emotero….

marami sa ating mga pinoy ang masasabing mahilig sa mga drama.. drama sa radyo, drama sa tv, drama sa sine, at lalo na ang drama sa totoong buhay. hindi ko akalain na ako ay mahihilig din sa mga drama na yan. dati kasi hindi ako nahihilig sa mga soup opera na yan, lalake ako at ang dapat panoorin ko ay action.. pare pakiss nga…

dati rin hindi ako nanonood ng pinoy drama sa sine.. puro comedy lang ang pinapanood ko (yung mga pelikula ni andrew e. noon at mga palabas ni joey de leon at vic sotto) pero dahil sa isang pelikulang drama.. umikot ang mundo ko.. nakakainis.. pero gusto ko…

niyaya ako dati ng ex-gf ko na manood ng “Got to Believe” ni Rico Yan (SLN) at ni Claudine Barreto.. eto yung eksena..

Sa may SM Centerpoint (SM City San Juan na ngayon)..

Potpot : Ano gusto mong panoorin?
Ex-GF : Yung Got to Believe…
Potpot : ANO?!?! Yuck! hindi ako nanonood niyan.. iba na lang…
Ex-GF : Sige na.. first and last na ito.. hindi na kita yayayain uli manood ng tagalog.. please…
Potpot : Ano ba.. ayaw ko talaga.. hindi ko trip ang mga pelikulang ganyan.. tutulugan lang kita sa loob ng sine…
Ex-GF : Ok lang, basta panoorin na natin *beautiful eyes*
Potpot :  Hay naku.. bahala ka.. matutulog lang ako…
Ex-GF : YEHEY! *halik sa cheek*

Nasa loob na kami ng sinehan… madilim.. at hindi pa nagsisimula ang sine.. pumwesto na ako para matulog… dahan dahang pumikit ang mga mata ko… at nagsimula na ang palabas….

idinilat ko ang mga mata ko.. nakita ko si Rico at Claudine.. medyo bagong transplant ata si Cludine nun kaya pinagmamalaki niya ang kanyang katawan.. so medyo nagising ako.. pero nagtataka ako.. KINIKILIG AKO habang pinapanood ko ang movie… amfpt…

Wag ka.. may eksena na naiyak ako dahil nagkahiwalay si Rico at Claudine.. shetness.. at para di mahalata ng kasama ko na hindi ako umiiyak.. humikab ako at kunwaring naluha sa paghikab.. kaso.. hindi lang isang luha ang pumatak.. parang gripo ang mga mata ko.. at sinamahan pa ng pagsinghot ko.. senyales na naiyak ako.. BUKING!

pinahid ng ex-gf ko luha ko sabay sabing.. “pa-ayaw-ayaw ka pa ha.. tapos iiyak ka rin!”
hiniritan ko siya pabalik.. “shh.. wag kang maingay.. di pa tapos ang pelikula!”

simula niyan.. nagtuloy-tuloy na nag hilig ko sa mga pinoy drama movies.. yung mga may kilig moments at cuteness factor.. kaya wag kayong magtataka kung bakit ako malandi.. KIKAY!

26 thoughts on “emotero….

  1. Hahahaha! Heto pala ang dahilan kung baket ka naging Kikay. Dahil kay ex girlfriend, kay Claudine, at kay Rico.😆
    korek ka jan fapa kirk.. kaya nga naging ganio ako ngayon.. hihihi

  2. hmmm.. inde ko napanood yan… ahaha… pero ako din inde ako mahilig nung una sa drama… hanggang ngayun pa din naman… bilang lang siguro yung napanood ko sa sine… pero sa bahay sa pinas, grabe, nakatutok sa cinema one… kaya nakakapanood na din ako kahit paano.. wahaha..
    ayy naku.. ganyang ganyan di ako.. pa-ayaw-ayaw pa ako sa mga drama.. pero nanonood din naman ako.. hihihi

  3. huwaw! kakatuwa, ahahahahha. imperness umamin. sa movie din na yun ko na-appreciate si rico yan. =D
    oo… sayang si rico yan.. kinuha na siya..

    nakidaan…
    salamat sa pagdaan.. sana madaan ka uli!

  4. HaHaHa … your ex totallay Notebook’d you. At least that’s what they would say around here. Napanood mo na rin ba yon, yung The Notebook? Baka mapaiyak ka din😛
    ayy hindi ko pa siya napapanood lyssa.. pero nadownload ko na siya.. hihihi… yung lake house ang napanood ko.. KILIG!

  5. haha😆 *natawa ako dito pramis.
    salamat aling baby!

    parang confession itu pot ah hehe… pero in fairness ang kyuut.🙂 indi ako mashado nakakarinig at nakakabasa ng mga gantong stories pero proud ako sayo sa pag-amin mo! Amen!
    thank you talaga aling baby.. salamat at naappreciate mo ang pag-amin ko.. ayoko kasing magpakamacho.. dahil hindi naman ako macho.. nagpapakatotoo lang.. hihihi

    eh kasi naman, i don’t see anything wrong with a guy watching drama movies…porket ba lalaki kailangan action at comedy lang ang dapat panoorin ampness nilang lahat! haha…
    iba pa rin kasi ang outlook ng mga guys.. pero unti-unti na rin namang nag-iiba ang kanilang point of view..

