kahayukan…

shete.. isang taon kitang hinanap-hanap… ngayon nandito ka na.. salamat.. at maiibsan na ang pagkahayok ko sa iyo… oo aminado ako.. hayok ako sa iyo! shet ka!

dati.. ayaw ko sa iyo.. nakikita lang kita kapag nadadaan ako sa inyo… ang mahal mo kasi at napaka elegante.. hindi pa ako ganun ka desperado para tikman ka.. ano ako.. congressman?!?! pero nakumbinsi ako na subukan ka.. sabagay.. one time bigtime lang naman ito at siguradong hindi na mauulit ito dahil kafederasyon ko ang mga nuknukan ng tipid club…

na take home kita isang araw dahil hindi gaanong madami ang customer noon, isinakay kita sa sasakyan ko at sabi kong “mamaya tayo ha.. sa kwarto ko..” habang hinahaplos-haplos kita, nakaupo ka lang at parang tulala.. pero di ko pinansin yun…

dinala kita sa kwarto ko.. tayong dalawa lang ang nandoon, inilagay kita sa kama at sinabi ko pang… “sandali lang ha.. shower lang ako”.. pag balik ko.. nandun ka pa rin.. nakiramdam ako.. at unti-unti kitang nilapitan…

unang lapat pa lang ng mga labi ko sa iyo.. napaungol ako sa sarap.. iba yung sensation na nararamdaman ko.. ang isang beses ay naging dalawa.. naging tatlo.. naging apat… sunod-sunod na pagsabog ng damdamin ang aking naramdaman…

sinubukan kong umiwas sa “tukso”, pero di ko kaya.. nakaka-adik ka… minsan lang sa isang buwan tayo magkita.. pero sulit na sulit ka naman sa akin.. dahil alam kong nananabik ka rin sa mga labi kong nais kang namnamin…

hanggang sa hindi iniiwasang pagkakataon.. kailangan kong lumayo sa iyo… huling linggo ko sa pinas nung dinalaw kita sa lugar ninyo… at nung nakita kita.. naramdaman kong napakasaya mo.. dahil alam mo na sa kahuli-hulihang sandali.. ikaw ang gusto ko… ikaw.. oo.. ikaw lang…

nung nalipat ako dito sa japan.. hindi na tayo nagkita.. nalulungkot ako.. hindi ko alam kung ano gagawin ko… nalulungkot ako sa bahay.. at iniisip ko ang masasayang araw natin na magkasama…bakit ganun… hinahanap-hanap kita… sobra….

isang taon mahigit kong hinahanap ang bawat sandaling kapiling kita… pero wala.. wala akong magawa… hanggang sa nalaman ko.. sabi ng kaibigan ko na nandito ka na pala sa japan.. natuwa ako.. naikwento kasi kita sa mga kaibigan ko.. sorry kung kiss and tell ako.. pero napakasarap mo kasi eh… lahat ng nangyari sa atin ay ibinahagi ko sa kanila.. at nais ka din daw nilang makilala… at ngayon.. nakita na kitang muli.. sana ikaw pa rin yung dati kong natikman.. masarap.. malinamnam…

OMG!
OMG!
AKIN KA NGAYONG GABI!
AKIN KA NGAYONG GABI!

KRISPY KREME DONUT! AKIN KANG ISANG DOSENA NGAYONG GABI!!!

kaya kong ubusin ng isang upuan ang mga donut na ito.. kahit magkadiabetes ako.. kahit masira diet ko! pasensyahan na lang! mamatay sa kabusugan at kagahaman!! adik ako!! adik ako!! bwahahahahahaha

33 thoughts on “kahayukan…

  1. sinasabi ko na nga ba’t pagkain! hahahaha
    ang galing mo pare! hihihi

    mabuhay tayong mga gahaman!
    mabuhay!

    lol

    siyet ka nagutom ako! ampf
    mamatay ka sa inggit! hihihi

  2. waaa… bat isang flavor lang… ahahha
    actually may isang dosena rin akong assorted.. hindi ko na kinunan kasi bawas na… hihihi

  3. Pot, wala ka, nung opening season nyang krispy kreme dito sa dubai, namigay sila ng tig iisang box sa St. Mary’s church xempre isa ako sa naambunan, tapos nagpa contest sila na ung first 3 customers nila may free donut for one year kaya maiinggit ka, meron bang ganyang contest sa branc nila sa japan? wala!!!
    oo naiinggit ako ngayon.. at sa sinabi mong yan.. ipapakulam kita!

  4. wahh.. pot, sugar rush yan. >.< inpernes.. masarap nga yan.. kaya lang, d ko kaya umubos ng isang dosena katulad mo LOL
    ayy sobra aleng.. super hyper ako.. hihihi

    ingat sa pagkain…dahil uuwi ka at baka manaba ka lalo..haha..
    tumataba na nga uli ako eh.. huhuhu

  5. haha ang mahal nga nyan. dito 5riyals per piece! awww!!!
    awww mahal!

    kala ko naman nun una escort girl ang pinag uusapan na congressmen lang ang makaka afford haha.
    ehehehehe.. dati kasi para sa akin ang donut na lagpas 25 pesos ay mahal na..

    pagkain pala! toinks!
    kain tayo!

