present and distraction…

saan ko ba sisimulan…

matagal ng dinadala ng damdamin ko ang bigat na ito, minsan kasi akala ko kaya kong i-control ang nararamdaman ko pero hindi pala, nahulog din ako sa patibong na kung saan isa ako sa mga tangang umibig sa iyo… “distraction”

eto yung kwento… masaya naman ako sa “present” ko at hindi na ako naghahanap ng iba, sa katunayan, sobrang mahal ko ang “present” ko.. yun nga lang.. kapag mag-isa ako.. napapaisip ako, kung siya lang ba talaga ang para sa akin… hindi ba pwedeng dalawa silang mahalin ko?

matagal-tagal na rin kaming nagsama ni “present” at nangako ako na hinding-hindi ko siya ipagpapalit kahit na ano pa.. yun nga lang ng dumating si “distraction”, hindi lang ako nadistract.. nahumaling pa ako…

dati-rati hindi ko naman ito pinapansin, wala naman sa akin kung siya ay bata pa at madaming alam, yun nga lang nung minsang napahinto ako at pinilit alamain ang tungkol kay “distraction”, unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya… napaka irresistable niya kasi…

minsan napagcocompare ko si “present” at si “distraction” yun nga lang minsan feeling ko mas tumitimbang na si “distraction”, pero dahil marami akong napagtanungan tungkol sa problema ko, unti-unting luminaw ang isipan ko…

hinding-hindi ko gagawin ang iba, ng makakita ng iba ay ipag-papalit na agad ang nasa kanila.. mahal na mahal ko si “present” at alam ko na kahit maganda at bago si “distraction”, simpleng paghanga lang ang pwede kong gawin…

sorry “present”, kung nasaktan kita dahil naisipan kitang palitan o dagdagan, yun ang malaking pagkakamali ko.. ngayon alam ko na gagawin ko.. sabi nga ng Cyber BFF ko.. you fall in love when you allow yourself to. when you entertain giggly thoughts and what-ifs.

para kay “distraction”, alam ko nahumaling lang ako sa iyo.. pero eto lang masasabi ko.. sayang at sana ikaw na lang…

teka.. ano ba iniisip ninyo? kayo ha.. bad kayo… alam nyo ba pinagsasabi ko dito.. assuming kayo ha… eto nga pala si “present”..

my "present"
my present

kahit malapit ka ng ma phase-out.. ikaw ang pinili ko.. ganyan kita kamahal! haylabyu Nikon D40!

eto si “distraction”

distraction
distraction

masarap kasing mag picture gamit yang Canon 50D.. as in solid.. kaya mahal ko na siya.. tapos ang ganda pa ng output ng pics niya.. buhay na buhay… kung di ako bumili agad.. eto na ang pipiliin ko! kaso sorry. wala na akong pera.. kailangan kong may maipon pauwi ng pinas at siguradong maraming inuman pag-uwi! yahoo!!!

siguro next year na ako bibili ng bagong DSLR.. mas ipaprioritize ko ang lente para makapag picture ng iba ibang shots… hay.. gastos na naman!! bahala na si batman.. shetness…

31 thoughts on “present and distraction…

  1. takteng yan akala ko tlga about love! na-VICTIM ako don ah!!! siyet! welll pa-exlink naman kuya potpot..😀
    sa isang kundisyon.. WAG MO KONG TAWAGING KUYA!! i feel gurangers na…😦

  2. aba, kinabahan ako dito, akala ko totoo na ito! pero alam ko dinaan mo lang sa camera, pero may totoong lalim to (ang panget ko talaga mag-tagalog!)
    lalim ba.. parang balon.. ehehehehe

    uy, salamat at na-quote pa ako!
    syempre.. “sinong Cyber best friend mo doon?? syempre ikaw lang!”

  3. uy.. ang ganda nga nyan.. haha.. natry ko nung sang araw dun sa denkiya-san. ibang klase ang kulay
    ayy grabe.. sa kaadikan ko.. araw araw akong dumadaang yamada… ma test ko lang ang 50D.. hihihi

  4. naks… oks lang yan ako nga naka 400D lang lols… di ko naman nagagamit… kasi walang time… hopefully pa-uwi ko karirin ko na…
    sa december libay!! hihihi pag nag EB!! hihihi

    kamahal naman kasi ng 50D😛
    ayy sinabi mo pa…

  5. pareho tayong nagnanasa sa 50D huhuhu. pero teka pot, NIKON ka baket sa 50D ka nahuhumaling? sayang mga lente mo pag nag-CANON ka. dapat D300 ang pinagnanasaan mo hehe
    parang mas nagandahan ako sa output na color ng canon.. ang vivid tignan.. or di ko pa naeexplore ang d300 ng nikon.. sige itetest ko… thanks az.. payakap nga pare..

  6. HaHaHa… you got me there Florante. But I did suspect merely halfway upon reading that you were referring to a DSLR and not your mistresses =))
    because I AM referring to my DSLR!

    I feel the same way about my MacBook (Fall ’06 model) and its latest iteration — a solid aluminum model that looks like a MacBook Air on top, and a MacBook Pro at the bottom. *drool*
    wow! i wish i have a macbook..

    You just can’t keep up with technology!
    you are corrent lyssa!

  7. nyahahahah.. ampff😛 i wont say anything baka madulas ako..
    ano na naman ito apple.. pambihira…

    pot, tama si Cyber BFF. wag kana mag entertain ng kung ano ano.. kami nlng entertain mo! (lol)
    gawin ba akong clown! dapat may bayad!

