tensyunado…

nakakapressure pala ang pagboblog.. ngayon ko lang naramdaman ito.. dati kasi kapag gumagawa ako ng post.. wala akong pakialam kung ano yung content ng sinusulat ko basta nailabas ko ang saloobin ko… dahil 4 lang ang nagbabasa ng blog ko noon (ako, asawa ko, kapatid ko at nanay ko).. eto kasi yung outlet ko.. at kahit araw-araw akong mag sulat, hindi ako mauubusan ng sasabihin..

pero ngayon.. dahil dumami na ang bumabasa ng blog ko (mga 5 o 6 na ata sila) parang kailangan kong talbugan ang previous post ko.. parang nakikipag compete ako sa sarili ko.. which is nakaka tense na.. hindi ito yung gusto ko.. gusto ko lang magsulat.. TAPOS.. pero paano? dati kasi di ko naman ginagamit utak ko sa pagsusulat (dahil wala naman akong utak)… ngayon.. feeling ko, parang madaming madidisappoint sa akin kapag walang kwentang post ang nilagay ko.. sorry guys.. kung pina-asa ko kayo…

ibabalik ko na lang yung dati.. yung walang paki-alam na pag sulat.. bahala na si batman.. sana maaliw pa rin kayo sa mga kwento kong walang kwenta.. at mga pictures kong super photoshop… (sadyang pinapangit ko sarili ko baka kasi madaming maghabol.. na mga BOYLETS! ahahay!)..

feeling ko ako sa spider-man.. “with great powers.. comes great responsibility..” makapangyarihan ang internet.. madaming nakakabasa sa iba’t ibang sulok ng daigdig.. at sa mahigit 10 years ko sa web.. masasabi kong “newbie” pa rin ako… at madami pa akong dapat matutunan… the end…

siyanga pala may bago pala akong stuffed toy.. oo balak kong mangolekta ng stuffed toys ngayon.. para malibang-libang ako dito.. nakakalungkot na kapag mag-isa ka sa kwarto.. wala kang maka-usap.. pwede ko namang gayahin si tom hanks sa “cast away” eh.. “WILSON!!! WILSON!!” pero hindi naman ako stranded sa isang island.. kaya hindi mangayayari yun.. di ba “Mr. Bear”? SUMAGOT KA! MR. BEAR!!!

Si Mr. Bear ang una sa koleksyon ko… madami akong pagpipilian sana tulad nina snoopy, mga care bears, o kaya naman mga disney characters, pero para maiba muna, si Mr. Bear ang binili ko.. hindi ko nga alam kung ano talaga pangalan niya.. pero ok na yung Mr. Bear…

me and Mr. Bear
me and Mr. Bear
sweet namin no?
sweet namin no?

Swet kami ni Mr. Bear palagi.. hindi niya ako pinababayaan kapag malamig.. nagbibigay siya ng kakaibang init kaya lab na lab ko siya.. nasasabihin ko nga rin siya ng mga problema.. at napakahusay naman niyang makinig.. siya na yata ang best friend ko na hindi ako kinontra sa mga desisyon ko..

bakit di mo hinugasan yung mga pinggan?
bakit di mo hinugasan yung mga pinggan?
#%$&@!&@^#
#%$&@!&@^#
MAGSALITA KA!
MAGSALITA KA!
pitikin kita sa itlog jan eh!
pitikin kita sa itlog jan eh!

Pero one time nag-away kami… may tinatanong ako pero hindi ba naman ako kinikibo… muntik na kaming magpang-abot.. naalala ko lang na marunong pala ng Taekwondo si Mr. Bear dahil nakapag trabaho na siya sa Korea ng ilang taon… kaya hindi na ako lumaban.. baka magulpi ako…

cool na tayo pare...
cool na tayo pare...
pa kiss pare.. yung walang malisya ah..
pa kiss pare.. yung walang malisya ah..

pero after naman nun bati na kami…Kiss and make up kung baga…

pwede bang ibang ulo naman ang himasin mo?
pwede bang ibang ulo naman ang himasin mo?

hindi ko naman kayang paalisin siya sa bahay kasi kalahati ng renta siya nagababayad.. may trabaho siya sa araw.. laking tulong nga eh… model pala siya.. at eto yung isang gig niya sa akihabara.. sikat na itong kaibigan kong ito kaya wag ninyo siyang mamaliitin…

28 thoughts on “tensyunado…

  1. nyahahaha pinakilala mo rin ang pet mo… take care of potpot ha mr. bear.. baka anong magawa nyan pag di mo kina-usap. pag-inaway ka nmn, umbagan mo na..๐Ÿ˜€
    Mr. Bear : ako ng bahala sa batugan na ito.. pinatulog ko na pinaghele.. nagthuthumbsuck pa ang mokong.. hehehehe

  2. ay syempre si mama libay may pasalubong… gusto ko din nyan! I demand! hehehehe gusto ko girl ha…nyahahahaha…
    ganda ng post mo napaka deep ha
    matagal kong pinag-isipan itong post na ito… nakakatuyo ng utak.. at issey.. kung uuwi ka sa december.. mabibigay ko sa iyo.. kaso hinde eh.. hihihi

  3. pot san mo nikuha ang MR. BEAR?sa MR. BEAN o sa BEARshare? hihihi..ang cute ng toi..amfff..:)
    sa gift factory ko ata nakuha ito arnie… malapit sa train station.. dami pa dun… bakit si bear lang ang cute? ako ba hindi cute? amfpt…