  6. haha! hinahalikan mo pala doughnut mo bago mo kainin! haha! nice expanding na tlga KK!😀
    oo.. tapos didilaan ko labi no.. hihiih yum! madami na ngang branches krispy kreme!

  7. grabeh nauubos mo ang lahat nang to ng isang upuan!
    oo prinsesa! ganyan ako kumain! hihihi

    kalerkei ka pots magshare ka naman minsan!
    oo ba.. kung nandito ka share ko sa iyo…

    sa akin isa lang keri na…
    gawin mo ng dalawa.. hihihi

  8. dear xerex

    este dear pot…

    di nga ako makabili nyan eh.. di kaya ng konsensya ko, kaya hanggang hintay na lang ako sa kuya ko na ambunan ako nyan… bibili na sana ako once gamit ang sarili kong pera pero di ko kaya… o sumpa layuan mo ako.. cheers;p
    ahahaha.. nuknukan ka talaga ng tipid! tagay mo glesy!

  9. ngayon ko lang nakita yung picture ng anak mo!!!!!
    gwapo no? magaling akong pumili sa hospital eh! hihihi

    ang cute talaga. bakit kasi ngayon lang siya pinanganak… ahaha, wla ka bang kapatid? dyok
    hintayin mong mag binata.. paligaw ko sa iyo.. ehehehehe

  10. nakikita ko na yan sa Pinas pero hindi ko pinapansin…dahil mas masarap ako este ayoko ng mga sweet foods…nauumay ako!..
    masarap ka nga.. este ang donut… yum!

  11. loser ako dahil hindi pa ako nakakatikim nyan tsk.. ano ba meron yan na wala sa dunkin donuts???? wahahahaha!
    hindi ko maexplain az eh.. pero dati ayaw ko din ng KK.. masaya na ako sa dunkin donuts.. pero nung natikman ko.. nasarapan ako..

  12. hahaha! kaya pala sarap na sarap ang kain mu! nang iinggit ka pa! nyahahaha..adik ka sa sweets!
    oo naman mj! hihihi

    isang subo ko palang…naka tatlo ka nang doNUT! nyahahaha! TAKAW MU!
    matakaw talaga ako!

    GOODLUCK kay DIABETIZZZ!
    goodluck talaga! hihihi

  13. naku… di pa ako naka tikim nyan pot wala dito sa probinsya namin nyan!!!!!
    ayy oo nga.. hayaan mo pag nagkita tayo adelle libre kita.. hihihi

    nagutom tuloy ako… kala ko kung ano na yun!!!
    hihihi.. ibang gutom ata yung sinasabi mo eh…

    ammf!!! aaaadiiiik!
    matagal na!

  14. pa-share nmn!!! hahahah kahayukan nga… imagine isang dosena sa isang upuan… wattah! grabe talent mo pot!
    oo ba apple.. share ko sa iyo.. sa iyo yung butas.. hihihi joke. lang… talent ba yan.. di ba kasibaan yan..hehehehe

  15. krispy kreme!!!! sarap nyan…. samahan moh pa nang kape… gutomz tuloy akoh.. suddenly i crave for it… hehe… eniweiz… sendali… makibasa nga nang post… first time koh atah d2 sa page moh… =)
    sarap no.. uyy salamat sa pagdaan diane! sana maulit! hihihi

  16. hahaha… nakakatuwa naman post moh…. galing ahhh… hehe… yeah dapat lang tlgah buwanan lang kayo magkitah… kc isang dozen… hmmnnzzz… let’s say about… well dunno really how many calories per doughnut… lets say 500 so daz about 6000 in one night… haha… ayos… lolz…
    oo nga.. wala akong powers para iburn yang calories na yan. ehehehe

    ingatz… GODBLESS! -di
    thanks! you too!

  17. wow!donuts…heheheh
    yeah!

    grabe ka naman ate…heheheh..akala ko namn kung ano na naman yang pasasabugin mo…hehhee..
    ikaw naman.. wala akong pasasabugin.. hihihi

    happy eating ate pot🙂
    salamat! hihihi

  18. walanamang thrill yang original na yan, eh. tikman mo yung mga may palaman. yun ang chalap chalap.
    actually dalawang dosena binili ko.. isang plain at isang variety. ehehehe

  19. halos linggo linggo yata isang box naubos ko nyan eh nung nagstart sila magopen dito nyan. masarap talaga!! hehehe
    masarap talaga paremoy!

    potski samahan mo ng kape!!
    pag uwi mo dito mag kape tayo!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s