  8. haha! ampness…naniniwala na talaga ako dun nung nasa gitnang part na ko eh😆
    hehehehe kapanipaniwala ba aling baby?

    buti na lang at nabawi mo, kundi mauubos na talaga ang loyal (char!) na emotero sa mundo hehe…
    hihihi… magaling ako sa bawian!

    nice cam pa rin naman ung luma, ok lang yun.🙂
    YES! and as of now.. hinihimas himas ko siya…

  9. si asawa ko nag-aalboroto tungkol sa camera na binili nya PARA SAKIN…me pagka-kapalmuks sha kasi wedding gift nya yun sakin…sha ang gumagamit😛.
    ahahahaha.. double purpose! regalo para sa iyo pero sya gumagamit! mahusay!

    heneweiz…buti naman at nakapag-isip isip ka na tungkol sa situasion mo…
    yes.. nagamit ko utak ko.. hihihi

    APIR!
    apir!

  10. eto talaga ang daming kalandian sa mundo.. pinaikot-ikot pa ako sa pagbabasa, alam mo yun? into it na ako eh…
    of course.. KIKAY nga ako eh no… hihihi

    hmm di kasi ako magaling sa mga camera eh, pero kuya ko artist meron kami dito cam na nikon meron din siyang lente pero di ako marunong sa msa d50 na mga ganyan…
    masarap kasi eh.. yung self expression saka kapag maganda shot mo.. nakakatuwa!

    ang alam ko lang magpapicture at magposing.. ahahaha cheers-glesy the great;p
    so kukunin kitang model… tagay mo pa glesy!

  11. ang hiraphanapin ng blogmokuya pot.. hehe sa wakas nakita ko na rin!
    ano ka ba kimchi.. nasa plurk info ko lang ito…

    at akala ko naman kung ano na! hehehe dami nyo talaga mahilig sa mga ganan.😀 Seryosong seryoso kasi dating nung una eh haha
    seryoso naman ako ah… yun nga lang yung bulsa ko di seryoso…

  12. ang lalim pot ah? ang seryus!!!
    parang nakakarelate ako…hhhmmpp?
    panu kaya yon? ang hirap naman..
    buti nalang narealize mu na yon na yon..hahaha!!!
    hirap mag comment…
    wag assuming! hihihi

    Buti nalang napunta sa CAMERA…
    nacarried away na sana ako eh…
    camera naman talaga yan!

    Nice one pot!
    Keep it up!!!(“,)
    salamuch!!

  13. ay!akala ko kung ano ng “present” at “distraction”..
    hihihi

    Kaw talaga kuya pot!heheheh…
    of course kikay mode eh…

    anyway.. ganda naman yan kuya!..sana meron di akong gnyan..hehehe..naku!punong puno cgurado ng mga solo pix ko..hehehe..adik din ako mag picture eh!
    ehehehe.. mahirap siyang pangkuha ng sarili.. medyo bulky siya eh

    naku!ang ganda nman ng mga pose niyo sa taas kuya! i lab it!…lalo kana “ate” pot…hehehe
    ahahay! thank you for calling me”ate” hihihi

    Godbless!
    Thank you! You too!

  14. kala ko naman kung anu na to.. ehehe… assuming na naman ako masyado nung una… ehhe..
    kaya nga nilagay ko wag assuming.. hihihi

    inde ko pa alam to, and inde ko pa natry… pero mukang ok… 15 mp.. weee… masyadong malaki..
    ok lang yan.. panalo sa kulay!

    nicheck ko sa sofmap yung price, alang makita.. mukang inde available sa sofmap to… kanu kaya to..
    huling tingin ko ay nasa 187000 yen yung may kit…

    pero para sakin. ok na yang camera mo.. ang gaganda na ng pics mo pag yan gamit mo weh.. what more pa kaya pag naka eos 50d ka na… nyahahaha..
    eh di mas maganda! hihihi

  15. nice one. nagoyo mo ako dito. LOL…
    ahahaha… wag kang mag-alala.. madami kayo.. hihihi

    pero in fairness, iba pa rin ang mga first love. kaya dun ka na lang sa camera mong de rolyo na pagkatapos ng 36 shots eh, umupo ka na lang sa isang tabi dahil tapos na ang iyong maliligayang picture-picture moments.
    salamat! hihihi

  16. lintek muntik na akong mahulog dun ah! hehehe. eh anu pa naman si… at saka yung anu ni.,.. kaya ayun. hahahaha.
    shhhhhh… wag ingay… galit popeye! hihihi

    potski the best ba talaga ang canon 50d? nasubukan mo na? hmmmnn. i like.
    oo paremoy… subok na subok ko!! ang sarap!

  17. ..nyahahahha!! galeng ni pot..ang igaliog ng utak…ang landi ng words na ginagamit..maharot!!!hehehe!!
    …whaaa..ako nga ok na sa simple point and shoot na cam..nyahahahah!!!
    parang ang hilig mo syosa at shoot ng shoot! hihihi salamat! hihihi

  18. gabo ka kapatid…..sasakay na sana ako eh… nag-hahanda na nga ako ng sermon para sa sayo eh, hahahaha
    sorry kapatid… hihihi.. adik lang ako… hihihi

  19. namiss ko dumaan dito. natutuwa naman ako at naging faithful ka sa iyong cam. natural lang na magnasa sa iba, pero bilib ako sa katatagan mo. i congratulamizations you!

    galingan mo pa sa photography *kala mo naman magaling ako noh?lols*. wala lang. para lang may nakikitang bagong photos. lols.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s