  4. kawaaaiiiiii…hanu ba! Akin na lang si Mr. Bear! Aalagaan kow shaaaa *hides her cat-o-nines*…HEHEHE
    ahahahaha surely.. uuwi ka ba timi? kailangan umuwi ka.. hihihi

  5. ehehe ang cute. Maalala ko tuloy si ferdie, may binigay sya sakin na “anak” namin, isang gorilla (sabi ko mana sa ama), at ang pangalan niya ay Gori. Meron akong isda, si Fishie, 2 maliit na bears, si Mini-bear 1 and Mini-bear 2, isang donkey na ang pangalan ay Donkey, isang giraffe na ang pangalan ay Giraffe, at symepre meron akong garfield, at ang pangalan niya ay Gar-Gar.
    wow… kat, napaka unique ng mga pangalan.. hihihi

    Pakilala mo sakin si Mr. bear paguwi mo.
    oo ba…

  6. me bago din akong stuffed toy. haha. ang kyut ng stuffed toy mo.๐Ÿ™‚ blog lang ng blog. walang pakialaman ng post as long as responsible blogger ka wala kang tinatapakan o sinisiraan go lang ng go๐Ÿ™‚
    salamat joshmarie! tama ka.. wala naman akong tinatapak at sinisiraan kundi sarilli ko lang.. hihihi ano pangalan ng bago mong stuffed toy?

  7. nyahahaha! ang kulit din naman ng bear mo, manang mana sa’yo..
    fate brought us together.. hihihi

    in fairness, ang gwapo mo dun sa `bakit di mo hinugasan yung mga pinggan?` pic!
    binobola mo ako jen ah… pero papabola ako sa iyo.. hihihi salamat!! *hugz*

  8. hmmm… hindi ba si Rowan Atkinson, meron ding bear na lagi niyuang kasa-kasama dun sa kanyang tv show?
    korek ka jan.. hihihi pangalan nung bear niya ay “teddy”

    Mr Bean, isdatchu?
    mukhang malapit na akong maging mr. bean.. huhuhu

    Joke! Peace tayo. Ang cute ni mr. bear, pramis =)
    salamat po! hihihi

  9. pwede mong ibigay kay mama ana tapos kukuninko sa kanya…wala ka nang lusot potchie!
    eh sandali.. ano naman ang kapalit ni mr. bear? parang lugi ako no…

  10. ang kyut naman ni mr bear.. pakagat nga!!! may napansin ako na ngayon ko lang napuna…. may dimples ka pala!!! nyahahaha
    ayy oo nga no… ngayon ko lang din napansin! galing mo glesy!

    lamo bastos yung mga nag-cocomment sayo eh.. si mr bear lang ang pinapansin.. bakit si mr bear lang ba ang nasa picture!?! at dahil loyal ako sayo… eto para sa’yo pot………………………
    oo nga eh.. wawa naman ako… *hikbi*

    POT GUMAGANDA KA NGAYON AH (alam kong dito ka mas kikiligin eh)!!! cheers;p
    ahahay!! super kinilig ako! ang ganda ng eyesight mo sister! hihihi salamat!! tagay mo glesy!

  11. aba aba?? naku pot pasalamat ka at in good mood ako mag basa ngayon nadagdagan ang readers mo.. ako pa naman ay matagal na di napapadpad sa bahay mo..
    wow salamat adelle!! oo nga eh.. bz ka masyadow sa work mo.. hihihi welcome ka lagi dito!

    haannng cute ni mr. bear.. sana ako din.. hihihi
    cute ka naman ah!

    miss you…
    miss you too!! hihihi

    naaliw ako salamat!!๐Ÿ˜‰
    walang problema! hihihi

  12. hahah kmusta nman! gayahin daw ba si tom hanks.. (lol) infairness natawa ko sa pics nyo ni Mr. Bear ah. haha.. nakakabaliw tlaga pag mag-isa noh. (lol)
    ehehehe.. mahirap mag monologue ah.. hihihi sobrang kabato pag mag-isa… kaya naghanap ako ng makakausap.. hihihi adik ka visyel!

  13. post lang ng post..blog mo to..sila ang makibagay sayo hindi ikaw ang makibagay sa kanila..amen!
    amen! nasapian ka ng kaluluwa ni Brod Pete! hihihi

    nakidaan at di napigilang makisawsaw!hihihi…
    salamat sa pag daan at pagsawsaw! always welcome ka! hihihi

  14. MR. BEAR! pahiram naman..parang ang sarap kasama ni Mr. Bear…. hehehe..

    Buti nalang andyan si Mr. Bear, kung wala…
    Baliw na si Mr. Bean…nyahhaha

    Peace Bro!
    hindi ako si Mr. Bean! hihihi

  15. naku! ang ganda naman nang picture nyo ng besfren mo ate pot….hehehe
    of course.. hihihi

    sana may ganyan ako๐Ÿ™‚ pasalubong ha!hehehe.. cguro sarap nyang ihug ..hehehe
    pasalubong ka jan… manlibre ka muna. hihihi

  16. alam mo bro, nakaka-praning talaga ang mag-isa lang minsan sa kwarto..kaya tama lang na maglaro ka kahit sa toys man lang..link na rin kita bro
    uyy thanks ronie! oo nga mahirap ang mag-isa…hihihi

  17. sikat naman sir mr. bear ang daming comment. pede din bang manghingi nyan toink! ^^
    ahahaha.. si mr. bear ang napansin eh.. hihihi

    **sobrang hirap at ginugol talaga pagiisip mo ng name ha.. hehe.
    oo nahirapan ako… nag search pa ako sa internet ng nararapat na pangalan…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s