercial ata ng rexona not long ago.. hihihi thanks sa pag visit!

  7. hahaha potpot anung kaechosan naman yan?😆 tigilan mo kasi pagkain ng kulangots para maging normal ka naman minsan =))

    masarap ang kulangots eh.. maalat alat… hihihi

  8. wahahaha! tawang-tawa ako sa listahan mo pot. ako love ko rin ang heroes pero di ko pa napapag-isipan ang mga special powers kagay ng sa iyo😉

    thanks caryn! hihihi yan ang nagagawa ng walang magawa…

  9. wahahaha Boy (Sal) Lotion wahahaha!
    kaya nga binura eh! typo.. hihihi

    naalala ko tuloy yung anime na The Law of Ueki, and weird ng mga powers nila dun. Yung isa nagagawa niyang halaman ang mga basura. Yung isa nagagawa niyang bakal ang towl. Ang weird, towel! SO pag nakikipaglaban madami siyang dalang towel tapos hinahagis niya nagiging sharp at nakamamatay,
    nadownload ko na yan.. pero di ko pa napapanood.. masimulan na nga…

    Ang pangarap ko lang powers eh yung kaya kong palitawin sa totong buhay yung mga bagay na nakikita ko sa magasin, including tao.
    uyyy gusto ko rin yang powers na yan…. “gusto ko ng tong beetle na red sa magazine!! *ting* nasa harapan mo na!” “gusto ko itong si sam milby sa magazine! *ting* lalabas si bentong!”

  10. pot…u stoned? ano na namang tinira mo?nyahahaha!
    yes i am stoned.. batong bato na ako.. hihihi.. tumira ako ng isang pack ng noodles na hindi luto.. crunchy!

    in fairness tuwa ako ke boy lotion!!! penge!!
    gaganda ang balat mo jan di ba dyosa?

  11. hahaha natawa daw talaga ako..pero medyo natawa lang hindi naman tawang tawa!
    sige tawa pa! tawa pa! hihihi

    para kang nakasinghot ng katol na expired!
    hindi ah.. 1 day before expiration ako tumitira ng katol…

    gusto ko yung #3 ( as if pinapipili mo ako)..balatuhan kita,hihihi!
    hihihi sige! bait bait mo talaga!

    nakidaan at naki comment (feeling close,hihihi)
    ayy no problem.. pwede tayong maging close.. pautang muna.. hihihi salamat sa pagdaan!

  12. si pot pot ang taba ng utak! hehehe.
    thank you! pag galing sa iyo vera ganda.. tuwang tuwa ako.. hihihi

    gusto ko yung mga sinuggest mong powers ah. dahil nga sadyang bingi ako, nagfocus nalang si mother body ko na sa pang amoy maging magaling. malakas talaga ang pang amoy ko. baka kalaban ko nga si kili killer!
    so madami kang naaamoy na di kaaya-aya sa pangamoy.. hihihi kaa mo yan.. super vera! kalaban ng mga churva!

    wala akong maisip na extra powers. hehe.
    okie lang yan.. hihihi

  13. napahalakhak nnmen ako dito.. pambihira k tlga pot2.. tama ngang mataba ang utak mo,ibng bertud ka ni bob ong… pero teka, approved ba ng bfad ang lotion na lumalabas sa kamay ni Boy Lotion?
    buti naman at napahalakhak ka ethel.. hihihi.. thank you. at least.. paminsan-minsan nasasapian ako ng espirito ni bob ong… iba powers nun.. ang lufet! at oo.. approved ng BFAD yun.. with DTI NCR permit number 22nog2nog series of 2008…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s