    *paborito ko rin ung got to believe pot!
    wow! hihihi

  6. oyy feel ko rin yang Got to Believe,at feel ko rin yan ulit ulitin..*mei aangal?* ok lng yan pot2 tanggap ko na mei soft side ka rin… wag lng tayo mag-agawan ng lalaki huh???
    naku ethel.. hindi kita aagawan.. dahil akin na silang lahat! hihihi apir tayo at gusto mo rin ang got to believe.. *apir*

  7. “shh.. wag kang maingay.. di pa tapos ang pelikula!” —> the best come back EVER! bwahahahahaha pot! nyahahahah ang cute naman nang kikay na ito!
    of course.. alam mo naman ako.. kikay talaga!

    sama tayo manood ng tagalog romantic comedy! hahahaha
    tapos pareho tayong mag-iiyakan at magtatawanan.. hihihi

  8. anakngtipaklong!! hahahahahaha. yan pala ang simulain. so panu pre nood tayo tagalog pagdating pinas? hehehehe.
    cry ako sa shoulder mo pare.. hihihi

  9. haha yan kasi may pa ayaw-ayaw pa! haha yung ex mo yata di naiyak nun ikaw lang😆
    feeling ko nga ak olang ang umiyak.. kainis! na set-up ako!

  10. ahahaha… hala hala hala kakaibang landi na yan pot ha.. nakakahalata na ako!!! dahan dahan lang sa paglantad baka magtulou-tuloy yan…
    hindi pa ba ako natuluyan.. hihihi

    pot magpapaalam nga pala ako.. pahiram ng pic mo sa don’t click this.. yung last!!! actually pinakita ko lang sa utol ko tapos sabi nya ipost ko daw.. related naman sa topic ko eh at matutuwa ka daw… pag naasar ka, wag kang mag-alala babatukan ko siya para sayo… di ka na makakatanggi ipopost ko na sa ayaw at sa gusto mo!!! cheers.. peace tayo-glesy the great…
    ok na!

  11. PANALO! Iyakin ka din pala! Galing magtago ha pero buking din at the end…
    hindi ba halata nung highschool.. eehehehehe

    Ok lang yan… sabi nga nila GentleMEN are composed of 70% masculinity and 30% femininity… Ingat lang dahil baka sumobra at maging 40% kaya hinay hinay lang ang panonood ng soap opera at mga madamdaming pelikula…
    so kasama pala ako sa gentlemen.. hihihi

    gusto mo maiyak ng sobra??? try mo hanapin “A walk to remember (Korean Movie)… Mas may tama yun kesa sa Lake House…
    sige.. hahanapin ko yang sinasabi mo.. thanks dette!
    🙂

  12. ahahaha

    actually hindi rin ako masyado nanonood ng tagalog movies(yung mga filmfest finalists lang). na-trauma kasi ako nung pinanood ko yung ika-13 kapitulo ni Ann Curtis at halos mamatay ako sa ka-cornyhan.
    naman.. namimili rin naman ako ng mga pelikulang pinapanood ko.. hihihi

    naalala ko tuloy si persboypren. biruin mo, pers movie namin, and pinanood namin pelikula ni jolina!wahehe. ayaw niya kasi ng English, asar talaga…
    ahahahaha wawa naman si teacher kat.. si pers eh ayaw sa english.. hihihi at jolina pa! bwahahahaha

  13. doon pala nag simula yun KIKAYness mo ha!!.. pero for me, in fairness ang cute ng guy na umiiyak. i mean like d-gripo ung patak nang luha.. goooshh.. im soo freaking addicted to that..
    wag.. baka maadik ka sa akin.. hihihi

    mga ala john lloyd… man , im falling n love to it..
    naku.. si john lloyd crush ko! ahahay!

    hehehehe

  14. nung highschool hindi ko matancha kung nageemote ka lang o totoo na… eh syempre artista-artistahan ka… pero nice ha… parang catoons de gripo na luha… hehehe
    ano ka ba.. totoo yun no!

    actually, gentleman (70/30) ako dati pero ngayon girlalu na ako… (baka may maniwala… girl po ako eversince🙂 )
    ahahahaha girl ka nga ba dette?

    anyway, mahal na ang sine ngayon kaya kung naiiyak ka sulitin mo na… i-cry to the max mo na… release yun!
    ayy oo.. wala ng demure effect!

    para saakin masarap may kasamang iyakin na guy… kasi paglabas ng sine … may makakantyawan ako… (hahaha! that’s my thing!)
    ahahaah alaskador ka talaga!

  15. heheheh….emotero ka talga kuya!
    korekness!

    ahmmm….pagdating mo d2 sa pinas..nood tau sine kuya ha…libre mo..hehehe
    oo ba! basta ikaw manlilibre ng pagkain.. hihihi..

    iyakin din kc ako pagdating sa mga drama na yan e..
    nakakaiyak naman kasi eh..

  16. naku, wala ka ba dito sa pinas? umaapaw na ang mga tagalog kilig movies dito. i’m sure kikiligin ka na naman.
    ayyy.. sayang.. hihihi

    tulad na lang ng a very special love ni john lloyd cruz at sarah geronimo.
    sige madownload nga rin yan.. hihihi

    oh ha? libreng endorsement yan ng pelikula nila. ekstra kasi ako dun. hehehe, joke!
    saan ka dun… ikaw ba sai sarah?!?! hihihi salamat sa pagbisita!

  17. WOW!!! Isa to sa mga FAV. ko POT!
    as in nagdala pa ako nang tape dito sa UAE
    para ulit ulitin yan… SINOK? hahaha…sign na in *LOVE* ? …..
    oo nga.. *sinok* adik ka!!

    Cool ka talaga pot your so KIKAY!!!
    Go for it POT!!!
    uR tHe mAn(“,)
    ehem.. i am not the man.. i am the queen! hihihi

  18. *apir*
    *apir*

    kaso sa iyo pala ang mga lalaki hah… nakangpuchanaman oo…. pero cge patikim na lng ng minsan… ay nuba ang cnabi ko… i mean pashare na rin kahit minsan lng pala… heheheheh
    ahahahahaha oo ba.. hihihi

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s